Chapter Thirteen

2.5K 30 2
                                    

PAYTON

Katulad ng sinabi ni Papa, hinanda ko ang sarili ko para ngayong gabi. Nakatulog na naman si Nigel kaya naman mamaya ko na lang sya gigisingin para kapag nag harap-harap kami ay gising na gising sya at para makilala nila ng lubusan si Baby Nigel.

Saktong 6 ay dumeretso na kami sa lobby, karga ko si Nigel na bagong punas ng mabangong wipes ang buong katawan. Nakita namin si Papa malapit sa entrance, habang palapit ako sa kanya ay bigla syang napalingon sa amin. Malapad ang ngiti nya sa amin, kinuha nya agad sa akin si Nigel at kinarga ito sa kanyang mga bisig.

Tumango si Papa sa akin hudyat para sabay kaming mag lakad palabas ng seaview hotel. Sa mga oras na iyon ay sobrang kalma ng paligid, tahimik at tanging maririnig mo lang ay ang mga ibon sa iba't ibang dako at ang maliliit na alon sa dalampasigan.

Sobrang ganda ng hapon na iyon, kulay kahel na kahel ang langit. Ang araw ay tila ba limang-piso na naka-dikit lamang sa langit na may sariling halo sa paligid nito. This is a full definition of peace, pero magiging peace pa rin kaya mamaya kapag nakilala na nila kaming mag-ina?

Napapikit ako ng madiin at sabay hinga ng malalim nang matanaw ko na kung na saan sila naka pwesto. Papa set a nice date for the whole family by using a nice view on the sea and a dinner on its shore.

Lahat sila ay naka-upo na doon, una kong nakita si Tita Michelle na sobrang lapad ng ngiti sa kanyang mukha katabi niya ang dalawang babaeng anak, at katabi naman ng isang babae ang nag iisang lalaki at ang nakatalikod naman sa aming paningin ay si Jasmine.

Nanlaki ang mga mata ng tatlong mag kakapatid, pwera lang si Jasmine na busy sa pag dutdot ng kanyang phone nang makalapit kami sa kanila.

"Aww! He's so cute..." Na sabi ni Joan ang bunsong anak ni Papa. Nakita kong nakayuko pa rin si Jasmine kahit na nandito na kami sa tabi nila.

"He's Isaac Nigel Neville..." Pakilala ni Papa sa anak ko habang isinasayaw-sayaw nya ito ng bahagya, doon na tuluyang tumingala si Jasmine kay Papa.

"And who is she? The beautiful lass beside you, dad?" Natanong naman ni Nazareth ang pangatlong anak ni Papa na mas matanda sa akin ng tatlong taon.

Agad ko syang nginitian at kinawayan, hindi masungit ang awra nya at halatang mabait kaya naman hindi ko inaasahan ang pag kaway nya din sa akin. "Hi po sa inyong lahat! Ako nga po pala si Payton... Neville." Nakangiti kong pakilala sa kanilang lahat.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mapatingin kay Jasmine, sobra-sobra ang kunot ng kanyang noo nang tignan ko sya at hindi ko inaasahan na nakatingin din pala sya sa akin.

"Wow! They had our family name, are they our relatives?" Nakangiting tanong ni Nazareth, nagagawa nya pa ring makangiti kahit na halatang naguguluhan sya sa nang yayari.

"Relatives? Or your mistress, dad?" Nanlaki ang mga mata ko, at bigla na lang akong kinabahan ng sabihin nya iyon harap-harapan kay papa.

"Jasmine!" Suway ni Tita Michelle.

I try to speak but I can't search for the right word in my brain. Hinarang ko na lamang ang kamay ko kay Jasmine and try to shake my head to say no!

"Umupo ka muna Payton." Nasabi ni Tita Michelle. Tumango ako at dahan-dahang umupo sa katabing upuan ni Joan.

Nang makaupo ako ay agad na hinimas ni Joan ang likod ko at ngumiti sa akin. And she dubbed the words It's okay... Tango lamang ang tanging naisagot ko sa kanya.

Tumayo si Tita Michelle mula sa kanyang upuan, at kinarga si Nigel na malapit ng umiyak dahil sa inip. Sabay silang umupo ni Papa sa mag katabing upuan at doon nag patuloy na naman ang tensyon sa gitna naming lahat.

Undo This HurtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon