Kabanata 8

481 20 1
                                    

Cry


'Di ko alam kung bakit pero masaya ako na nakilala ko si Sebastian. Halos isang buwan na din simula nung magkakilala kami. Palagi kaming magkasama at nagkukwentuhan. Alam na rin niya na crush ko ang kaibigan niyang si Leo.

Kung si Adam ay halos tutol kay Leo, siya naman ay supportive. Tinutulungan niya akong makalapit kay Leo kaya't nagpapasalamat ako sa kanya.

Naikwento niya rin na yung babaeng gusto niya. Maganda, mabait at mapagmahal. Yan ang characteristics ng babaeng yun. Kaso nga lang daw ay may iba daw itong gusto. Minungkahi ko na lapitan niya ang babae at ipagtapat ang nadarama ngunit tumanggi siya. Baka daw makagulo lang daw siya dito at masaya naman daw siya kapag masaya ito.

Nga pala, nandito ako ngayon sa library at nagbabasa ng libro para sa assignment namin. Wala akong kasama dahil may gagawin daw si Adam, si Christine naman ay may lakad kasama ang Ximmies at si Sebastian ay may practice sa basketball kaya't hindi ko na sila inabala pa.

Napatingin ako sa mga librong kailangan ko at sa listahan nito. "Kulang pa pala ang libro na hihiramin ko." Sabi ko sa sarili kaya't ako'y naghanap ng huling librong kukumpleto para sa assignment ko.

Break time ngayon at kaunti lang ang tao sa library, madalas ay nasa cafeteria kasi sila.

Habang naghahanap ako ay may narinig akong ungol. Huh? Saan naman nanggaling yun?

"Hmm..." Ungol iyon ng lalaki. Nakarinig din ako ng ungol ng babae.

Patuloy lang ang naririnig ko kaya't sinundan ko ang tunog kung saan ito nanggaling. At dinala ako ng mga paa ko sa madilim na bahagi ng library. Naglakad ako nang mahagip ng mga mata ko ang isang lalaki at babae kaya't ako'y mabilis na nagtago sa likod ng book shelves. Nang silipin ko ito ay patuloy lang sila sa paglalampungan.

Patuloy sa marahas na paghahalikan. Hinihimas ng lalaki ang hinaharap ng babae at ang isang kamay ay nasa maselang bahagi ng katawan ng babae. Ang babae naman ay nakapaloob ang isang kamay sa pants nung lalaki at ang isang kamay ay nasa batok nito.

In short they are making out! At mukhang gagawa pa ng "milagro" sa loob ng library.

Shit! I curse under my breath. Aalis na sana ako dun nang maaninag ko ang mukha ng lalaki. Pumikit pikit pa ako upang makasiguro kung totoo ba talaga ang nakikita ko.

Napatakip ako ng bibig sa sobrang gulat ko ng nakumpirma kong siya nga.

Si Leo. Siya yung lalaking nakikipagmake out ilang metro ang layo sa akin with... Zhyra.

'Di ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Di ko alam kung bakit. Crush ko lang naman siya. Pero bakit ganito? Bakit parang ang sakit?

Bumalik na ako sa kinauupuan ko kanina at binitbit ang mga gamit ko. Wala na akong pakialam sa kulang na libro. Isesearch ko nalang ang mga detalyeng kulang. Mas inaalala ko ngayon ay ang nararamdaman ko. Para akong tinutusok ng isang libong karayom sa aking puso.

Bakit ganito? Bakit ang sakit nang makita ko siya na nakikipagmake out?

Lumabas na ako ng library tutal ay naipagpaalam ko na rin naman na hihiramin ko ang mga librong dala ko.

Di ko alam kung saan ako pupunta ngunit patuloy lang ang paglakad ko. Di pinapansin ang mga nakasalubong.

At dahil sa nanlalabong paningin dala ng mga luha ko ay nakabangga pa ako. Nang mapadapa ako sa lupa ay 'di ko na mapigilan ang sarili ko. Tuloy tuloy ang pagpatak ng aking luha. Nagcrack din ang salamin ko dahil sa pagtama nito sa lupa at ramdam ko na rin ang hapdi ng sugat ko, 'di lang sa tuhod pati na rin sa mukha. Pero ang mas masakit ay sa puso.

"Samantha?" Sabi ng nakabangga ko. Pamilyar ang boses niya.

"Samantha! Ikaw nga. Anong nangyari sayo?" Nag aalalang tanong nung lalaki habang inaalalayan akong tumayo. Kinuha niya rin ang mga nahulog kong gamit.

Pinahid ko ang mga hula ko para sya'y makita ko. Nang maaninag ko ang mukha ni Sebastian ay hindi ko napigilan ang sarili ko at nayakap ko siya.

Halatang nagulat siya sa ginawa ko dahil natigilan siya. Ngunit maya maya pa'y sinuklian niya rin ang yakap ko.

"S-sebastian." Nanginginig na sabi ko. I can't even focus my eyes on anything. I was nearly hysterical.

"Sam? Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?" Tanong nya.

Instead of answering, all I can do was to sob. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Tuloy tuloy lang ito na parang sirang gripo.

Nang humupa ang iyak ko ay dinala niya ako sa bench sa may puno dito sa gilid ng court. May mangilan ngilang tao dito ngunit wala masyado sa lugar na kinauupuan namin kaya nasabi ko sa kaniya ang rason kung bakit ako umiiyak. Hindi ko na naman napigilan ang luha ko habang nagkukwento.

"Matt, hindi ko alam kung bakit ganito. Ang sakit sakit! Bakit ba nangyayari sa akin ito? Crush lang naman yun!" Sabi ko habang patuloy ang pagpatak ng mga luha ko. Hindi siya nagsalita, bagkus ay nakinig lang siya sa mga sinasabi ko.

"Ang tanga tanga kasi nitong puso na 'to! Hahanap na lang ng magiging crush, dun pa talaga sa malayong malayo sa akin!" Hindi ko na mapigilan ang mainis. Halo halo na ang damdamin sa puso ko. Pain, anger, frustation at iba pa. Pakiramdam ko sasabog ako sa oras na hindi ko makontrol ang paglabas ng mga emosyon ko.

"Alam ko naman e'. Malayong malayo siya. At kahit kailan hindi niya ako magugustuhan. Pangit at nerd ako. Sino nga bang magkakagusto sa akin, hindi ba?" Natawa ako. Mukhang nababaliw na talaga ako. Para kang tanga, Samantha!

Niyakap niya ako. Siguro para pahupain ulit ako.

"Don't worry. Kakausapin ko si Leo, okay? Don't cry." He said. "And, no. Hindi ka pangit. Hindi ka rin nerd. Maganda ka, Samantha. At nag-aaral ka lang ng mabuti pero hindi ka nerd!" Kumbinsi niya sa akin.

"Kakausapin ko talaga ang Leo'ng iyon." He cursed to himself.

Agad kong pinahid ang luha ko gamit ang aking kamay.

"No. Hindi na kailangan. Hindi niya naman kasalanan kung bakit umiyak ako. Ako ang may problema." Sabi ko.

"Okay. If that's what you want. But kakausapin ko parin siya dahil 'di tama na sa school niya gawin yun. Kaya ngayon, papasok ka na dahil malalate ka na. Hahatid na kita. Okay?"

Tumango ako. Nang makarating ako sa room ay agad na siyang nagpaalam. Malalate na rin kasi siya sa klase nya.

Hanggang sa mag uwian ay tanong ng tanong si Adam sa akin kung anong nangyari. Pero 'di ko siya masagot. Actually para akong natrauma. Di ako makapagsalita. Si Sebastian lang ang nakausap ko pagkatapos ng insidenteng yun. Kinamusta niya kung okay ba ako nung mag uuwian na.

Siguro nagtampo at nagalit sa akin si Adam kasi 'di ko sya pinansin. Ayun. Umuwi nang 'di ako kasama.

Sinabi naman sa akin ni Sebastian na may kailangan daw siyang puntahan kaya di niya ako masasamahan. Kaya ang ending umuwi ako mag isa.

My Bestfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now