Chapter Thirty-Eight

1.3K 14 3
                                    

Soundtrack: Bad Things by Machine Gun Kelly & Camilla Cabello




I had so much fun talking to Isaiah tonight, nang matapos kami hinayaan ko na syang makapag pahinga. Inayos ko ang pag higa nya sa kama at inayos din ang kumot sa kanyang katawan. "Good night." Bulong ko nang makatayo ako sa gilid ng kama nito.

Pinilit nyang maka ngiti sa akin kahit halatang hindi na kaya ng kanyang mga mata ang antok. "Good night," at hinaplos nya ang aking pisngi bago pa man sya makapikit.

I kissed his knuckle and his forehead. "Sweet dreams, babe." And I told him trying to reached his mind using my words and wishing that it could be included to his dream. Dahan-dahan kong binitawan ang kamay nya at tahimik kong nilisan ang loob ng kwarto nya.

Nakalabas ako sa kwarto nya at napadaan ako sa salas, nakita ko ang wall clock at eksaktong alas-dos na ng madaling araw. At kahit malalim na ang gabi ay hindi pa rin ako nakakaramdam ng antok.

Dumeretso ako kusina para uminom ng tubig, walang katao-tao doon, ako lamang ang tao doon. Mabuti na lang at hindi nakakatakot ang bahay nila at may kaunting liwanag pa rin kahit papaano. Dinala ko ang basong may laman na tubig at pumunta na ako pataas sa kwarto ko.

Binuksan ko ang pinto at nakita ko kaagad si Ismael sa kama ko. Hindi sya umalis? Mukhang nakatulog na ito dahil humihilik hilik na sya habang nakapikit. Nag lakad ako palapit at nilapag sa side table ang basong may tubig. At naupo ako sa kanyang tabi para masiguradong tulog na talaga sya. Pero iba ang nagawa ko, naupuan ko ang kamay nya kaya bigla na lang syang nagising.

Napadilat ang mga mata nya, at nag adjust sya sa liwanag ng lampshade kaya hinarangan ko na lamang ang liwanag para hindi sya masilaw ng todo.

"Payton," mahina nitong tawag sa pangalan ko. Napabuntong hininga na lamang ako bago mag salita.

"Lumipat ka na sa kwarto mo!" Mahina pero may inis kong utos sa kanya at tumalikod ako ng upo sa edge ng kama. Wala naman syang naging sagot bagkus ay umupo din sya tulad ko sa edge ng kama.

"Lumipat ka na matutulog na ako," ulit ko at saka ako tumaas sa kama para ako naman ang makahiga doon. Nakita kong naisuklay nya ang mga daliri nya sa kanyang kulay itim na buhok.

Nag iwas ako nang tingin ng mapatingin sya sa akin habang nakahiga ako. "Kamusta ang kwentuhan nyo ni Isaiah?" Natanong nya may kaunting pagka-ngarag ang boses nya ngayon.

"Maganda." Matipid kong sagot. "Pwede ba umalis ka na matutulog na ako. At akala ko ba maaga ka pa bukas?" Tanong ko.

Ayoko na syang makita ngayon kahit na gusto ko pa syang makasama ngayong gabi. Masaya na ako ngayon dahil nakita at nakapag usap na din kami ni Isaiah pero kapag sya ang kausap ko naaalala ko lang ang mga sinabi nya sa akin kanina. Sex toy nya lang ako at malinaw ang pag kakasabi nya sa akin n'on.

"I will go back to work to tomorrow at the same time lolo wants to talk to me that's why I had received summon from him yesterday." Sagot nya.

"Ah," 'yan lamang ang naging reaksyon ko nang malaman iyon. Hindi na ako nag tangkang mag salita pa pag katapos kong mag-react. Pero nabigla naman ako sa sunod nyang tinanong sa akin.

"You mind if I date someone?" Napapikit ako nang marinig iyon galing mismo sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin kaya hindi na lang ako nag salita para sagutin ang tanong nya.

Namayani ang ilang minutong katahimikan bago ulit ako makarinig ng salita mula sa kanya. "Mahal, tulog ka na ba agad?" At naramdaman ko ang kamay nya sa braso ko.

"Tigilan mo na ako, umalis ka na sabi. At wala akong pakialam kung makipag date at sex ka pa sa ibang babae. Choice mo iyon, at matutuwa pa ako kung makahanap ka ng bago mong sex toy!" I mumbled my words and pushed his arms away from my body.

Undo This HurtWhere stories live. Discover now