Chapter Twenty-Two

1.9K 22 2
                                    

Soundtrack: Beautiful Goodbye, Maroon 5

PAYTON

Malakas na sigaw ang nag patawa sa akin bigla ngayong umaga habang pinupulbuhan ko si Nigel sa kama namin. Siguradong gising na silang dalawa. Hinilot-hilot ko ang mga tuhod ni Nigel bago ko pa man sya kinarga.

"Halika na, gising na ang daddy mo panigurado." Natatawang sabi ko kay Nigel at sabay halik sa kanyang pisngi.

Lumabas kami ng kwarto at sumilip sa guest room, rinig ko mula dito ang mga boses nila sa loob na tila na naguguluhan sa mga nangyayari. Sabado na ng umaga ngayon at ngayon din ang punta nila Sister Charm at Richard dito sa bahay. Hindi lang sila nakapunta dito noong nakaraang linggo dahil nasa bakasyon kami kaya ngayon na lang ulit sila makakapunta dito.

Bumaba kami salas ni Nigel, at hindi pa man kami nakakaupo sa couch nang may mag doorbell sa labas. Siguradong sila Sister at Richard na iyon. Ako na ang dumeretso sa pintuan para buksan ang gate sa labas at nang mabuksan iyon ay hindi ako nag kamali kung sino iyon. Nag tatatalon na kaagad si Richard ng makita kaming dalawa ni Nigel.

"Mommy!" Sigaw nito sa akin habang hawak ni Sister Charm ang isang kamay nya.

Nag madali ako para mabuksan ang gate dahil na-miss ko din ang bata na ito kahit papaano pati na rin si Sister Charm. Pumalupot ang kanyang maliliit na bisig sa katawan ko nang mabuksan ko ang gate at makapasok na sya sa loob.

"Na-miss kita, Mommy! Pati na rin ikaw baby Nigel." Nakangiti nyang sambit habang sinusubukang abutin ang paa ni Nigel. Nakangiti lamang si Sister Charm sa gilid namin habang pinakikinggan si Richard na mag salita.

"Na-miss din kita, big boy!" Nasabi ko at hinawi ang kanyang malagong buhok sa iisang gilid.

Nakapasok kami sa loob ng bahay, naupo sila sa tabi namin ni Nigel. Nilalaro ni Richard si Nigel at gan'on din si Sister Charm. Dinalhan kami ni Mae ng mainit na kape sa salas at gatas naman kay Richard. Umiinom sya ng gatas habang nilalaro si Nigel ng kanyang sariling laruan.

Hinalik-halikan ni Richard si Nigel kahit na may gatas pa sya sa labi nya, tuwang-tuwa naman ang anak ko dahil nakakita na naman sya ng kalaro.

Tumingin ako kay Sister Charm at napangiti dahil na-miss ko sya, napansin nyang nakatingin ako sa kanya kaya naman niyakap nya ako. "Kamusta bakasyon?" Natanong nya bigla.

"Sobrang saya ko Sister, naging maganda ang bakasyon at napakilala na ako ni Papa sa mga anak nya." Nakangiti kong sagot.

Napabuntong hininga si Sister na para bang natuwa dahil sa aking sinabi. "Mabuti naman, salamat sa Diyos." Nasabi nya. Sobra sobra ang ngiti ko na tila hindi na mawawala sa aking mukha.

Ilang saglit lang ay nakarinig ako ng mga yabag pababa ng hagdan. Napatingin ako banda doon, "Fuck, man! You are the one who'd ravished me!" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nag-sabi ng mga salitang iyon napatingin ulit ako kay Sister Charm at gan'on din ang naging reaksyon nya.

"Are you serious? You're a man, boy! I couldn't do that unless you have a hole like a woman. I don't fuck a man, and you're not even on my lists." Napakunot ang noo sa taong nag-sabi non. Napatingin sa gawi ko si Isaiah, nakita nya akong nakakunot at tila ba natauhan sya sa kanyang sinabi at gan'on din ang naging reaksyon ni Kit sa tabi nya.

Naka-topless silang dalawa nang makababa silang dalawa. Palapit na sila sa amin nang makita kong nag-sign of the cross si Sister Charm. "Patawarin kayo ng Panginoon." At bulong pa nito.

Nakasuot si Sister Charm ng kanilang uniforme kaya naman mabilis nilang nalaman ng madre sya. Ngumiti silang dalawa na para bang umamong tupa at nag-bow pa sa harap ni Sister Charm.

Undo This HurtWhere stories live. Discover now