Kabanata 36

393 13 3
                                    

Aaden Montenegro




"That looks stunning on you!" I smiled at Krishna as I received her compliment. We were in a mall buying clothes. Napansin kasi nilang limited lang ang mga damit ko and since it's my birthday, they treated me!

I was so happy when they said that. Pero syempre I don't want to use them and their money. Pinagbigyan ko lang ang mga ito dahil nga birthday ko. Ngumuwi ako.

Kinapa ko ang price tag sa gilid nitong tube top na bibilhin ko. Tinampal ni Kathryn ang kamay ko. Napatingin ako sa kaniya. "We told you to not worry about the price right? It's our treat naman e!" Umiling iling pa siya.  Umismid ako.

"Ngayon lang 'to ah? Ayokong ginagastusan niyo ako, especially when I want to buy my own caprices."

"Sige na, sige na! Take it off na para we can pay immediately." Tinulak ako ni Krishna pabalik sa dressing room.

Tumingin ako sa damit for the last time at tsaka hinubad na nga ito. Dala ang tube top na napili namin kanina, samahan pa ng tatlong skirt at dalawang blouse ay lumabas na ako ng dressing room.

Nagpalit ako ulit pabalik sa spaghetti top at white maong shorts ko. Inayos ko ang buhok at tumingin sa kanila na nasa coach pa. Kumunot ang noo ko. Nakatingin sila sa cellphone ni Christine.

"I remember this guy..." Napaisip si Christine at dahan dahang bumilog ang kaniyang bibig.

"It's Adam's father!" Baling niya kila Krishna at Kathryn. Kumunot naman ang noo ng dalawa.

"You met his father?" Isinatinig ni Kathryn ang tanong sa isip ko. Tumango si Christine. "Yeah, nung nag-enroll ako sa school natin. I remember him having a fight with him pa nga e." Umiling iling siya.

"Huh? E' hindi ba, it's one of the owners yan ng school natin? Paano naman nangyari na hindi natin alam na anak niya si Adam?" Krishna tilted her head to Christine. Tumikom ang bibig nito. Napabaling siya sa akin at saka mariing isinara ang mga labi. Namilog ang mata niya.

"Nandiyan ka pala, Sam! Naku, tara na! Check out na natin 'to." Tumayo siya at hinatak ako. Tinigil ko siya. Hinagip ko ang kaniyang cellphone sa kamay at tinignan ito.

'Famous business tycoon will finally reveal his son's identity! He also said that it's his one and only heir for their company! We're so excited to meet him!' Dahan dahan ko itong binasa. Inulit ko pa ng tatlong beses para malaman kung totoo nga ito.

How come? How come he never said this to me? Paanong hindi ko ito alam pagkatapos ng madaming taon?

Inangat ko ang tingin kay Christine. "Is this really Adam's father?" Nanginginig ang kamay kong nakahawak sa cellphone niya. Iniwas niya ang tingin sa akin at pinaglaruan ang mga kamay. "Tell me," Inilapag ko ang hawak dahil sa takot kong mabasag ko pa ito. "Totoo ba?" Matigas na tanong ko sa kaniya.

Nang dahan dahan siyang tumango ay halos bumagsak ako. Parang nanghina ako.
In those years we were together, pilit kong inaalala kung may sinabi ba siya na tungkol sa papa niya. Yes, I asked him about it but he won't talk about it. I always wonder why, now I know.

Tumango ako, at mabilis na pumunta sa counter. Tikom ang bibig ng dalawa sa likod pero may bahid ng kuryosidad ang mga mata. I feel like there's a tension between us. Matapos macheck out ay kinuha ko na ang paper bag.

"Listen, Sam. He never wanted to lie to you okay?" Sabi niya sa akin ngunit pinutol ko siya. "So you knew about this and didn't tell me?" Inangat ko ang tingin sa kaniya. I can't believe this!

Inilapag ko ang paper bag sa harap niya. "I suddenly don't feel like celebrating now. Thank you for your effort though." Ngumiti ako sa kanila. Mariin ang pagtalikod at mabilis ang mga hakbang papalayo.

My Bestfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now