Chapter Fourteen

2.4K 32 6
                                    

PAYTON

"You're so beautiful." Iyan ang unang nasabi ni Kit sa akin nang maka-labas ako ng kwarto. Ngumiti sya ng sobrang lapad na tila ba ngayon lang ako nakita. Nginitian ko lang din sya at hindi na pinansin pa.

Nag simula kaming mag lakad hanggang sa makarating kami sa kabilang banda ng beach na may maraming taong nag sasayawan sa buhanginan. Medyo madilim ang paligid dahil tanging mga makukulay na ilaw lamang sa disco ball ay ilaw doon. At may sobrang lakas na party song na pinapatugtog ang dj.

Hindi ko inaasahang hahawakan ni Kit ang kamay ko at dahan-dahan akong hinigit papalapit sa crowd. Natawa ako ng sumayaw sya sa harap ko na para bang isang macho dancer sa isang club. Sobrang ingay ng paligid. Tinatakpan ko lang ang bibig ko dahil ayokong makita nya akong tumatawa sa ginagawa nya. Mukhang kilala naman nya lahat ng mga taong sumasayaw katulad nya. May nag bigay pa nga sa kanya ng dalawang can beer habang nag sasayaw sila.

Tumingin sya sa akin at binaabot ang isang can beer. Tumanggi ako dahil hindi naman ako nainom ng alak, ang last pa ay noong nakita ko sila Isaiah at Ismael sa bar. I shook my head at nag lakad na lang ako palayo sa ingay. Sinundan nya ako hanggang sa shore ng dagat na medyo malayo layo sa ingay.

Humarap ako sa kanya, "Come on!" Nasabi nito. Naging maamo ang mukha nya na tila ba gusto talaga akong painumin ng alak.

"I don't drink ever since." Sagot ko naman sa kanya at nginitian sya.

Akala ko magiging masaya ako kapag sumama ako sa kanya, pero bakit parang mas naging malungkot ako? Napabuntong hininga ako bago ako naupo sa may buhangin. Niyakap ko ang aking mga tuhod at niyukyok ang mukha sa loob.

Naupo din sya sa tabi ko at sinimulang inumin ang isang can beer na hawak nya. He gulped, "What's bothering you?" Natanong nito bigla.

Pinatong ko ang baba ko sa aking tuhod at tumingin ng deretso sa madilim na dagat. "I'm trying to forget something but it always flashing back. I'm scared of the day he would back to me and leave me again. My son growing up without his own father. I want to forget him, I want to start over again." Nasabi ko sa kanya, feeling ko ang tagal ko ng tinatago ang mga salitang iyon sa bibig ko na ngayon ko lamang nasabi sa taong hindi ko man lang kilala kung sino.

Narinig ko syang natawa ng mahina, "You don't deserve him..." nasabi nya na walang ano mang alinlangan sa kanyang mga salita.

"Maybe... but my son deserve him." Pabulong kong sabi. Nararamdaman ko na ang mga luha ko sa aking mata kaya naman mabilis ko itong pinunasan at bigla ko na lamang hinablot ang can beer na nilapag nya sa buhanginan.

Nagulat sya sa aksyon ko kaya tinignan nya na lang ako habang binubuksan ang can beer at kung paano ko inumin ang alak ng tuloy-tuloy. Nalukot ang mukha ko dahil sobrang pangit ng lasa ng alak. Kahit kelan hindi ko talaga magugustuhan ang lasa nito. Pero hindi ko alam sa sarili ko ngayon, hindi ko inintindi ang lasa kahit na gusto ko ng masuka. Sabi kasi ng ibang tao nakakalimot daw kapag nakakainom ka ng alak, so maniniwala muna ako sa kanila. Ngayon lang!

Nakalahati ko ang laman ng can beer, tila umikot ang paningin ko dahil sa pag inom ko ng alak. Tumawa ng malakas si Kit at dahan-dahan nyang pinahid ang basa sa gilid ng labi ko. Humarap ako sa kanya at tinitigan ang kanyang mala perpektong mukha. Hindi ko ipag kaka-ila na talagang gwapo sya.

Humarap din sya sa akin ng nakangiti. Hindi ko alam pero, gustong-gusto kong nakangiti sya kahit na minsan nag mu-mukha na syang baliw sa harap ko.

"I'm Payton, nice to meet you today, Kit." Nakangiti kong pakilala sa kanya. Nilahad ko ang aking kamay para sa isang shake hands. Hindi naman nya ako pinag-hintay at kinamayan ako agad-agad.

Undo This HurtWhere stories live. Discover now