Kabanata 35

388 11 2
                                    

Reason




I sighed as I bid goodbye to the hotel crew that helped me. Nasa trunk na ngayon ng aking kotse ang maleta ko pati na rin ang mga pasalubong sa takot kong matapon ito kung ilalagay ko sa may passenger seat. I glanced for the last time sa building ng hotel at tsaka umikot na para pumasok sa kotse. It's strange... he didn't bid goodbye to me. Is he gonna stay longer or he's already gone?

Pagkapasok sa kotse ay agad kong nakita ang dalawang bote ng kape na ibinilin ko sa hotel crew. I told him to buy me two bottles of coffee bago ako nagpatulong ibaba ang mga gamit sa lobby. I will need this drink. It's not that long drive and I actually feel like it will be a very fast trip dahil gabi na at wala ng mga tao. Pinili ko talagang umalis ng gabi dahil sa kadahilanang ito.

I reached for my phone sa dashboard. I immediately saw a text from Christine.

Christine:

Are you leaving na? Please update us!

I quickly typed a reply. Ito talagang mga 'to, over protective.

Ako:

Yes, I'm gonna be driving na so don't call me na. I'll be safe don't worry!

Pagkatapos no'n ay ibinalik ko na ito sa dashboard. Mabilis kong pinaandar ang kotse at nagdrive na papalayo doon.

Sakto lang ang bilis ko dahil ayoko namang magmadali. Mahirap nang maaksidente.

I glanced at the rear view mirror. And to my horror, there is a car behind me! Okay, Samantha calm down. You're too drawn in movies that you panic in a simple situation. Nagkataon lang na parehas kayo ng daan na dinadaanan. Don't panic!

Nang mailiko ko sa highway ang kotse ay nakasunod pa rin ito. Pinagpapawisan na ako at kinakabahan. I know I shouldn't and I may be mistaken but the road is so clear. There's no one there to help me, dapat talaga ay sinunod ko na lang pala sila Christine! I should've departed a little early!

Binilisan ko ang pagpapatakbo at doon ko nakumpira na sinusundan nga ako nito! Bumilis din ang kotse na nasa likod ko. Pinunasan ko ang pawis ko at mas lalo pang binilisan ang kotse. Ngunit pagkatingin ko sa kotseng iyon ay mas lalo lang din itong bumilis. Kung iisipin mo, para lamang kaming nagkakarera pero hindi iyon ang nangyayari! Sinusundan ako nito at halos mahimatay na ako sa kaba!

Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang unti-unting bumabagal ang kotse ko. What happened? OMYGOD?!

At tuluyan na ngang huminto ito. Hinampas ko ang steering wheel. What the hell is going on? Sinubukan ko ulit paandarin ito ngunit ayaw ng gumana ng makina. Lumingon ako sa labas, huminto ang kotse na kanina pa ako hinahabol. Omygod, Lord please save me!

Nakita ko ang pagbukas ng pintuan at saka pumikit at inilagay ang mga kamay sa tenga. Is this really it? Am I going to be kidnapped? Am I going to die perhaps?

Kumatok ang lalaki sa bintana ko. I tried to calm myself. Baka saktan niya ako kung manlalaban ako. Pero baka mamatay naman ako kung hindi ako makakaalis dito? I reached for my keys and tried to start the car again. Ngunit tunog lang ng makina ang narinig ko sabay ng pagkatok ulit ng lalaki. Naiiyak na ako. Ayaw talaga magstart ng kotse kahit anong gawin ko!

I suddenly remember the few self defense lessons I attended last year. Hindi ko iyon ipinagpatuloy dahil kinatamaran ko na rin bumalik sa training. Ang tanga tanga mo talaga, Samantha! You're too lazy and now you're life is in danger because of your stupidity!

I sighed and decided to surrender. Rinig ko pa rin ang katok ng lalaki sa bintana kaya't binuksan ko ang pinto ng dahan dahan. At tsaka lumabas ng nakataas ang kamay. Ngunit ang sunod kong narinig sa lalaki ay sadyang ikinagulat ko. "Ano bang ginagawa mo, Samantha? Why are you speeding up? Magpapakamatay ka ba?" His voice thundered. Sa sobrang tahimik ng paligid ay halos mabingi ako sa kaniya.

My Bestfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now