39 - Intruder

184 3 0
                                    

Matapos ang shoot ay nagmamadali akong umalis para makapunta sa hotel. Gusto kong magpahinga at makapagisip muna sandali ng ako lang. Nagpaalam lang ako sa staff at agad na umalis, ni hindi ko na pinayagan pang makasama si Trace dahil baka ano nanaman ang pumasok sa isip ko.

Tumalon ako sa kama at napabuntong hininga. Hinawakan ko ang dibdib at nagflash sa utak ko ang mukha nya kanina nang magtitigan kami. Parang nakablur ang paligid at hindi ko napansin ang mainit na sinag ng araw na mahapding tumatama sa balat namin. Ni hindi ko naririnig ang mahinang tawa at pagchichismisan ng mga staff sa tabi namin.

Bumilis agad ang tibok ng puso ko kaya napapikit ako sa realisasyong tumama sa akin. Tinakpan ko ang mukha at nanggigigil na impit na sumigaw. Hindi ko matanggap ang ideyang pumasok sa isip ko. 

Gusto ko sya?

Pero imposible.

I mean, posible dahil gwapo naman sya at mabait. Galante pa at gentleman. Uso parin yata ang chivalry sa kanya kahit twenty-first century na. Sa sobrang bait nya iisipin kong virgin pa sya. Hindi ko naman ineexpect na magkakagusto ako sa kanya lalo pa't para sa akin ay masyado pa yatang mabilis matapos ang dalawang taon na nagkalayo kami.

Mag-aapat na buwan palang ata nang magkita kami. Hindi ko naman sya nagugustuhan kahit sa Pinas kahit na halos araw araw na kami nagkikita dahil sa nagmemeet naming schedule. Masyado ba akong nainlove kay Brent noon kaya hindi ko napapansin ang feelings ni Trace sa akin? Masyado yata akong brokenhearted para hindi magentertain ng ibang lalake.

Nasobraan yata ako ng pagiging loyal sa taong sinaktan lang naman ako. Tsaka, napapansin ko naman na may iba na akong nararamdaman sa tuwing magkasama kami; pagbilis ngtibok ng puso ko, ang pananakit ng tiyan at pamamawis ng kamay. Pero binalewala ko lang kasi baka ako lang naman yun.

Mas naging noticeable lang yata ang mga nararamdaman ko noong umamin sya sa akin. Parang mas lalong lumakas ang nararamdaman ko. Yung parang hindi ko mapigilan ang sarili at sumasaya lalo kapag magkasama kami.

Oh my god. Ano ba 'tong pinagsasasabi ko. Gusto ko nga talaga sya kahit naiisip ko pa lang. Napaka corny. Nakakadiri itong mga pinagiisip ko. Ni hindi ko naman naiisip kay Brent dati ang kakornihan. 

Sinubukan kong matulog pero hindi ko magawa. May mga bagay parin na pumapasok sa isip ko at panay ang throwback kung saan magkasama kaming dalawa. Nakahiga man ako ay hindi ako nakapagpahinga. Hindi nakapagpahinga ang utak ko at kada may naiisip akong moments namin ay hindi ko mapigilang ngumisi. Nangangalay tuloy ang pisngi ko.

Hindi pumasok si Mica sa kwarto namin, di ko alam kung bakit. Dahil 6:30 ang dinner ay sakto akong bumaba sa restaurant at nakita silang nakagather sa long table habang nagku-kwentuhan. Sinuklay ko muna ang buhok gamit ang kamay bago pumasok.

May pwesto pa sa tabi ni Trace kaya umupo ako sa tabi nya. Tapos na daw silang umorder at si Trace na ang naglista ng sa akin. Tahimik akong naghintay na dumating ang pagkain at hindi nakihalo sa pagkukwentuhan. Tahimik lang din naman ang katabi ko at ang kaharap nya na si Mica.

Kumain agad akong tahimik paglapag ng pagkain sa harap ko. Ganun din ang ginawa ng iba. 

"Hey." Tawag nya kaya wala akong nagawa kundi humarap. "Try this." Sakto namang tumutok sa harap ko ang meat kaya kumagat ko.

Matapos ang ilang minuto ay natapos na kaming kumain. Busog na ako at gusto ko nang umalis kaso rude ata 'yon kung mauuna ako. Kaya wala akong choice kundi magstay at maghintay na may ibang tumayo.

Kaso mukhang matatagalan pa ang pagkukwentuhan nila. Ang saya saya nila, e. Pareho naman kaming tahimik ni Trace sa gilid dahil mukhang pareho kaming wala sa mood na makisabay sa kanila.

Steal You (YouSeries #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ