Kabanata 38

410 13 1
                                    

Misty



Kinakabukasan ay maaga akong nagising. Binasa ko ulit ang email na pinadala sa akin ni Ms. Leila. I could start sa Monday pero I can go there to review all the papers na today. Sa Monday kasi ang schedule ng mga interns for staff accountant.

Buti na lang ay nasuggest ni Ms. Leila ang pagcheck ng papers doon. I don't know much about those because all I do when I was there is to agree or disagree with some opinions. Besides, I'm happy since I'm finally going to work in my field.

Huling pasada sa salamin ay naghanda na ako paalis.

I am wearing black pencil cut skirt at white shawl collar neckline blouse. I put on some light make up too at nagsuot ng black stilletos.

Dala ang cream satchel ay bumaba na ako sa sala. Agad kong nakita doon si Jillian na naglilinis nga lamesa. Tinawag ko siya, "Umalis na ba si papa?" Tanong ko nang makalapit sa kaniya.

"Ay opo ma'am. Maaga nga po 'yon kanina dahil may business meeting daw 9po. Pinapasabi niya po pala sa inyo." Nakangiti niyang tugon sa akin. Tumango ako.

"Sige, Jillian. Salamat! Pakisabi kay kuya Archie pahanda na 'yung kotse ha?" Bilin ko bago lumapit papasok sa kitchen.

"Sige po ma'am aalis na po ba kayo?"

"Oo, may kukunin lang ako saglit." Sagot ko at siya namang hudyat niya para lumabas na doon at puntahan si kuya Archie kung na saan man ito.

Binuksan ko ang malaking refrigerator. It was full of food, really. Pero isa lang ang pakay ko doon.

Kumunot ang noo ko nang wala ang hinahanap ko doon. Nilingon ko ang pantry at pumasok doon para kunin ang granola bar ko. I grabbed a few. Matapos makuha ang kailangan ay lumabas na ako ng kitchen.

Nakasalubong ko pa si Jillian habang binubuksan ang granola bar sa kamay ko. "Hindi na po kayo, magbre-breakfast ma'am?"

"Hindi na! Ready na ba si kuya Archie?" Tanong ko at tumango naman siya. Nagmadali ako palabas sa sobrang excited. Tsaka ko lamang naisip na hindi pa pala ako nagkakape! I will not function properly later!

Hindi bale, I'll ask kuya Archie na dumaan na lang sa coffee shop para bumili.

Pagkapasok sa kotse ay umangat ang tingin sa akin ni kuya Archie galing sa rear view mirror. "Saan po tayo ma'am?" Tanong niya sa akin.

Kumunot ang noo ko doon, akala ko nasabihan ko na siya. "Sa SA building po?" Tukoy ko sa building ng company ni papa. Agad namang tumango si kuya Archie. Napaayos ako ng upo, muntik ko nang makalimutan. "Kuya, daan pala muna tayo sa coffee shop. Nakalimutan ko po magkape e." Bahagyang natawa si kuya doon.

"Ikaw talaga ma'am! Dami daming kape doon sa bahay niyo, pupunta pa talaga sa coffee shop?" Biniro niya ako.

"Pasensiya na kuya, sobrang excited ko I forgot." Tumawa ako at kinagatan ang dalang granola bar. Kalaunan ay lumiko din siya sa may coffee shop. Binuksan ko ang bintana at nakita ko ang haba ng pila sa drive thru. Pinatigil ko ang sasakyan.

"Teka kuya, park ka muna. Sa loob na lang ako bibili. Ang dami pong tao sa drive thru e." Bilin ko sa kaniya na siya namang sinunod niya. Nang tumigil ang kotse ay hinablot ko ang satchel bag at lumabas na.

"Dalian niyo ma'am, baka malate kayo sa trabaho niyo!" Rinig ko ang tawa niya bago ko isara ng pintuan. I chuckled, ito talagang si kuya Archie palabiro!

Naglakad na ako palapit sa coffee shop. Pagkatulak ng pintuan ay nagpapasalamat ako na kaunti lang ang nakapilang tao doon. Pinasadaan ko ng tingin ang mga tao, nasa sampu lamang ang nandoon. Siguro ay dahil medyo late na para sa magkape. Sabagay, alas otso na rin kasi at madalas alas sais ay puno ang mga coffee shop.

My Bestfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now