Chapter Twenty-Eight

1.5K 22 2
                                    

PAYTON

Hindi ko na sya nasagot sa tinatanong nya sa akin nang tuluyan nya na akong mayakap ng mahigpit. Isiniksik nya ang kanyang mukha sa kurba ng leeg ko. Hindi na ako nakatanggi sa masarap nyang yakap. Pinabayaan ko na lang syang yakapin ako dahil alam kong nasasaktan sya sa iniisip nya.

Miski ako ay nasaktan nang itanong nya sa akin iyon, hindi ko inaasahan na aabot sa gano'n ang iniisip nya. Galit lang ako sa kanya at hindi ako makikipag hiwalay sa kanya. Kung natatakot akong iwan nya ako, gagawin ko pa bang iwan sya nang gano'n-gano'n na lang?

"Don't dump with me, Mahal." Bulong nya sa akin.

Tila kung may anong tumusok sa puso ko nang sabihin nya ulit iyon, "Galit lang ako pero hindi kita iiwan." Nasabi ko at saka ako kumalas sa pagkaka-yakap nya.

Naglakad ako palabas ng kusina at pumunta sa salas para doon na lang kumain katabi ng crib ni Nigel.

Kumain ako ng ilang minuto doon habang nanunuod ng movie. Hindi ko alam kung ano nang ginagawa ni Isaiah sa loob ng kusina. Sana okay lang sya...

Bandang ala-una nang makatulog ako sa couch, natulugan ko ang movie series na pinapanuod ko kanina. At nang magising naman ako ay medyo sumakit ang likod ko dahil sa pwesto ko. Naka-patay na ang TV at wala na rin ang pinag-kainan ko sa lamesita.

At dahil nga nakatulog, hindi ko na rin namalayang wala na sa crib si baby Nigel. Napabuntong hininga ako bago tumayo at dumeretso sa banyo. Nag-linis ako ng mukha at nag-linis ng bibig bago hanapin kung na saan ang anak ko.

Nang makalabas ako sa banyo ay narinig ko ang tawanan nila Mae at ni Isaiah sa labas ng bahay. Sumilip ako sa bintana at nakita ko silang nag lalaro sa garden sa may damuhan, kasama nila si Nigel na nakahiga sa stroller nya.

Pinanuod ko lang sila mula sa bintana, mabuti na lang at medyo sinat na lang ang sakit ni Nigel. Medyo kwela na naman sya ngayon. Nakakatawa na rin sya habang nilalaro sya ng daddy nya at ni Mae. Tumatakbo-takbo si Isaiah sa paligid ng stroller ni Nigel at saka nya bibiglain ng gulat ang anak. Sa simpleng pag-gulat nya lang ay humahahikgik na agad ang anak namin. Nabalik na ang dating ngiti ni Nigel dahil sa daddy nya.

Nakita kong pumunta si Isaiah sa likod ng stroller ni Nigel para gulatin ulit ang anak namin, kaso bago pa man nya magulat si Nigel ay nakita nya ako mula sa bintana. Agad nya kong nginitian habang nilalapitan ako sa bintana.

"Labas ka dyan, Mahal. Sali ka sa amin." Nakangiting sabi sa akin ni Isaiah.

Hindi nag tagal ay napa-tingin sa akin si Nigel at doon na sya napa-iyak ng bahagya dahil nakita na naman nya ako. Hindi na ako nakasagot kay Isaiah.

Inabot ni Isaiah ay kamay nya sa akin nang buksan nya ng tuluyan ang sliding window. Hinawakan ko iyon at dahan-dahang umakyat sa bintana palabas sa garden. Binalot ni Isaiah ang kaliwang braso nya sa bewang ko habang hawak nya ang kamay ko at saka nya ako dahan-dahang ibinaba sa lupa.

Akmang bibitawan ko na ang kamay nya nang bigla nya pa itong higpitan at idikit ang katawan ko sa katawan nya. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakangiti sya sa akin.

Walang kareaksyon-reaksyon ang mukha ko ng titigan ko sya habang nakangiti. Pero hindi din nag tagal at kinilig na ako nang halikan nya ang labi ko. Kumurba ng ngiti ang labi ko habang mag kalapat ang mga labi namin. Diniinan ko ang labi ko sa labi nya hanggang sa kagatin ko ang ibabang labi nya.

Hindi sya uminda kaya naman mas lalo ko pang kinagat ang labi nya habang hinawakan ko ang batok nya. Magkatitig ang mga mata namin habang kagat ko ang labi nya. Akala ko hindi sya nag papatinag, pero hindi ko namalayang unti-onti nyang nilulusot ang kamay nya sa loob ng suot kong damit. Tumataas ang kamay nyang habang nakikipag titigan sa akin at nakangiti kahit na kagat ko ang labi nya. Sinamaan ko sya ng tingin at sabay bitaw sa labi nya. Hinampas ko ang kamay nya bago ko sya talikuran at puntahan ang anak namin.

Undo This HurtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon