Chapter Eighteen

2.1K 35 4
                                    

PAYTON

Nagising ako sa malamig na kamay na dumampi sa aking pisngi. "Ma'am, nandito na po ulit si Adachi." Narinig ko.

Unti-onti akong dumilat at nakita ko si Mae na nakaupo sa sahig. Rinig ko agad ang tunog ng doorbell kasabay ng ingay ng malakas na ulan. Bumangon ako ng dahan-dahan at kinuskos ko ang aking mga mata. Umayos naman ng tayo si Mae sa harapan ko. Ang akala ko ay matagal na akong natutulog pero isang oras lang pala ang nakalipas.

"Kanina pa po sya nagdo-doorbell pero hindi ko pa sya pinagbu-buksan. Baka kasi magalit kayo." Nasabi nito.

Tumango ako at tumayo, biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi ni Mae. Tumungo ako sa bintana at sumilip doon. May nakatayong lalaking naka-payong habang nagdo-doorbell sa ilalim ng ulan.

Napalunok ako, kahit ummuulan nakikita ko pa rin basang-basa na sya sa ulan habang hawak nya ang payong at bouquet ng bulaklak. "Papapasukin ko na ba, Ma'am?" Natanong ulit ni Mae sa akin.

Tango lang ang naisagot ko sa kanya. Sumillip lang ako sa bintana habang sya ay pinag-bubuksan ng gate si Isaiah. Pati si Mae ay nabasa na noong makalapit sya sa kanya. Nag-uusap sila habang nag lalakad papasok dito sa loob. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko ngayon. Masyado akong masaya at masyado akong nag-aalala sa sarili ko at sa anak ko.

"Pasok ka Adachi." Narinig kong sabi ni Mae sa kanya. Naaninag ko na ang mga anino nila sa sahig. Pero hindi ko pa nakikita ang mga mukha nila.

Nag pupunas muna sila ng basa sa katawan bago tuluyang pumasok. "Thank you!" Sagot ng lalaking sobra ang pagka-pamilyar ng boses sa pandinig ko.

Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakalma ang sarili ko. Nangingilid ang luha ko pero pinipilit kong hindi ito tumulo mula sa aking mga mata.

"Nakauwi na ba si Ma'am Payton mo?" Natanong nya kay Mae. Hindi agad naka-sagot si Mae. Pinilit ko ang sarili ko na manatili sa likod ng pinto kahit na gustong-gusto ko ng makita si Isaiah at mayakap, at halikan ng sabay.

Nakita ko na si Mae nang makalagpas sya sa pintuan, tinignan nya ako at doon na sinagot ang tanong nya. Tumango sya at sabay sabing... "Oo nandito na sya. Kakauwi lang nila kanina."

Nakarinig ako ng yabag sa sahig galing sa sapatos nya. Nang malapitan nya si Mae ay doon ko na nakita ang kalahati ng mukha nya. Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang pag bugso ng nararamdaman ko. "Na saan sya? Gusto ko na syang makita, Mae." Mabilis nyang sinabi. Nakangiti sya at kitang-kita ko iyon sa kanyang mukha.

"Ayun po sya," tinuro ako ni Mae.

Dahan-dahan nyang pinihit ang kanyang ulo sa kaliwang side kung na saan ako nakatayo. Tahimik kong hinihiling na sana hindi matapos 'tong gabing ito. Napalunok ako dahil sa pag pipigil ng luha. Tuluyan ko ng nakita ang buo nyang mukha. Nabitawan nya bigla ang hawak nyang bouquet at nahulog iyon sa sahig.

"Payton," sumibol ulit ang malaking ngiti sa kanyang maputlang mukha.

Nakatingin lamang ako sa kanya na para bang ayoko ng ialis ang paningin ko sa kanyang mukha. Malaki ang nag-bago sa kanyang pangangatawan. Mas lalo itong lumaki na tila alaga sa gym.

"Anong ginagawa mo dito?" Unang apat na salitang lumabas sa aking bibig nang makita ko sya. Ayokong magpa-kita ng kahit katiting na kahinaan sa harapan nya. Gusto kong mag mukhang matapang at malakas kahit na ngayon lamang sya bumalik at nag pakita sa akin.

"I'm here to see you," nakangiting sagot nya. Papalapit sya sa akin ng papalapit.

Napatingin ako kay Mae na nasa likuran nya nang mag salita ulit ito, "Ma'am iwan ko na muna kayo. Mag papalit lang ako ng tuyong damit." Paalam nya, at agad naman syang umalis. Iniwanan nya kaming dalawa ni Isaiah.

Undo This HurtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon