Kabanata 26

426 22 2
                                    

Hug


Patuloy ang pag-irap ko sa hangin kahit na nakakailang minuto na kaming bumabyahe. Nakakainis talaga! Bwisit ang lalaking 'to! Gusto ko siyang sakalin! Sobrang nakakainis!

Naalala ko na naman yung mga nangyari habang wala siya dito. Yung mga gabing umiiyak ako kasi miss na miss ko na siya. Yung mga gabing litong lito na ako kung babalik pa ba siya.

At yung mga gabi na tinangka ko nang patayin ang sarili ko kasi pakiramdam ko wala na akong kwenta sa mundong 'to. Nang maalala ang lahat ng iyon ay nangilid na naman ang mga luha sa mga mata ko. Huwag kang iiyak, Samantha! Huwag! Lalo na't nasa tabi mo ang dahilan ng dalawang taong pag-iyak mo!

Tumingala ako para pigilan ang mga luha na nagbabadyang bumagsak at mariing pinikit ang mga mata. Pagkatapos ay tumingin na lang ako sa labas ng bintana nitong sasakyan niya. Saan ba ako dadalhin ng lalaking 'to?

Nang tumigil ang kotse niya ay napatingin ako sa kaniya. Nakatingin na naman siya sa akin gamit ang walang emosyong mga mata niya. Iniwas ko ang tingin ko. Ayaw kong makita ang mga mata niyang walang emosyon na dati ay basang-basa ko.

Matapos niyang tanggalin ang seatbelt niya ay agad na siyang lumabas ng kotse niya at pinagbuksan ako ng pinto. Nang makita ko ang nakalahad niyang kamay ay tinitigan ko lang 'yon at tuluyang lumabas ng walang tumutulong sa akin. Tumingin ako sa kaniya at nakita kong nag-igting ang panga niya bago sinara ang pintuan ng sasakyan niya.

Tumingala ako dito sa gusaling nasa harapan ko at isang malaking 'Montengero Hotel Estates Main Branch' ang tumambad sa pagmumukha ko.

Seriously? Bakit niya ba ako dinala dito? Para ipamukha sa akin na mayaman siya at sinayang ko lang ang relasyon namin at ngayon kailangan maglaway ako sa kaniya? Oh! My bad, hindi ko pala sinayang. Siya naman kasi ang nang-iwan. Napangiti ako ng mapakla.

Iginaya niya ako papasok sa loob, hawak ang siko ko. Ngunit bahagya ko iyong tinabig kasi ayaw kong hawakan niya ako. Pero sa huli, siya pa rin ang nagtagumpay, hinawakan niya ng mas mariin ang siko ko, hindi gaano para masaktan ako.

Napabuntong hininga na lang ako. Ano bang iniisip ng lalaking 'to at bakit niya ako dinala dito?

Nilampasan namin ang lobby at dumiretso sa katabi nitong daanan, marami din ang galing doon. Napalibot ako ng tingin, ang ganda naman dito. Halatang mamahalin ang bawat materyales na ginamit sa pagpapatayo ng gusaling 'to.

Mula sa tiles na halos makita ko nga ang repleksyon ko, hanggang sa kisame na nagniningning. Grabe! Paano ba siya naging ganito kayaman? In just 4 years? Really? Iniwan niya ako para dito?

Nagbaba ako ng tingin sa huling naisip. Siguro nga, tama lang na nagkahiwalay kami. Siguro nga... tama lang na iwanan niya ako. After all, ito naman pala ang natamo niya kapalit ng pag-iwan niya sa akin.

Pero... hindi siya ito e'. Hindi ito ang kilala kong Adam. Hinding hindi ako pagpapalit non sa kahit anong bagay. Ang kilala kong Adam... yung masaya na sa libre kong fishball sa kanto basta ba't kasama niya ako. Yung kilala kong Adam, hinding-hindi ako ipagpapalit sa kahit na sino, sa kahit na ano.

Pero siguro nga, hindi na talaga siya ang kilala kong Adam. Nagbago na siya. Kasi sa paglipas ng panahon, lahat nagbabago. Mapa-bagay man 'yan o tao, lahat 'yan nagbabago. Walang nagtatagal. Walang magsasakripisyo na hindi magbago dahil lang gusto mo. Walang mananatili sa tabi mo, dahil lang gusto mo hindi sila magbago. Walang anyong nagtatagal. People change... and feelings fade.

"Head's up here, Samantha." Nang marinig 'yon ay agad akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Binanggit niya ang pangalan ko! Pero... hindi tulad na dati na kapag tinatawag niya ako ay batid kong may kasiyahan, ngayon ay walang emosyon niyang binanggit ang pangalan ko.

My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon