Chapter Forty

1.4K 21 5
                                    

Soundtrack: Colors, by Halsey

November 16,

Napadilat ako dahil sa malamig na haplos ng palad sa aking pisngi, tama ang naisip kong taong sasalubong sa aking paningin ngayong umaga, Isaiah. Hinaplos ko din ang kanyang kaliwang pisngi habang mag katitig kami sa isa’t isa. May ngiti sa kanyang mukha na mahahalata mong maganda ang kanyang naging gising ngayong umaga.

“Good morning,” pamungad bati nya sa akin at ilang segundo lang ay isang matamis na halik mula sa noo ang isinukli ko sa kanya.

“Good morning din, and happy birthday sa inyong dalawa ni Ismael.” Pinilit kong makangiti sa kanyang harap kahit na nag pupumilit nang lumabas ang luha ko sa aking mga mata.

“Kagabi pa kita naririnig na umiiyak, why until now?” hinabi nya ang ilang hibla ng aking buhok at inilagay ito sa likod ng aking tainga dahil nakaharang ito sa aking mukha.

“Masaya lang ako para sa inyong dalawa.” Sagot ko sa kanya, isa iyon sa dahilan pero ang tunay talagang dahilan ay ang nangyari sa amin ni Ismael kagabi. Nag sisisi ako kung bakit ako naging maka-sarili at pati sya ay nadadamay sa mga kabaliwan ko.

“Don’t cry, please. Lalo kang nagiging cute dahil sa pagiging iyakin mo.” At natawa sya ng mahina dahil sa pang aasar nya sa akin.

At kahit na umiiyak ay nagawa ko pa ring makangiti sa kanya ulit. Pinindot ko ang kanyang tungki ng ilong bago ko halikan ang kanyang labi. Hindi ako maka-paniwalang nagagawa ko na ito sa kanya matapos ang mahabang araw na pag hihintay sa kanya.

Sya ang unang lalaking nag patunay na hindi ako nag iisa at may tunay na lalaking kayang mag-mahal sa tulad ko noon. Sya ang unang lalaking nahalikan ko, sya ang unang at sana sya na rin ang huli pero mahirap mangyari iyon kung ang isang banda ng puso ko kay Ismael nakalaan at si Ismael ang nag pupuna. Parehas nila akong mahal at parehas ko din silang mahal. Kung pwede ko lang silang makasamang dalawa habang buhay gagawin ko, pero may ilang mang huhusga kung ganoon ang mangyari hanggang sa dulo.

Pinatahan nya ako ng ilang minuto bago kami tumayo sa pag kakahiga sa kama. Tinulungan ko syang makalipat sa kanyang wheelchair at tinulungan ko din syang makapunta sa banyo para gawin ang gawain nya tuwing umaga. At pag katapos n’on ay sabay kaming lumabas sa kwarto nya habang tulak-tulak ko ang kanyang wheelchair.

Una naming nakita si tita Lilybeth malapit sa sofa habang may kausap ito sa telepono, nag hintay kami ng ilang minuto hanggang sa matapos ang usapan nila ng kausap nito. Lumingon sya sa amin na may malaking ngiti sa mukha.

Nakalapit sya sa amin at agad nya namang niyakap patagilid si Isaiah habang parehas silang nasa kanilang wheelchair. “Happy birthday, anak ko.” Bati ni tita sa kanya.

Sumibol ulit ang malaking ngiti sa mukha ni Isaiah, walang makikitang kahit na ano dito kung hindi kasiyahan sa lahat ng mga nangyayari sa kanya ngayon. “Thank you, mom, I love you.”

“I love you, too.” Sagot ni tita at lumihis ang kanyang tingin at tinignan ako ng may ngiti din sa kanyang mga labi. “Good morning, hija.” At binati ko din sya ng magandang umaga.

Nanatili syang naka-tingin sa akin, “Mag asikaso kana, mag dala ka ng ilang damit dahil aalis tayo ngayon. Pupunta tayo ngayon sa beach para mag celebrate ng birthday ng kambal ko.” Tumango ako ng dahan-dahan habang nakangiti.

“At ikaw naman birthday boy ko, mag pahatid ka na sa sasakyan sa labas. Nag hihintay doon si Ismael.” At sinabi ni tita kay Isaiah.

Nag paalam ako sa kanilang dalawa bago ako pumunta sa kwarto ko para kumuha ng ilang damit. Makalipas ng ilang minuto nakapag handa na ako ng isang bag na may isang pares na damit. Nag bihis na rin ako at nag linis ng katawan bago ako umalis ng kwarto.

Undo This HurtTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang