16 - Drunk

242 6 0
                                    

A/N: Sa mga nalilito, Vienna is already twenty four year old. She graduated at the age of Twenty because basically speaking, she accelerated. She went to Greece and stayed there for two years and doon sya nadiscover and began her journey as a supermodel. After two years ay bumalik sya ng Pinas. Two years after ulit, nasa Pinas parin sya.

~*~

Sumapit ang gabi at sa restaurant ng beach kami kumain. Sabi nila ay pagtapos nito ay magbibihis lang kami tapos diretso na sa club.

"Ma, balik tayo dito sa sembreak." Sabi ni Jonnah.

"No, can't do, missy. " Humiwa si Auntie sa steak nya.

"Why? Do you have any foreplans?"

"It's not yet sure, pero baka bumalik si Azrael at Anita. "

Sa sembreak ay baka bumalik ang parents ko galing sa Spain. Magbabakasyon daw sila. Funny, dito kami nakatira pero ito ang tinuturing nilang bakasyunan.

Tatlong taon na kaming di nagkikita. Ang huling pagkikita namin ay yung nagkaroon kami ng fashion show sa Madrid at naissue akong model na anak ni Azrael kaya mas lalo akong sumikat.

After that, hanggang tawag nalang kami. Hindi sila umuwi ng Pilipinas dahil hindi naman nila pwede pabayaan ang main business na located sa Madrid.

Hindi naman naging big deal ang three years na di namin pagkikita. Sanay naman ako. Nung bata ako ay lumaki ako sa yaya ko, sya ang umattend sa lahat ng errands ko sa school, kapag pinapatawag ako sa principal's office ay si yaya ang pumupunta or nagpapadala nalang ng letter.

"Wow! That's great! Diba, Vien?" Baling ni Tito at hinintay ang reaksyon ko.

"Yeah."

Hindi gaanong nakakaexcite sa akin ang pagdating nila. Sobra, sobrang bigat ng atmosphere kapag magkasama kami. Yung tipong nakakaintimidate, na parang mafifeel ko yung sobrang yaman namin.

Business tycoon si Papá, sikat sya sa lahat. Kaya malaki at mataas ang respeto sa kanya ng mga tao pati na rin sa pamilya namin.

Peri hindi ko naeenjoy ang sobrang kasikatan ng pamilya namin. Yung tipong ang layo ng agwat mo sa normal na tao na kahit paglabas ng mall dati ay kailangan may bodyguard ako at sobrang nakakatawag ng pansin yun sa mga tao.

Ang ganda nya siguro kaya may bodyguard.

Ang yaman nya siguro kaya may bodyguard.

Ang arte naman kasi may bodyguard.

Tagabitbit siguro kaya may bodybuard.

Kapag wala sila, parang free ako. Parang walang sumasakal sa akin na magingat palagi kasi baka may bumaril sa akin kahit naglalakad lang ako sa gilid ng daan ng magisa.

"Anong problema?" Tanong ni ate Jennah habang nagbibihis kami sa kwarto.

"Wala lang. . ." Sagot ko at sinuot ang denim skirt, "Nakakagulat na after six years uuwi sila dito."

Bago kami nagkita three years ago, ako parati ang pumupunta sa Spain para bisitahin sila. Kada sembreak, Christmas break at summer.

To think na ako yung anak at dapat sila ang pumupunta sa akin, baliktad ang nangyari.

"Diba masaya yun?" Nilingon ni Myra si Jonnah para may sumang ayon sa kanya.

"Masaya." Nagsnort sya, "Asam asamin nyo nalang habang wala pa ang parents nya, baka hindi na natin sya makita pag nakarating na sila."

"Huh? Bakit naman?" Nalilitong tanong nya habang nakaupo sa kama namin. Sasama sya pero mukhang hindi gigimik ang suot nya. Nakawhite pants at tshirt lang sya. Hindi naman kasi cross dresser ang bakla.

Steal You (YouSeries #1)Where stories live. Discover now