Chapter Thirty-Nine

1.2K 17 4
                                    

Soundtrack: Back To You by Louis Tomlinson ft. Bebe Rexha

Nakaabang kami ni Ismael sa labas ng pinto sa isa sa mga kwarto ng bahay nila dahil ngayon ang appointment ng Psychiatrist ni Isaiah dito. Nasa iisang kwarto sila at nag sasagawa ng ilang tests ang doctor. Actually kakapasok lang nila doon, medyo na-praning lang kami ni Ismael dahil ito ang unang beses kong makita ang Psychiatrist at ngayon na lang ulit nakita ni Ismael ang doctor.

"Don't worry Psychiatrist lang 'yan hindi sexy-ing babae." Natatawang ani ni Ismael na kasalukuyang nakasandal ang likod sa pader at nakahalukipkip ang malalaki nitong braso sa dibdib.

Well, ako lang pala ang praning at hindi sya. Nakaka-ilang linggo na rin ako dito at wala naman kaming nagiging problema, miski kay Ismael.

Napakamot ako ng ulo, "Hindi naman iyon ang iniintindi ko. Ang sa akin lang baka mahirapan sya."

Napakunot ang noo ni Ismael nang sagutin ko ang sinabi nya, "Pay, he isn't going for an operation. Relax!"

Napa buntong hininga na lamang ako bago nya ako higitin palayo sa pintuan. "Okay, ganito na lang, samahan mo ako. Buong mag hapon nandito ang Psychiatrist ni kambal at wala tayong oras para kausapin sya." Nasabi nya hanggang sa mapunta kami sa labas ng front door.

"Saan tayo pupunta?" Natanong ko, naguguluhan.

"We're going in motel," sagot nya at bigla naman akong napakapit sa railing nang wala sa oras nang sabihin nya iyon.

"Talaga?" Pero sa totoo lang kinikilig na naman ako. Ilang linggo na ring wala kaming sexual interaction sa isa't isa, pero hindi naman pwede dahil... dahil hay ewan!

"Gusto mo ba?" Natanong nya ulit nang akmang bubuksan nya na ang pinto ng passenger's seat.

"Hmm, sige na nga." At bigla kaming natawang dalawa. Araw ng linggo ngayon at wala syang trabaho. At bukas November 16 na.

Pumasok na ako sa loob ng sasakyan nya at ganoon din sya pagkatapos nyang isara ang pinto sa side ko. Pinaandar nya na ang makina hanggang sa mag tuloy-tuloy na at makalabas kami sa estate nila. Mistulang hinahabol na naman kami ni kamatayan dahil sa bilis nyang mag patakbo ng sasakyan. Napapakapit na lamang ako sa itaas na handle at sa seatbelt para hindi ako ma-out of seat kapag pumreno sya.

Makalipas ng tatlongpung minuto natigil kami sa isang malaking building. Ang inaasahan ko ay "motel" pero ang nakapaskil doon ay "hospital". Napatingin ako sa kanya at nakita ko syang pinipigilan ang tawa.

"Ismael!"

"Why?" Patay malisya nyang tanong.

"Ang sabi mo sa motel, bakit tayo nasa hospital?"

"Well," tinanggal nya ang seatbelt nito. "Kakausapin natin ang Orthotics na nag recommend sa akin ng Artificial Limb kay Isaiah." Nasabi nya bago ito lumabas sa loob ng sasakyan nya.

Hindi na rin ako nag pahuli at lumabas na rin ako. "So you mean, kakausapin mo na sya kahit hindi pa pumapayag si Isaiah?"

"This is what I think is the best gift for him." Nasabi nya. November 16 na bukas at birthday na nilang dalawang mag kapatid.

Sumunod ako sa kanya nang mag lakad sya papasok sa building. "Sorry kung wala man lang akong mairegalo sa inyo bukas." Nasabi ko at pinalobo ko ang aking pisngi.

Napalingon sya sa akin, "Don't worry, I'm not asking." Nasabi nya at saka sya nag patuloy sa pag lalakad.

Hindi na lang ako umimik dahil parang hindi naman sya mabiro ngayon. Alam kong ginagawa nya ang lahat para sa amin "included me" kahit hindi nya naman ako kamag-anak at ka- relasyon. Mahal ko sya at hanggang sa puso ko na lang iyon mapapatunayan at hindi na sa gawa ng usual na mag kasintahan. Hinding-hindi na namin magagawa ang mga ginagawa namin dati noong hindi ko pa nakikita si Isaiah.

Undo This HurtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon