Kabanata 11

465 19 9
                                    

Contestants


Kabado ako kung sino ang magiging representative ng class namin.



Alam kong 'di ako mananalo kaya't hindi na ako umasa. It's either Christine or Krishna.





Kinakabahan ako para sa mga lalaki. Kasi kailangan lahat ng girls ay boboto ng isa. Di ko alam kung si Adam ba o si Leo. Anyways, nagbobotohan na sila sa babae sa loob ng classroom. Kaming mga babae'ng nominees ay hindi pwedeng pumasok hanggang sa matapos yung botohan.







"It's nothing. Bakit pa kasi ako nasama dito. You know? Alam kong maganda ako pero wala naman akong balak sumali diyan." Rinig kong sabi ni Christine.




"Huwag kang mag-alala. Ako naman ang mananalo kaya hindi ka makakasali." Sabi naman ni Beatrice at umirap siya. Aba't nagflip hair pa ang gaga.



"Ayus-ayusin mo 'yang pananalita mo, Beatrice. We are the Queens here. Better shut up your mouth before I kick your ass out of here." Sabi naman ni Krishna.




Hindi na siya nakapalag at napailing na lang siya. Alam niya na wala siyang laban lalo na't puro Ximmies ang kasama niya.




Nang pasadaan ko sila ng tingin ay mukhang bored ang Ximmies, walang pakielam kung manalo o matalo sila. Si Beatrice naman ay nakahalukipkip.





Nang papasukin kami sa loob ay sinabi ng professor na sabay na niya daw iaannounce ang mga nanalo. So, lumabas naman ang mga lalaking nominees. Bago makalabas ay nakita kong tumingin sa akin si Leo at nagkagat ng labi. He's getting really weird right now.




Inismile-han ko naman si Adam. At nagthumbs up. Inilabi ko pa ang mga katagang "Aja! Fighting!"




Napagpasiyahan kong si Adam ang iboboto ko. Nilagay namin sa isang maliit na piraso ng papel at ibinigay ito kay ma'am. Nang matapos siyang magbilang ng boto ay agad na siyang tumayo at pinapasok na ang mga lalaking nominees.




Nang makaupo si Adam sa gilid ko ay nakita ko sa mukha niyang kinakabahan siya.



"Dame, bakit ka kinakabahan? Gusto mo bang maging representative natin?" Tanong ko.





"No. Okay lang sakin na matalo ako, kinakabahan ako para sayo. Baka manalo ka at partner kayo ni Leo." Sagot niya sa akin, tuliro. Ni hindi siya makatingin sa akin. Anong nangyayari dito? Bakit naman siya mag-aalala sa akin?



"Huh?" Wika ko dahil hindi ko narinig ang buong sinabi niya.



"Wala. Sabi ko sana manalo ka. Deserve mong maging Ms. University." Sabi niya at ngumiti. Nginitian ko rin siya at hinawakan ko ang kamay niya.





"Manalo, matalo okay lang." Sabi ko ng nakangiti. Sinuklian ulit niya ako ng ngiti at tumingin na sa harap kung nasaan ang professor naming magdedeklara ng kung sino ang magiging representative.





"So for the boys, John got the second lowest vote with 3/30 ng boto ng girls..."




Narinig ko namang nagtawanan ang mga kaibigan ni John kasama si Leo.





"Sunod si Travis and Slay with 4/30 votes, next is Blake with 5/30 votes...."




Kinabahan ako dahil 'di pa natatawag si Adam. Maaaring siya ang panalo ngunit maaari ring siya ang talo.




My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon