38 - Photoshoot

191 2 0
                                    

"A man went out of Victoria Secret model's apartment with Vienna Jackson early morning of July ** ****. Is he Jackson's mystery boyfriend?"

Napangiwi nalang ako sa article na nabasa sa social media. Hindi ko alam kung sinong source nito dahil kumakalat na. Kuha ito nung hinatid ko si Trace sa gate ng bahay dahil pinapauwi ko na sya.

Hindi ko naman alam na may nagmamanman pala sa labas ng bahay kaya nakunan kami ng picture. Ngayon ko nga lang nakita ang news na to at ilang araw na ang nakaraan mula nung araw na iyon.

Hindi naman kasi ako mahilig magbabad sa social media kaya laking gulat ko nang makita ito. Kulang nalang ibalita pa. Pero sana hindi umabot doon. Paniguradong makakaabot to kila Mamá.

Hinagis ko ang phone sa kama at pinagpatuloy ang pagaayos ng gamit sa nakahandang maleta. Ngayon na kasi ang shoot namin ni Jerik at umaga kami aalis. May susundo namang staff sa akin.

"Aalis ka na?" Tanong ni Sisa sa isang gilid.

"Yep."

"Kumain ka na ba?"

Tumango ako, "sandwich."

Tumango tango sya. Tinulungan nya nalang rin akong magayos ng gamit.

Agad agad akong bumaba nang may marinig na busina sa labas. Kailangan kasi naming agahan ang pagpunta sa beach dahil medyo malayo iyon at paliko liko ang daanan. Kaya ayoko na ring magpahatid sa mga models dahil nakakahassle. At bukas pa kami uuwi.

Tinulungan ako ng driver na isakay ang maleta. Umupo ako sa loob at tinext si Trace na aalis na ako.

Me:
I'm goin'. See you tomo.
Please don't be clingy.

Trace:
I'm gonna miss you.

Me:
You don't miss me now?

Trace:
Funny. You told me not to be clingy but you're insisting me to be.

Me:
I was just asking.
But seriously, don't be clingy.
I'll be back tomo anyways.

Trace:
I know.
Lucks <3

Napangisi nalang ako at napagdesisyunan na tawagan si Della. Nauna na kasi sya doon para masiguro ang shoot.

"Yes?" Bungad nya.

"Hi. Um... I'm on my way to the shoot. How about Jerik?"

Sandali syang natahimik, "Jerik? He's not your partner anymore."

Kumunot ang noo ko, "What? What are you talking about? We signed a contract together saying that we will do the shoot!"

Napaka-unprofessional naman! Bakit bigla syang nagback out? Ayaw ng girlfriend nya? E, diba okay na sa trabaho nya? Sa pagkakaalam ko hindi na sya teacher ngayon.

Bakit bigla syang aalis? At hindi man lang nya ako sinabihan or ininform. Pati narin ang mga staff. Pati ang manager namin.

So ano yun? Bastusan? Di porke ay pumayag ako ay babastusin nila ang kontratang pinirmahan ko? So wala na akong partner ngayon? Magisa akong magshoshoot?

"Let's calm down, Vienna. We have found a spare partner for you."

"And who?" Mataray kong tanong. Tumataas ang alta presyon ko.

Steal You (YouSeries #1)Where stories live. Discover now