Kabanata 27

373 14 3
                                    

Disappointed 


"Hello?" Napatingin ako sa katabi ko ng marinig kong nagsalita siya. Oo nga pala, kasama ko pala si Adam. Nawala sa isipan ko, nakatulala lang kasi ako dito. I don't know what to do or what to react anymore. Matapos kong umiyak kanina ay napatinin na lang ako sa kawalan at natulala.

"What?" Medyo tumaas ang boses niya kaya kunot-noo ko siyang tinignan. May kausap siya sa cellphone at kung ano man ang sinabi sa kaniya ng kausap ay naisisigurado kong hindi niya gusto iyon. Bahagya kasing kumunot ang noo niya at nagkasalubong ang makakapal na kilay niya.

"Okay, okay. I'll be right there then." Pagkatapos ng mahabang katahimikan ay nagpaalam na siya sa kausap niya. Hindi ko tuloy maiwasang magtanong. "Sinong kinausap mo?" Marahang tanong ko sa kaniya.

Bumuntong hininga siya bago sumagot. "It's dad. Pinapauwi ako." He sighed again. Napakunot naman ang noo ko doon. Bakit siya bumuntong hininga? Ayaw niya bang umuwi? I stayed silent. Wala naman kasi akong dapat sabihin so I shut my mouth.

"This is emergency, I'm sorry. Kailangan kong umuwi." Mahinang sabi niya. Teka, bakit niya ba sinasabi sa akin ito? "Okay, go on." Sabi ko naman at tumango tango pa ako. Medyo gulat siyang napatingin sa akin. Nag-aalinlangan siyang tumayo. Pagkatapos ay mabilis na naglakad palabas ng hospital.

Tulala lang ako sa hangin nang biglang lumabas ang doktor ng papa ko. Agad akong tumayo. "Doc, ano na pong lagay ni papa?" Tanong ko habang nanginginig ang mga labi. Kinakabahan ako.

Ngumiti siya ngunit halata mong hindi sobra ang kasiyahan. "Your papa survived the operation, Ms. Alcantara..." Bumuntong hininga siya. "But as I said earlier, it will be very hard for him to recover lalo na't talagang muntikan nang tumama ang bala sa laman loob niya."

"I suggest you to let him stay here in the hospital for a week and you can continue his recovery in your home. May mga gagawin pa ding test sa kaniya mamaya and magkakaroon din siya ng therapy for at least 4 to 6 months or hanggang sa makarecover na siya."

"Thank you, doc. Maraming salamat po." Sabi ko sa kaniya. I'm very thankful. Thank God my papa survived. "No problem. I'm just doing my job, hija." Ngumiti siya.

Nang malipat na si papa sa private room ay pinayagan na ako ng mga nurse na pumasok at makita siya. Umupo ako sa tabi ng kama niya. "Pa, why did you got shot? Is this about your business? Sabi ko naman kasi sayo don't look for enemies in your work. Iyan tuloy napahamak ka pa." Tinitigan ko ang nakasarado niyang mga mata. Bakas sa mukha niya ang stress na nararamdaman niya sa trabaho kahit na nakapikit na siya ngayon. "Don't worry I'll help to find who's behind this. Pagaling ka na po. I miss you." Ngumiti ako. I really missed my papa. These days kasi sobrang busy na niya sa business niya and I don't want to be a burden naman sa kaniya kaya hindi ko na lang siya ginugulo and then ngayon naman nabaril siya. Bumuntong hininga ako. At di ko namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising ako at nang tumingin ako sa labas ay gabi na. I feel so sticky dahil hindi pa ako nakalilinis ng katawan simula kanina. And I'm really hungry. Tumingin ako sa wrist watch ko at nakitang mag-aalas dose na pala. Umiling ako, sa convenient store na lang ako kakain. Tumingin ako kay papa. "I have to leave muna papa. Babalikan naman kita mamaya." Pagkasabi non ay lumabas na ako ng room niya at don ko nakita ang mga tauhan niya na nagbabantay pala sa amin simula kanina.

"Kumain na po kayo?" Tanong ko sa kanila. Nasa tatlong malalaking lalaki din ang nandito. I remembered them. Sila yung mga bodyguards na pinagkakatiwalaan talaga ni papa. Tumango naman sila sa tanong ko. "Nga pala ma'am. May mag-iinterview daw po sa inyo bukas ng alas otso ng umaga tungkol sa nangyari sa papa niyo at pupunta din po ang mga pulis. Kasama din daw po kaming bodyguards na nagbabantay sa papa niyo kanina." Sabi ni kuya Edward. Nasabi na nila sa akin ang mga nangyari kanina at humingi na rin sila ng patawad dahil nga hindi nila naprotektahan si papa. Napatawad ko naman na sila, wala naman gustong mabaril si papa. It happened unexpectedly. 

"Pumunta nga po pala dito ang mga pulis pero tumanggi po muna kaming magpakuha ng statement. Ayaw din po naming gisingin kayo para sa interview." Dagdag ni kuya Berto. Ngumiti ako sa kanila.

"Salamat po. Di bale, paghahandaan ko po yung interview bukas. Uwi po muna ako." Sabi ko sa kanila.

"Ma'am hatid ko na po kayo sa bahay niyo. Baka mapahamak po kayo." Sabi naman ni kuya Archie. "Sige po," Pumayag na ako dahil baka nga mapahamak ako lalo na't madaling araw na.

"But I'll buy some food first. Diyan lang sa malapit na 7 eleven. Huwag niyo na po ako samahan. Babalik din po agad ako." Pagpapaalam ko sa kanila.

"Sigurado po kayo ma'am?" Tanong ni kuya Edward. "Opo. I'll be fine." Ngumiti ako sa kanila at tumalikod na para makaalis ng ospital.

Nang nasa labas na ako ng hospital ay napaisip ako ng mga bibilhin ko, siguro tinapay na lang at chips. That would do. Bibili na rin ako ng gamot sa sakit sa ulo. Medyo sumasakit kasi ang ulo ko. 

Nag patawid na ako papuntang 7 eleven ay biglang nanlabo ang paningin ko at sumakit ang ulo ko. Napahawak ako dito at tsaka tuluyang pumikit ang mga mata ko at bumagsak ako.

Nagising ako sa isang kwartong hindi pamilyar sa akin. Nasaan ako? Nararamdaman ko naman na may basang bimpo sa noo ko. Napahawak ako sa aking leeg at doon ko naramdamang may lagnat ako. What? Kailangan kong bantayan si papa! At nasaan ba ako? Nakidnap ba ako? Oh my god!

Natigil ang lahat ng katanungan ko ng pumasok ng kwarto si Adam na may dalang tray na may bowl ng sabaw. Nasa condo niya ba ako?

"You collapsed in the road. Buti na lang at nakita kita kung hindi ay baka napahamak ka na." He said while putting the tray beside me. Bahagya akong bumangon sa higaan at napatingin sa kaniya. "Nasaan ako?" I asked him. "You're in my condo. And don't worry, I didn't do anything to you." tumingin siya sa akin. "Go on, kumain ka muna." sabi niya sa akin.  Tumango ako at napatingin sa wrist watch ko. It's 7 am now.

OMG! may interview pala ako ng 8 am! Agad akong napabangon at akmang tatayo na sa kama ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "Anong gagawin mo?" Nakakunot noo niyang tanong sa akin.

"I'll go to the hospital. May mag-iinterview daw sa akin about sa case ni papa." I said calmly to him. 

"May sakit ka tapos magpapainterview ka pa? No." Mariin niyang sabi sa akin.

"What?-" Aangal pa sana ako ng biglang nagring ang phone niya. "We'll talk later." Sabi niya bago sinagot ang tawag at lumabas ng kwarto.

Nang mainip ay pupuntahan ko na sana siya nang marinig ko ang usapan nila ng nasa telepono.

"You know man, I'm just taking of her because that's dad's order. I didn't care for her." Rinig kong sabi niya.

What? Ako ba ang tinutukoy niya? He's just taking care of me because his dad wants to? Napangiti ako ng mapakla. I should've known. He didn't care for me. Nagbago na siya.

Baka nga totoo yung sinasabi nila Christine na may girlfriend siya. Sayang, I thought he at least cared for me but no, he didn't. I'm so disappointed with him. Napailing ako.

Nang marinig na binaba na niya ang telepono ay bumalik agad ako sa kama at nagkunwaring walang narinig sa kanilang usapan. 

My Bestfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now