Chapter Forty-Three

1.4K 20 15
                                    

Soundtrack: Pillowtalk, by Zayn Malik

Napatigil ako sa pag lalakad palapit sa kanila nang makita ko ulit sya, bumalot sa akin ang takot at nanumbalik ang mga masasakit na ala-ala habang mag kasama pa kami noon. Alam kong nahalata ni tita Lilybeth na natakot ako kaya naman noong tumalikod ako ay hindi na nya ako tinawag pa. Ang akala ko makakalayo na ako sa kanilang kinalalagyan pero bigla naman akong tinawag ni Jerome na nag pakabog lalo ng dibdib ko.

“Payton!”

Napa-kagat labi na lamang ako at mariin na pinikit ang mga mata. Gusto kong mag panggap na hindi sila nakita pero wala na, ito na ‘yon. Pinalobo ko ang aking pisngi bago humarap ulit sa kanila.

Pilinit kong maka-ngiti sa ganda nang aking makakaya. “Hi!” at hindi ko inakalang nakalapit na pala sya kung na saan ako ngayon.

Mas lalo akong nabigla nang yakapin nya ako. Nailang ako kaya nilagay ko na lang ang kanang kamay ko sa likod nya para mayakap ko din sya kahit papaano. Bumitaw sya sa pag kakayakap sa akin, “Long time no see, Payton.” Napangiti sya.

Ngumiti na din ako at sinabing, “Nice to see you again, Jerome.”

He chuckled at ginulo nya ang suot kong hat pati ang buhok ko habang lumalapit kami sa pwesto ni tita Lilybeth. Pinilit kong hindi punan ng atensyon si Ismael kahit na alam kong nakikita nya din ako. Hindi ko kayang makipag plastikan sa kanya lalo na’t sobra-sobra ang ginawa nya sa akin noon.

Ayoko ng ibaba ang sarili ko para lang sa kanya, at ayokong sabihin sa kanya na na-miss ko sya kahit sa totoo lang miss na miss ko na sya—‘yong dating Ismael na sobra-sobra ang pag aalaga sa akin at ayaw na ayaw nyang masaktan ang kahit anong parte ng katawan ko, at ‘yong takot na takot na Ismael kapag nakipag hiwalay ako sa kanya.

Pero sabi ko nga kung may pag mamahal pang natitira sa puso ko hindi ko na iyon ilalaan sa kanya. Sapat nang patunay ang mga araw at gabing sinaktan nya ako, hindi nya ako mahal at pinag laruan lang ang puso at katawan ko.

Niyakap ko ng mahigpit si tita Lilybeth habang nakaupo sya sa kanyang wheelchair. May binulong sya sa akin at doon nalaman ko kung bakit nandito si Ismael ngayon. Ilang minuto pa ang lumipas at biglang syang nag salita habang nakapatong ang isang kamay nya sa maletang nasa tabi nya at habang naka lapat sa semento ang dulo ng kanyang sapatos.

“Let’s go, nagugutom na ako.” May pagka boryang ang boses nya at halata mo ding mas lumalim ang boses nya kumpara noon.

Tumayo ako ng tuwid nang higitin ni Ismael ang maleta ko, at higitin iyon habang nag lalakad palapit sa isang SUV. “Pabayaan mo na lang sya.” Bulong sa akin ni tita at saka ako pumunta sa likod para itulak sya.

“Yeah, don’t mind him, he’s a psychopath.” Natawa naman ako sa komento ni Jerome sa tabi ko.

Sabay kaming nag lakad pasunod kung na saan si Ismael. At habang ni lalagay ni Ismael ang mga maleta sa likod, tinulungan ko naman si Jerome sa pag lipat kay tita Lilybeth sa backseats. Tumabi ako kay tita doon habang ang dalawang lalaki naman ay sa driver’s at passenger’s seat naupo at nag maniobra ng sasakyan.

Nag kwentuhan kami ni tita Lilybeth habang nasa biyahe kami, sa totoo lang hindi ko alam kung saan kami pupunta at hindi ko din alam kung bakit ako sumama sa kanila.

Namiss ko talaga ng sobra si tita, sya na kasi ang nag mistulang nanay ko habang nandoon kami sa Brazil. Noong una hindi nya alam na sinasaktan ako ni Ismael at hindi nya din alam na may dinadalang babae si Ismael sa bahay nila. Nalaman na lang ni tita ang lahat noong umamin ako sa kanya at nahuli nya kinaumagahan ang babaeng bumaba mula sa second floor ng bahay.

Undo This HurtWhere stories live. Discover now