11 - Mindlessly

232 4 0
                                    

I cried myself to sleep nung gabing yun dahil hindi ko makalimutan ang mga nakita ko. Masakit lang isipin na pinagkakanulo sila ng lahat na para bang hindi na sila maghihiwalay. Na parang bang sila ang endgame, tapos ako? Wala.

Pinilit kong isinaksak sa isip ko na hindi naman sila magkakatuluyan dahil nangako si Brent sa'kin, e. Ako raw ang pipiliin niya sa huli. Kumakapit ako sa pangako niya kahit hindi sigurado. 

God, nakakasawa na.

At mas lalong nagpasama ng pakiramdam ko ay ang pagkawala nila sa venue at nalaman kong nag-out of town sila at pinayagan ni Auntie kahit biglaan.

Hindi nagmemessage si Brent at Jonnah sa akin at pareho silang active 2 days ago, since nung birthday celebration ni Jonnah.

Hindi ko natanong kay Auntie kung nasaan sila dahil naging busy din ako sa bagong building, basta ang alam ko ay ngayon ang balik nilang dalawa. At ayaw ko rin malaman dahil baka sundan ko sila doon.

Hirap kong binuksan ang mga mata dahil sa bigat at pamamaga ng talukap ko sa kakaiyak kagabi. Wala paring message si Brent, di ko alam kung nasaan sila. Or kung ano na ang nangyayari sa kanila.

Naligo muna ako at nagbihis. Bumaba ako sa hagdanan. Hindi ako nageexpect ng bisita ngayon kaya nagulat ako ng makita si Raffy, ang pinakamatandang kapatid ni Jonnah, na kumakain ng cereal sa dining table.

Napaka feel at home naman nito. Ni hindi man lang nagpasabi na dadating siya o makikikain dito sa bahay ko. 

"Ba't nandito ka?" Tanong ko habang chinecheck ang ref. Hindi ako mahilig sa heavy breakfast kaya minsan lang nagluluto ang katulong.

Kumuha ako ng apple at maliit na  karton ng non fat milk.

"Pinapasok ako ni manang, e."

Tamad ko syang tiningnan, "Shocking. " Sarkastiko kong sabi at kumagat sa apple.

Tumawa naman sya ng bahagya, "Anyway, labas tayo."

"Ayoko."

"Bakit?"

"Tinatamad ako."

Tumawa sya, "Joke ba yan?"

Tinaasan ko sya ng middle finger. Kilala nya kasi ako bilang outgoing, proof na yung pangunguntsaba ko sa yaya ko nung bata ako para makapaglaro.

Kahit bawal or walang pera, gumagala at nakakagala ako. Kahit ilang papel lang ang bibilhin ko ay ipapasok ko pa sa mall.

Ni isang beses ay hindi ako nakamiss sa mga parties nung college, ni isang celebration ay always akong present. Kaya siguro gulat na gulat sya ng malamang tinatamad akong lumabas.

Hindi dumedepende sa mood ko ang paglabas, kahit galit, pagod at umiiyak ay talagang aalis ako. Hindi ako nawawalan ng saya.

Ngayon lang dahil sobrang wala ako sa mood na kahit pagangat ng labi ay napapagod ako. Kung pwede ko lang pauwiin si Raffy para makapagpahinga ako ay ginawa ko na.

Mygod, nadedepress na ba ako dahil sa nangyayari sa'min ni Brent?

Bumuntong hininga ako, "Sino bang kasama?"

"Who else?"

Dalawang araw na akong mukmok sa bahay at feeling ko ilang daang taon din yun.

"Girl!" Tumili si Myra at niyakap ako.

Niyakap ko rin sya pabalik at tiningnan si Raffy sa likod nya, "Akala ko ba gagala tayo?"

Nandito lang naman kasi kami sa malaking bahay ni Myra. Modern ang bahay nila na pinaghalong puti at light blue. Mas malaki ang bahay namin, pero nagmumukhang nasa medieval times dahil sa matibay na kahoy na gamit. Ang nagpapamodern tingnan sa bahay namin ay ang liquor counter sa ibaba ng hagdanan.

Steal You (YouSeries #1)Where stories live. Discover now