Kabanata 10

479 16 8
                                    

The new member


Pagkapasok ko palang ng gate ay lahat ng mata ay nasa akin na.


"Sino yan? Transferee?"


"Tol, bagong chicks oh."


"Oo nga! Ang ganda niya."



"May kamukha siya. 'Di ko lang maalala kung sino."




Bulungan dito, bulungan doon, yan ang sumalubong sa akin pagpasok ko. Napakalaki ba ng pinagbago ko? Sobrang pangit ko ba noon at di ako bagay makisabay sa Ximmies?


Isa na akong ganap na miyembro ng Ximmies. Ang bait-bait nila sa akin. Parang ang tagal na nila akong naging kaibigan. Ang gaan din ng loob ko sa kanila.



Nang makapasok ako sa classroom ay ganun pa rin.


Nagulat ako ng lapitan ako ni Beatrice.


"Hi! I'm Beatrice! You?" Tanong nya at naglahad ng kamay. Pabebe pa magsalita. Alam ko na ito. Makikipagkaibigan siya sa maganda para sumikat siya. Kung hindi ko lang alam ang ugali mo. Napailing ako sa isip ko.



"Bagong myembro ka ng Ximmies?" Tanong niya pa ulit. Sabay tingin sa Ximmies na nasa likod ko. Oo, sikat na agad sila kaya't ang pagpasok ko sa grupo ay agad na nalaman ng mga tao.



"Nakalimot ka na ata? I'm Samantha. By the way, oo new member ako ng Ximmies." Sabi ko at nilampasan na siya, iniwanan ko sa ere yung kamay niya.




"Tabi sa daanan namin, bitch."



"May kalat dito. Sinong cleaners? Papulot naman."



"Itabi nyo tong basura dito, sisipain ko 'to."



"Wawa ka naman. Iniwan sa ere kamay mo. Para ka kasing Barbie'ng maganda nga pero itchosera."


Pang-iinis sa kanya ng Ximmies. Nang makita ko si Leo ay nakatitig sya sa akin at nakaawang ang bibig. Kinindatan ko lang siya.



Did I change a lot? Of course, nasaktan kasi. Kaya ngayon nagbago. Makikita nyo. Mahuhulog sakin si Leo. At sisiguraduhin ko yon. Napag-isipan ko na ito kagabi. At malinaw na malinaw na ang plano ko at kung ano ang mga mangyayari.



Nang tignan ko sa gilid ko si Adam ay halatang gulat pa siya sa mga nangyari. Ginala ko ang paningin ko at ganun din ang reaksyon nila.


"Shook, Dame?" I chuckled.




"You changed," napasinghap siya. "a lot. 'Di ka naman ganiyan kahapon..." Pagtataka niya.



Napaisip ako. Oo nga pala! Yung nangyari kahapon. "About kahapon. I'm sorry about that. I'm just," natigilan ako, naaalala ko na naman yung nasaksihan ko kahapon. "just hurt. Sorry kung 'di kita napansin." Pagpapatuloy ko.



"Ano bang nangyari?" Tanong niya. At dahil nga bestfriend ko siya ay kinwento ko lahat ng nangyari pero syempre hinanaan ko ang boses ko. Lubusin na natin habang wala pang professor namin. Kinwento ko sa kanya na parang wala lang sa akin. Na nakamove on na ako. Kasi alam kong dadating ang araw na luluhod sa harapan ko si Leo.




"Sorry kung wala ako sa tabi mo nung kailangan mo ng kaibigan. Si Sebastian pa tuloy ang tumayo'ng bestfriend mo at hindi ako..." Yumuko siya. Parang nagsisisi na hindi niya nagampanan ang tungkulin bilang bestfriend ko.




"No, Dame, you know I love you. Salamat sa concern but 'di mo kasalanan yun. Baka akalain mo naman na hindi na kita bestfriend. Mahal kita okay? Bestfriend kita e." Sabi ko at niyakap siya. Nagtatampo 'to, sigurado ako kaya dapat ay amuhin ko siya. Ayaw kong nagkakaroon kami ng 'di pagkakaintindihan.




"Okay. Love you, too," natigilan siya at napalunok, "bestfriend." sabi niya. Kumalas na ako sa yakap at nginitian siya at ganun din naman siya. Ganito na kami noon pa. We cuddle a lot pero walang malisya yon. We're just bestfriends.



Nang makarating ang prof namin ay sinabi niya samin ang gaganaping "Mr. and Ms. University" halos isang linggo nalang at gaganapin na ito kaya ngayon daw namin gaganapin ang botohan for the contestants.






Kailangan ng isang pair kada section, at yun ay yung mananalo sa botohan. May tig-anim ang pwedeng inominate. Boys para sa girl at girls para sa boys. 





Sa babae, unang na nominate si Christine. Of course maganda siya, matalino pa. Hindi na ako nagulat ng sumunod sa kanya si Krishna, Kathryn at Angel. Dalawa nalang ang natitira ng manominate si Beatrice.





Nagulat ang lahat ng magtaas ng kamay si Leo, lahat napatingin sakanya, kasama na ako dun. Hinihintay kung sinong inonominate niya.




Syempre, I'm sure maganda yun at matalino, sexy din. Katulad ng type niya, hindi naman siya magnonominate ng pangit, hindi ba?




"Yes, Mr. Johnson, sinong inonominate mo for the last place sa nominees?" tanong ng professor namin.




"I will gladly nominate, Ms. Alcantara ma'am." Halos malaglag ang panga ko nang inominate niya ako. Tumingin siya sakin at kumindat. Maraming nagbulung bulungan, maraming sumang ayon at marami din ang hindi, kadalasan ay babae.





"Okay, so table for the nominees of Ms. University is closed." sabi ni ma'am at sinimulan na ang pagtatawag ng mga magnonomina para sa Mr. University.






So, syempre unang nanominate si Leo. At ang loko, nagmayabang pa. Sunod ay yung gwapo'ng sumusunod sakin sa pinakamatalino, si Blake.



Then si Travis, isa sa mga kaibigan ni Leo. Sunod naman si Slay, kaibigan ulit ni Leo. At si John, tropa rin ni Leo. 'Di na ako nagulat ng manominate si Adam. Syempre, gwapo siya, matalino at may magandang pangangatawan.





Kaso ang tanong, sinong mananalo sa nomination? Sino ang lalaban para sa section namin?




Kinakabahan ako. Naiisip ko pa lang na may Ms. and Mr. University ay nakakakaba na. Not that umaasa ako na ako ang magprepresent ng section namin pero kinakabahan pa rin ako.




Syempre, labanan yun ng bawat section at bawat grade level. Nakakahiya naman na hindi kami manalo or hindi kami makasali sa final nominees lalo na't highest section kami. Dangal ng buong section namin ang nakasalalat dito!



At dapat kung sino man ang maipanlalaban, galingan nila! Kasi hindi biro-biro itong kompetisyon na ito.



Isang beses lang isa kada school year at talaga namang ginagalang ang section na nananalo dito. Kaya kailangan, at least magkaroon kami ng place hindi ba? Bukod sa reputasyon ng section ay may price din syempre ng ibibigay. Nakakaexcite naman ito! Nakakaexcite na nakakakaba!

My Bestfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now