Kabanata 7

526 22 1
                                    

Sebastian Mateo



Nanghihinayang ako dahil alam kong makakaapekto sa grades ko ang ginawa ko. Pero mas manghihinayang ako kapag wala man lang akong nagawa para sa mga bagong kaibigan ko.

Okay lang yan, Sam. Atleast nakatulong ka. Tama! Okay lang ito!

Pagkatapos akong sigawan at bulyawan ng professor ay pinaalis na niya ako. Habang naglalakad ako na matamlay pabalik sa canteen nang may nakabangga ako. Napabuntong hininga ako.

"Sorry po." Sabi ko nalang at naglakad na paalis. Ngunit hinatak niya ang braso ko. Teka? Sino ba ito?

"Miss, ako nga pala si Sebastian. Diba ikaw yung top student ng school?" Tanong niya. Nag-angat ako ng tingin at nakakita ako ng matangkad ngunit medyo payat na lalaki. He looked kinda shocked to see me.

Maputi siya at may singkit na mga mata. May maninipis ngunit mapang-akit na mga kilay, matangos na ilong at manipis ngunit mapupulang mga labi. Marahan lang akong tumango dahil parang wala akong lakas magsalita sa oras na iyon.

Hinawakan niya ang braso ko at inaaya akong maglakad.

"Ano nga palang pangalan mo miss..." Napaisip siya, "Top student?" sabi niya at bahagyang natawa.

"Samantha." Matamlay na sagot ko. Wala talaga akong lakas na makipagkaibigan sa mga oras na iyon.

"Nakita ko yung nangyari kanina sa cafeteria, sana pinaliwanag niyo nalang yung totoong nangyari para 'di na naapektuhan yung grades mo." Aniya. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Nakita niya pala yun? Oo nga naman, nasa gitna kami ng cafeteria, paanong hindi makikita ng mga estudyante iyon?

"Hayaan mo na. Kaysa naman mapagalitan sila hindi ba?" Sabi ko.

"May point ka pero mali pa rin yung ginawa mo." sabi niya.

Di ko alam kung bakit ako nakikipag usap sa kaniya pero parang ang gaan kasi ng loob ko sa kaniya. I have this comfortable feeling around him.

"Sorry." Yun lang ang nasabi ko.

"Okay lang. 'Di naman ako yung prof para magsorry ka." He laughed. Parang may kung ano sa tawa niya kaya napangiti ako.

"Yun! Ngumiti ka rin." Sabi niya, napansin niya kasi na napangiti ako. Nginitian ko lang siya.

Nang makarating kami ng cafeteria ay inaya ko siya na kahit magkape lang o juice kasama ang mga kaibigan ko. Di naman niya ito tinanggihan.

"Hi, guys!" Masayang bati ko habang sila ay nag-uusap.

"Oh? Bakit ang saya mo ata?" Napakunot ang noo ni Krishna.

"Samantha, sorry." Nakayuko namang sabi ni Christine.

"Parang di siya napagalitan kung makangiti oh." Kumento ni Angel. Pinilig niya pa ang ulo niya.

"Sorry nga pala, Samantha." Medyo malungkot naman na sabi ni Kathryn.

"Ah, wala yun! Okay lang. Tsaka may kasama nga pala ako. Halika, Matt!" Masayang tawag ko kay Matt na nakatayo sa may bandang likod ko.

"Hi!" Bati niya sa kanila. "Hi! Sebastian Mateo." sabi nya at tumingin sakin. He waved at my friends. Nginitian ko lang sya.

Ang saya saya ko ngayon na may bago na 'kong kaibigan. Bukod pa doon, masaya siyang kasama!

Napakunot ang noo nila ngunit kalaunan ay ngumiti rin at isa isang nagpakilala kay Mateo.

My Bestfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now