Kabanata 40

435 18 2
                                    

Letters


Nagising ako nang hapon. Inikot ang paningin sa kuwarto at nandoon na si Jillian. Her lips formed a small smile bago sumimangot.

"Oh? Bakit?" Tanong ko sa kaniya nang magbago ang ekspresyon ng mukha niya. Umiling siya sa akin.

"Tsk tsk tsk, ayan kasi ma'am sabi ko huwag ka na mag-iinom e!" Sermon niya na kinatawa ko naman. They really think this is because I'm drunk ah? Parang hindi naman. Kahit siguro hindi ako nakainom, maaaksidente pa rin ako sa katangahan ko.

"Paano na lang kung wala ako dito? E' 'di walang magpapaalala na huwag kang uminom, ma'am!" Halos ipagsigawan niya sa mukha ko iyon. I scoffed. Oh God, ilang tao kaya ang papagalitan ako ngayong araw? Baka humabol pa sila Christine mamaya!

"Actually, pang-apat ka na ngayong araw." Natawa ako doon. Tinakpan niya ang bibig at sandaling natahimik. "Pero seryoso ma'am, alagaan niyo naman yung katawan niyo. Nakakaloka kayang biglang malaman na naaksidente kayo!"

"Halos maiyak na nga si kuya Archie doon ma'am, kung hindi lang daw siya nakinig sa inyo at sinundo kayo baka hindi kayo napahamak. Alalang alala po ang mga tao sa bahay sa inyo." Malungkot niyang sabi. Bumuntong hininga ako doon, I feel so sorry for them. Ang daming tao ang nag-aalala sa kalagayan ko.

"Pero maiba tayo ma'am, asan pala yung boyfriend mo? Alam niya bang na-admit ka dito?" Bulong niya sa akin. Ang isang ito talaga, minsan may pagkachismosa. Noong nakaraang araw lang, tinatanong niya pa ako kung paano daw ba kami nagkakilala ng boyfriend ko. Ang pogi daw kasi ni Leo para sa akin, biro niya pa.

Umirap ako sa tanong niya. Lumayo siyang kaunti sa akin, "Ito naman si ma'am, hindi ko naman aagawin yung boyfriend niyo! Naku, mahirap kumabit at baka magaya ako kay Georgia!" Umiling iling siya sa akin. Kumunot ang noo ko doon.

"Sino naman si Georgia?" I asked her. Her eyes widened. Parang gulat na gulat siya sa tanong ko. What? Is she some hollywood actress or something?

"Ha? Ma'am 'di mo talaga kilala si Georgia?" She made a disgusted face at me bago tumawa. "Joke lang ma'am! Yun yung kabit sa pinapanood ko, baka mag-ala Emma ka kung agawin ko si sir pogi." Tumawa siya.

Umismid ako. Kung ano ano na lang talaga ang itinuturo nito sa akin. "Oo, nandito nga iyon kanina. Hindi mo ba nakita? Umalis kasi siya saglit..." Kasi nandito si Adam, hindi ko na naituloy ang sasabihin.

"Wala ma'am, kanina pa ako nandito wala naman. Tsaka magtatanong ba ako kung nakita ko na?" Tinarayan niya ako. Aba! Ang babaeng ito talaga, akala mo siya pa ang amo sa aming dalawa. Yes naman, ma'am!

Lumipas ang isang oras at may kumatok sa pintuan. Nilingon ko si Jillian na nagbabasa pala ng magazine sa gilid. Kinalabit ko siya, "Pakibuksan, Jillian." I asked her.

Agad naman siyang tumayo at binuksan iyon. Iniluwa ng pintuan ang apat kong kaibigan. Tatlo sa kanila ang nakaputi samantalang si Christine ay nakablack na croptop. They looked so devastated actually.

Sinenyasan ko si Jillian na lumabas muna ngunit hindi niya ako napansin. Busy kasi siya sa binabasa. "Hala ka ma'am, tignan mo 'tong binabasa ko—" naputol ang sinasabi niya ng tinawag ko siya.

"Jillian," Tumikhim ako. "Yes ma'am?" Inangat niya ang tingin sa akin, finally. "Labas ka muna?" I smiled at her. Tumango naman siya at binalik ang mata sa magazine. Binuksan niya ang pintuan at doon lumabas na nga siya.

"I know you guys are blaming yourselves, but don't be." Ngumiti ako sa kanila. Mangiyak-ngiyak na kasi ang apat na ito. Si Angel ay nagpupunas pa ng luha sa kaniyang panyo. Sabay sabay silang lumapit sa akin. Yumuko sila at tinignan ako na nakahiga sa kama.

My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon