Chapter Fifty - Final Chapter

2.6K 28 33
                                    

Soundtrack: Symphony, by Clean Bandit ft. Zara Larsson


Halos naging bahay na namin ang hospital dahil sa pananatili namin dito nang tatlong buwan. Nahihiya na ako kay Ismael dahil sya ang halos gumagastos ng lahat ng bills at medication ko gaya ng pag papa-chemo at radiation therapy. At sa susunod na araw mag a-undergo ako sa Hemotopoietic stem cell transplantation o (bone marrow transplant) nag mamakaawa na ako kay Ismael na huwag nang ituloy ang transplantation dahil gagastos na naman sya ng million dahil doon. Pero kahit anong gawin ko hindi pa rin sya sumusuko sa akin, gusto nyang gumaling ako kahit na sobrang liit ng kakayahan kong gumaling dahil sa sakit na 'to. Bugbog na ang katawan ko dahil sa mga treatment na ginagawa sa akin buwan-buwan. Hindi ko maisip kung paano ko iyon nalalampasan, lalo na sa tuwing may itinuturok silang kung ano sa spinal ko. Doon palang ay halos hindi ka na makahinga sa sakit. Pero tila nasanay na ang katawan ko sa sakit na dulot n'on dahil noong nanganak din ako kay Nigel at sa kambal ay doon din ako tinurukan ng anesthesia.

Nanatili sa stage 2 ang sakit ko dahil na rin sa tulong ng mga treatment. Hindi ko alam kung nagagawa ni Ismael na bayaran ang lahat ng bills, lalo na't umabot ng million ang bills namin. Alam kong stockholder sya, may direktang pera na pumapasok sa account nya pero hindi ko naman mataim na ginagamit nya lamang iyon para sa pag papagaling ko at sa ibang gastos ng mga anak namin. Ni hindi na nya mabilihan ang sarili nya nang kung ano man ang luho nya. Nakikita ko na ring napapagod sya sa araw-araw nyang pag babantay sa akin at sa kambal namin. Minsan umaalis sya para lang bisitahin si Nigel kay Naz. Lahat iyon ginagawa nya para lang sa amin, at hindi ko maiwasang maawa sa Mahal ko. Gusto ko syang tulungan kaso nakikita ko ang sarili kong wala nang silbi, ang tanging maiaambag ko na lang ay ang hindi sumuko pero kahit iyon ay hindi ko magawa. May pag kakataon sumusuko na ako sa harap nya habang umiiyak, sinasabing hindi ko na kaya dahil sa masakit at dahil sa hindi ko na maalagaan ang mga anak namin. Nag papakatotoo na lang ako dahil ayoko na syang mahirapan pa nang dahil sa akin.

At ang tungkol naman sa kambal ay tumigil na sila sa pag-dede sa akin, dahil kung ipag papatuloy ko pa ang pag papa-breastfeed ay baka mawalan na ako ng lakas para sa sarili ko. Iyon ang katotohanan na lubos kong ikinagagalit sa sarili ko, nang dahil sa sakit na ito lahat sila nag hihirap at naapektuhan. Hindi na ako nagiging mabuting ina sa mga anak ko, at hindi ko na nagagawa ang mga tungkulin ko sa kanila. Pakiramdam ko ako na ang pinaka mahina, walang kwenta, at walang silbing tao sa mundo. Naiinggit ako sa ibang nanay na nag bibigay ng gatas sa kambal ko, ang babait nila kasi pumapayag sila at minsan ay nag re-rekomenda sila na i-breastfeed ang dalawa kong supling. Wala akong magawa kung hindi panuodin sila at maluha habang pinapadede nila ang mga anak ko. Nasabi ko sa kambal na sana hindi sila magalit sa akin dahil sa hindi ko magawa ang responsibilidad ko para sa kanila. Nanganak na rin si Jasmine tulad ko noong nakaraang buwan, maski sya pinapa-dede ang kambal ko. Hindi ko inaasahan na ang taong kinamumuhian ko dati dahil sa kanyang ugali ay sya ring tutulong sa akin sa ganitong paraan.

Humarap ako sa salamin ng banyo, ayoko nang suotin ang mga damit dito. Ayoko nang manaliting isang pasyente sa loob ng establisyamentong 'to. Gusto ko nang umalis dito at puntahan ang panganay kong anak na matagal nang nag hihintay sa akin. Pinag masdan ko ang sarili ko sa salamin, malaki na naman ang pinag bago ng katawan ko at simula noong isinilang ko ang kambal ay biglang nawala ang malakas kong pangangatawan. Sobrang payat ko na, 'yong masasabi mong buto't balat na lang. Maputla din at halos buong katawan ay may pasa, at kapag hinahawakan ako ay minsan napapa-aray na lang ako sa sakit. At higit sa lahat ang buhok ko ay nag lalagas na, epekto ng chemo at ibang treatment. Hindi ko alam kung paano pa nakakatiis si Ismael sa hitsura ko ngayon, hindi na ako tulad ng dati, wala na akong ganda at lalong hindi ko na sya napapasaya. Kung tutuusin pwede naman syang mag-hanap ng iba pamalit sa akin pero hanggang ngayon ay hindi nya pa rin iyon ginagawa, alam kong may pangangailangan sya na magagawa lamang ng ibang babae sa paligid nya. Madami pa syang mahahanap bukod sa akin, ang mahalaga lang naman kasi sa akin ay ang kaligayahan nya at ng mga anak ko.

Undo This HurtTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang