Chapter Eight

2.7K 41 0
                                    


Ninang guided me to the guest room. I was so tired for today's happening. At habang naka upo kami ni Ninang sa kama pumasok naman ang ka-edad kong kasambahay nila.

Nilapag nya ang dinala nyang gatas at sandwich sa bed side table, at kinalaunan ay umalis na rin. Naiwan ulit kami sa loob ng guest room. Hindi ko mapigilan ang maging tahimik. Medyo naiilang ako na ewan. Tila ba mas gusto kong mag isip.

Nahiga na ako dahil sa pangangawit ng aking likod. Si Ninang ay nasa dulo pa rin ng kama at may kung anong ginawa sa kanyang telepono.

Kanina ay sinubukan nyang tawagan ang telepono ni Papa pero nakapatay ang telepono nito. Siguro nga ay busy sya doon. Sana bukas matawagan ko na rin sya at marinig ang kanyang boses. I was too longing for his voice and presence.

Humarap si Ninang sa akin mula sa pagkakatalikod. Alas nueve na ng gabi at halata na ring inaantok na si Ninang kaya naman nag paalam na sya para pumunta sa kanyang kwarto at mag pahinga.

Nang ako na lamang ang nasa loob ng kwarto bigla ko na lang naalalang kunin ang litrato ni Isaiah na inipit ko kanina sa maliit na notebook sa loob ng bag ko.

Sya at ako na walang inaalalang kung ano noong mga panahong iyon. Hindi ko matatanggap isipin na inabando nya kami ng magiging anak namin. Siguro may dahilan lamang sya kaya hanggang ngayon ay hindi nya pa rin ako dinadalaw.

Kung may araw mang darating at makikita ko ulit sya, gusto ko sanang sabihin sakanya na mahal ko na sya. Hindi ko pa kasi alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sakanya kaya hindi ko man lang masagot ang mga tanong at ang sinulat nya sa aking braso noon.

Sabi ng marami masarap ang may minamahal, pero mas masarap iyong alam mong may nag mamahal sayo.

Lumipas ang isang gabi ko sa dati naming tinirahan at ngayon na lamang ulit ako nakaramdam ng malambot na higaan. Hindi tulad ng higaan sa ampunan mas masarap pa ring matulog sa malambot ng kutson kung saan natulugan ko na dati.

Natapos kaming mag umagahan ni Ninang ng mag kasabay. Sa harap ng hapag kanina ko lang din nasabi sa kanya na lalaki ang magiging anak ko. Masaya naman sya sa naging resulta ng ultra sound ko. Pero nag aalala din sya na baka hindi ko kayanin mag-isa na harapin ang responsibilidad ko sa magiging anak ko.

Kung ano man daw ang magiging problema ko, h'wag daw akong mahihiyang lumapit sa kanya o kay papa. Sa totoo lang akala ko hindi na ako makakahanap ng masasandalan ko lalo na ang mga kamag anak ko. Pero sobrang bait pa rin sa akin ni Lord dahil I found some of them again.

Gustong gusto akong kupkupin ni Ninang, pero tumanggi muna ako dahil may mission pa akong ginagawa sa ampunan. Sila ang tumanggap sa akin noong walang wala ako. Sila ang nag patuloy sa akin sa simbahan at sa ampunan. So I feel na hindi pa ito ang time para iwanan sila.

Tulad ng naipangako ni Ninang sa akin kahapon, hinatid nya ako pabalik sa ampunan. Tinigil ng driver nya ang kotse sa tapat ng simbahan. At doon ko nakita na madaming nasa loob nito kahit hindi araw ng linggo.

Napalingon na lamang ako bigla ng mag salita si Ninang habang nag lalakad kami. "Samahan mo muna akong ipag dasal ang mama mo, hindi ko kasi madadalaw ang puntod ng mama mo sa makalawa." Nasabi nito.

Napatango ako, "Sige po. Hindi ko din po  madadalaw si mama. Wala po akong kasama at buntis na. Baka hindi ko na po kayaning bumyahe mag isa." Sagot ko habang nag lalakad kami papasok ng simabahan.

Buti na lang at may ispasyo pa sa bandang unahan ng simbahan. Nang makaupo ako ay agad kong tinikom ang aking mga palad at nag simula na akong mag dasal ng mataimtim, habang si Ninang naman ay lumuhod sa luhudan at tinikom din ang kanyang mga palad at nag dasal.

Undo This HurtWhere stories live. Discover now