Chapter Thirty-Three

1.4K 16 3
                                    

Soundtrack: Medicine, by Queen Naija

Nang makaalis ako sa bahay nila papa dumeretso ako sa hospital para magpa check-up. Anemia. Iyan ang findings ng doctor na kumonsulta sa akin kanina. Iyan ang cause ng madalas na hilo, pagod at pamumutla ko. Na-comfirm din nyang hindi talaga ako buntis kay Ismael. At dahil ayokong mag-tagal sa hospital, umuwi na rin ako kaagad pagkatapos kong mabili ang gamot na nireseta ng doctor sa akin kanina.

Kahit anong gawin ko, nadi-dismaya pa rin ako dahil sa naging resulta. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ngayon ni Ismael at bakit nya ako nagawang lokohin sa isang babae sa club. Okay naman kami kahapon, maayos kami, pero sa isang iglap lang nag bago na ang lahat. Katahimikan lang ang isinasampal nya sa bawat interaction namin mula kaninang madaling araw.

Napa-sakay ako sa siksikang Jeep dahil sa kawalan ng pamasahe, nag-kulang ang perang dinala ko kanina. Nag-tiis ako sa mainit at mabahong usok ng bawat sasakyan hanggang sa makababa ako mula sa babaan ng McKinley Hill. At mula doon nag lakad pa ako ng ilang kilometro para makarating sa condominium building nila Ismael. Katanghalian na at nagugutom na rin ako, gatas lang ang laman ng tiyan ko noong umalis ako sa unit nya. Umiiwas na lang ako mapatingin sa mga taong kumakain sa bawat restaurants at coffee shops na nadadaanan ko para hindi ako magutom lalo.

Makalipas ng ilang minuto nakasakay na rin ako ng elevator, at dahil sa pag sakay doon ay mas lalo akong nahilo. Sa bilis ng mga nangyari at dahil sa hilo, hindi ko na namalayang nalagpasan ko na ang floor ni Ismael. Sa 41st floor ako bumaba at gumamit na lang ako ng hagdan para pahirapan ang sarili ko. At nang sa wakas ay makarating na ako sa tapat ng pinto nya ay may bigla namang lumabas mula sa loob. Isang babae na sobra ang pagka-daring ng suot na damit.

Nag taka ako, at napatingin na lang sa kanya habang palayo sa unit ni Ismael. Buti na lamang at naiwan nyang bukas ang pinto kaya naman madali na lang akong nakapasok sa loob, pero hindi pa pala tapos ang pasabog at naabutan kong umiinom sya ng alak sa couch habang nanunood ng movie sa TV. Hindi lang sya mag isa doon, may kasama pa syang mga binatilyo at dalaga sa sala. Napatingin ang mga kasama nya sa akin pwera lang sa kanya.

"Hi, Miss!" Bati ng isang binatilyo, at ang isa naman sa kanila ay sumipol nang mag-patuloy lang ako sa pag lalakad papunta sa kusina. Saan naman nya nakilala ang mga iyon?

Kumuha ako ng isang basong tubig bago ako dumeretso pumasok sa kwarto nya. Aangkinin ko muna iyon habang nasa labas silang lahat, pero ito na naman bago pa man ako makalapit sa kama may nakahiga na doong isang babae. Tinignan ko sya saglit at hindi ako pamilyar sa mukha nya.

Napabuntong hininga na lang ako nang wala naman akong matutulugan sa buong unit nya. Ayoko namang makatabi ang babaeng hindi ko naman kilala, mamaya babae pala ni Ismael iyon tapos tatabihan ko lang? Ew.

Pero bago pa man ako mawalan ng pag-asa, kinuha ko na ang sobrang unan sa tabi ng babae at kinuha ko din ang kumot na nakalagay sa gilid nya. Pumasok ako sa banyo at sa wakas wala ng balakit sa loob no'n.

Sinapinan ko ang tuyong bath tub at inilagay sa loob no'n ang unan. Napabuntong hininga na lang ulit ako bago pa man mahiga sa malamig kong higaan. Uminom ako ng gamot bago pa man ako tuluyang makatulog.

--

ISMAEL

I'm freaking messing up with my love, well, it is actually what I really felt about the result of her pregnancy test. If I could only bear a child, I would definitely and willingly raise it to my stomach, bursa, sac nor whatever people called it. Just to make sure I'm bearing and raising my child with Payton. I seethed urgency to her this past few days, but this time after yesterday I found myself pouring gallons of booze in my mouth. I have been drowned and flirt with the other woman inside the bar. The heck I was doing it for real.

Undo This HurtWhere stories live. Discover now