Kabanata 32

424 17 1
                                    

Nothing like us



"Yes, Christine. I already packed my things." Sagot ko kay Christine habang ihinahanda ang sandwich na almusal ko bago ako umalis.

"Are you sure you na kaya mo mag-isa?" Tanong niya ulit. Umiling ako doon. Paulit-ulit naman ito. "Yes, I can handle. Kaya ko ang sarili ko, don't worry." Sagot ko bago inilagay sa tupperware ang sandwich. Sa sasakyan ko na lang ito kakainin. "Sige na. I got to go. See you next week!" Sabi ko bago binaba ang cellphone. Inilagay ko ang tupperware sa may eco bag na dala at isinabit na ang backpack ko.

Mabilis lumipas ang mga araw. Nakakapagod ngunit bawi naman dahil sa long weekend. Pero imbis na magpahinga ay kailangan kong gawin ang project ko kaya narito ako ngayon at pupunta sa isang probinsya para mag-film.

Christine and the girls wanted to come with me dahil nag-aalala daw sila sa akin but I insisted na ako na lang. They should be relaxing and having fun home at ayaw kong maabala sila.

Napatingin ako sa langit na madilim pa. Alas kuwarto pa lang ng umaga at papaalis na ako sa bahay namin. I decided to travel alone at huwag nang magpahatid sa mga drivers sapagkat malapit lang naman dito ang Laguna, ang probinsiyang napili ko para ifeature sa aking proyekto. It's just two hours drive away.

Nang masigurong ang lahat ng gamit ko ay nasa kotse na, pinaandar ko na ito. Mabilis akong nakarating sa beach na pagfifilm-an ko. Kulang kulang dalawang oras lang ay nandoon na ako. Kinuha ko ang backpack ko and the few snacks that I brought. Agad agad akong pumunta sa information desk at doon nagtanong kung saan ko makukuha ang susi ng kwartong ipinareserve ko.

Ngumiti sa akin ang babae at hinanap ang susi ng kwarto. Nagtawag din siya ng bellboy upang ihatid ako sa kwarto. "Thank you." Tanging sambit ko sa bellboy nang makarating na sa kwarto.

Inilibot ko ang mata ko dito. I reserved for a suite na hindi masyadong malaki. Tama lang ang kwartong ito para sa akin. Matapos ilagay ang aking mga gamit sa cabinet ay pumasok ako sa cr para magshower muna. Pagkatapos magbihis ay lumabas na ako ng cr at napagdesisyunan na ayusin muna ang mga plano ko para ngayon at sa mga susunod na araw.

Inilabas ko ang aking notebook at doon inilista ang mga nakatakda kong gawin para sa tatlong araw kong stay dito. Matapos magplano ay kumain muna ako ng sandwich na binaon ko kanina.

Nakalimutan ko palang kumain sa biyahe. Nako, Samantha, sige gutumin mo yang sarili mo.

Matapos iyon ay naisipan kong lumabas at simulan nang magfilm. Buti at hindi matirik ang araw para makapaglakad lakad muna ako. Suot ang puting sleeveless at maong shorts ay lumabas na ako dala dala ang camera ko. Buti na lang at may dala akong tsinelas at nasuot ko 'to para makapaglakad lakad sa seaside.

May mangilan ngilan akong bangkang nakita sa may dulo ng beach na ito. Medyo onti pa lamang ang mga tao dito dahil maaga pa nga. Binuksan ko ang camera ko at unang kinunan ang dagat. Tahimik ang dagat. May maliliit itong alon at malinaw ang tubig. Napakagandang pagmasdan. Ang buhangin ay pino at puting puti. Ang sarap sigurong ienjoy ito kung hindi ko lang kailangang magfilm dito.

Sunod kong kinunan ang mga bulaklak at halaman na nasa paligid nitong beach. Ngumiti ako habang itinatapat ang camera sa mga ito. This is why I love provinces especially beaches. Tahimik at maaliwalas. The sea makes me calm. Ang mga alon ang nagpapakalma sa puso ko. Naisipan ko pang maglibot libot at tignan ang dulo nitong beach. Maaga pa naman kaya't wala naman sigurong mawawala kung maglibot pa ako ng saglit.

Habang kinukunan ang paa kong naglalakad ay may narinig akong pamilyar na boses. Nanggagaling ito sa maliit na bar malapit sa dulo nitong isla. Pumasok ako upang marinig ng malinaw ang boses na iyon.

May naaaninag akong lalaki na nasa gitna ng stage at kumakanta. "Lately I've been thinking, thinking about what we had
And I know it was hard, it was all that we knew, yeah." Nakayuko siya at medyo malayo ang pinagtatayuan ko para maiita siya ngunit sapat na upang marinig ko ng mabuti ang boses niya. Pamilyar talaga ang boses niya. Hindi ko lang maalala kung sino at saan ko narinig ang boses na iyon.

"Have you been drinking, to take all the pain away? I wish that I could give you what you deserve. 'Cause nothing can ever, ever replace you. Nothing can make me feel like you do, yeah." Patuloy niya sa pagkanta. Ang boses niya ay mababaw ngunit nakakahalina. Para akong hinihele sa boses niya. Damn, he's a good singer!

"There's nothing like us. There's nothing like you for me. Together through the storm. There's nothing like us. There's nothing like you for me, together." Nang simulan niya ang chorus ay nanghina ang tuhod ko at tumulo ang luha ko. Muntik na akong matumba kung hindi lang ako napahawak sa stool na nasa tabi ko. Hindi ko alam kung bakit ako nanghihina. Siguro dahil sa kanta..? O baka sa boses niya...? Hindi ko alam. Basta ang alam ko ay madali akong umalis doon at nagbalik sa kwarto ko.

My Bestfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now