Kabanata 6

552 22 5
                                    

Meet the Ximmies



Nandito kami ngayon sa room at hinihintay ang teacher namin. First time niyang malate ah? Ang sabi-sabi, nagkaproblema daw dahil sa mga transferees. Ano kayang nangyari? Hmm?

Hindi nagtagal ay nakarating na rin ang teacher namin at may mga kasama siya. Apat na mga magagandang babae at ang isa dun ay si Christine. Sila kaya yung transferees? At bakit naman kaya napasama si Christine dun?

Dire-diretso lang si Christine sa paglalakad papunta sa upuan niya sa tabi ko. Nilipat na kasi siya dito sa first subject. At nagrequest si ma'am na kung pwede ipalit nalang daw si Dame dun sa isang pasaway na kaklase namin. So in all subjects, magkakaklase kaming tatlo. Ang saya! Napatili pa nga ako ng malaman ko ang balitang 'yon!

"Damn! Sabi nang hindi kami yung nag umpisa! Sila kaya! Shit." Bulong bulong ni Christine. Mukhang inis na inis siya. Magkasalubong kasi ang dalawang kilay niya at ang dating ngiti na palaging nakaplaster sa mukha niya ay wala ngayon.

Sa kuryosidad ko ay tinanong ko siya, "Tine, anong problema? Tsaka bakit mo kasama yung mga transferees ba yun?" Bulong ko.

"E' kasi naman! Friends ko yang mga transferees sa Valenzuela. Kasabay nila ako pumasok kanina tapos may mga punyetang bida-bida na naghamon. Ayun! Nagkaroon ng away! Kami pa ang sinisisi." Inis na inis na saad nya.

"Ah, okay." Sabi ko. Wala naman akong magagawa sa problema nila. Wala din akong maitutulong kaya shut up nalang ako.

"I don't wanna argue. Tama na. Sana matuto na lang kayong lahat sa mga kasalanang nagawa ninyo. Lalo na ikaw, Ms. Martin. Ikaw dapat ang maging role model ng mga transferees. Gaya nga ng sabi mo, kaibigan mo sila kaya dapat bilang mas nauna kang naging student ng school na ito, turuan mo sana sila ng mga rules dito sa school natin." Sabay sabay na napairap ang mga dalaga sa sinabi ng professor namin.

"Okay, Introduce yourselves to your classmates." Sabi ni ma'am at naupo na siya sa may lamesa niya. Bigla namang nagliwanag ang mukha nung mga dalaga nang marinig na magpapakilala sila.

"Hi, Kathryn Jasmine Smith, 16 years old." Sabi nung chubby pero magandang babae.

"Park Krishna Audrey. 16." Sabi naman nung parang maldita na maganda.

"Angel Blith Wang. 16 years old." Sabi nung dyosa. Kumindat pa siya! At dahil doon, parang kinilig ang mga kaklase ko at naghiyawan sila, napatawa naman ako ng mahina.

"So as you see, Ms. Smith is a half korean and half american. Ms. Park is a Half Korean and Half Filipina. And of course, Ms. Wang is a Half Chinese and Half Korean. " Pag-eexplain ni ma'am. Wow! Puro sila may lahi! Kaya pala ang gaganda nila dahil siguro na rin sa pinanggalingan nilang lahi.

"Bes! Girl crush ko na si Ms. Wang!" Rinig kong bulong bulong ni Kimberly, leader namin sa English Reporting.

"Sabi na nga ba, tibo ka." Sagot naman sa kaniya nung katabi niyang si Michelle.

"Hindi naman! Girl crush lang naman! Ang ganda niya kasi!" Sabi niya.

"Wow! Pare! Ang ganda nung Kathryn. Parang last week lang lumipat dito si Christine tapos ngayon, ang dami nang magaganda!"

"Tama ka pare. Ang sarap dugtungan ng apelyido ko yung pangalang Krishna."

"Inlove na yata ako."

At sandamukal na naman ang mga first impression ng mga kaklase ko. Bakit nung ako ay nagpakilala nung first day, wala namang ganyan. Walang positive na sinasabi sakin. Puro negative. Siguro dahil hindi naman ako maganda, talino lang ang meron ako.

My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon