Simula

2.3K 34 4
                                    

First day



Inilibot ko ang mga mata ko sa nagtataasang building na pumupuno dito. Abala ang mga estudyante, pati na rin ang mga guro sa kakahanap ng kanilang mga silid-aralan at schedule para sa magdadaang taon.

May nakita din akong grupo ng magkakaibigan sa di kalayuang field na nag-uusap at nagtatawanan, maaaring magkakaklase na sila noong nakaraang taon.

Napatingin ako sa wristwatch ko. Maaga pa naman at may oras pa akong maglibot sa bago kong paaralan pero 'di ko piniling gawin 'yon. Sa halip, hinanap ko ang bulletin board malapit sa office ng principal na nakita ko noong nag-early enrollment kami ni Adam.

Hawak ang strap ng aking bag, at ang iilang librong binigay noong nakaraang araw lang, pumunta ako doon para tignan ang pangalan ko sa bawat section.

Hmmm.... Alcantara, Samantha Isabella, Grade 7- Amethyst (Room 0901)

Matapos makita ang pangalan ko sa unang pahina ay pumihit na ako para hanapin ang room na iyon, nang may bigla akong nabanggang matigas na bagay.

Napa-angat ang tingin ko kung sino man ang nakabangga ko. Nakita ko ang seryoso ngunit may naglalarong pilyong ngiti sa mukha ng lalaking ito. Medyo makapal ang kilay at may malalalim na mga mata, nakakahalina. Matangkad sya at pakiramdam ko'y isa siya sa mga Grade 10 base sa pagkakaiba ng laki ng katawan namin.

Narinig ko ang mga bulung bulungan kung saan patungkol sa paninitig ko sa kanya. Napadako ang mga mata ko sa mga taong pinagtitinginan kami. Nag-init ang aking pisngi ng mapagtantong baka malaking tao siya sa eskwelahan na ito at di ko siya pwedeng titigan at malapitan ng ganito.

"Excuse me, miss." Tsaka niya lang nasabi ng siguro'y mapansin din ang bulung bulungan. Ang mababa niyang boses ay parang hinehele ako sa sobrang rahan at lamig nito.

Marahan naman akong tumabi at napagpasiyahan na hanapin na ang room ko at iwanan na ang mata taong nandoon at may mapanghusgang tingin sa akin.

"How dare she stare at my Leo like that?!" Rinig kong sabi nung isa. Sino kaya 'yong Leo'ng sinasabi niya? At sino naman yung naninitig sa kanya?

I shrugged away that thought. Samantha, nandito ka para mag-aral, hindi makichismis!

Umihip ang malakas na hangin dahilan upang magalaw ng kaunti ang aking salamin. Inayos ko ito sa dating pwesto at bumalik ulit ang kamay ko sa strap ng aking backpack.

Nasaan na kaya si Adam? Maaga akong umalis ng bahay dahil sa excitement na nadama kaya't 'di ko naisip na itext man lang siya.

Dinampot ko ang cellphone sa loob ng aking bag nang mapagpasiyahan na itext man lang siya. Baka kasi hinihintay niya ako.


Ako:

Dame, nasan ka na? Nasa school na 'ko.


Agad ko ding binalik iyon sa bag ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Nang makarating ako sa silid ay medyo marami nang tao roon. May nagtatawanang mga lalaki at nagkukwentuhang mga babae na natigil nang dumating ako.  Halos lahat sila ay napatingin sa'kin at nagbigay ng nandidiring tingin. Maaaring dahil sa itsura ko? Sa salamin ko? Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon.

Dala ang mga libro sa aking kamay ay umupo ako sa pinakadulong upuan. At dahil nababagot ako, binuksan ko ang isa sa dalang libro at nagbasa. Natigil lang ang aking pagbabasa ng marinig ang mahinang tili ng kababaihan.

Napaangat ang tingin ko ng makita si Adam na halos kasabay pumasok 'yoong lalaking nabangga ko kanina. Ang mga babaeng abala kanina sa kani-kanilang kolorete sa mukha ay natigil upang pagmasdan din ang dalawang naggwagwapuhang lalaking kakapasok lamang ng silid.

My Bestfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now