Kabanata 13

452 20 17
                                    

University


After kong mag ayos ay rumampa na ako sa stage. Nakasuot ako ng white elegant gown. Hindi siya masyadong bongga pero simple at maganda. Nakakulot din ang buhok ko. I have a black purse and medyo nude ang make up ko.

Pagkatapos ko rumampa ay nagbalik na ako sa backstage at hinintay muli si Dame na rumampa.

He's wearing a black tuxedo with a black ribbon on it. He's with his messy hair and wala syang contacts ngayon. Suot nya rin ulit ang kanyang piercing na mas nagpapagwapo sakanya. Ang elegante nya kung titignan. Simula sa damit, mukha at tindig. Parang anak mayaman. Ang kanyang maputing kutis ay nagniningning sa kanyang black tuxedo. Gwapo.

After naming rumampa ng sabay ay ang question and answer na. Actually parang beauty contest siya. 'Diba?

So mauuna ako.

"Okay, we'll take it tagalog this time for your question. This is very romantic for your age, huh? Ikaw, kapag nagmahal ka or kapag may mahal ka. Paano mo maipapakita or maipaparamdam yun sa taong mahal mo?" Tanong ng emcee.

Napasinghap ako, "I'm not ready for that question but I'll try my best to answer that." Napaisip ako, "Kapag ako nagmahal, ipapakita ko yun sa pamamagitan ng pag-aalaga ko. Ipaparamdam ko sa kaniya na siya ang buhay ko at mahal na mahal ko siya. Paano? Aalagaan ko siya. Laging sasabihan ng mahal ko siya. Susuportahan ko siya lahat ng bagay, ipaparamdam ko na palagi lang akong narito." I was nearly teary-eyed but I continued.

"Talikuran man siya ng lahat ay hinding hindi ko siya tatalikuran. Patuloy ko siyang susuportahan. I'm gonna love him with all of my life. Ibibigay ko lahat ng makakaya ko. Para sa kaniya. Gagawin ko lahat para mapasaya siya araw-araw. Hinding hindi ko siya papaiyakin sa abot ng makakaya ko. I cannot promise na hindi ko siya masasaktan kasi sa pagmamahal lahat nasasaktan. Magkakambal yang pagmamahal at sakit. I know I can't give him the whole world but I'll try to give him mine. I can give him all of my life pero alam kong hindi pwede yun. All I can promise is my best. I cannot promise na magiging perfect girlfriend or wife but I'll try to be one. Gagawin ko lahat para sakanya kasi mahal ko siya." Mahabang sagot ko.

"Wow! That's a wonderful answer. So Ms. Alcantara is kinda girlfriend goals huh?" Sabi ng emcee at nagpalakpakan ang mga tao.

Sumunod si Adam.

"I don't know pero mukhang puro tungkol sa lovelife ang tanong nyo. Siguro because you're making a good couple together." Sabi ng emcee na kinapula ng pisngi ko. Hinapit ako ni Adam at nginitian niya ang emcee, nginisian niya ako, "Maybe." He chuckled.

Nagtawanan ang nga tao pero hindi ang mga babaeng alam kong may gusto ay Adam

"Let's proceed to the question. So your question is May mahal ka na ba? Or may minahal ka na ba? Kung meron ay sabihin mo sakanya ang mga gusto mong sabihin."

He was shocked for a moment. Then he proceeded to answer it. "Oo, nagmahal na ako. Gusto ko lang sabihin na mahal na mahal kita. You are my world, my life, my everything. I know it's cheesy but you always complete my day. Your smile makes me smile, too. I know na may gusto kang iba. I know na hanggang kaibigan na lang tayo. Pero masaya ka diyan e. Hindi kita kayang pigilan. Sino ba naman ako diba? I'm just your friend." I can feel his emotions. Parang gusto kong umiyak habang binabanggit niya ang mga katagang 'yon.

"Alam kong torpe ako. I know it's a gay thing but talagang umuurong ang sikmura ko kapag naiisip ko pa lang na magtapat sayo. Pero paano nga naman ako magtatapat diba? You're happy with someone else. At alam kong ipupursue mo na mahalin ka nung taong mahal mo. Hindi kita susukuan pero maghihintay ako ng tamang panahon para sa atin. Sana sa tamang panahon na yun masuklian mo na ang pagmamahal ko." The people were as shocked as me. The whole school was quite. Para bang handa silang makinig sa sasabihin ni Adam kahit pa umabot ito hanggang bukas.

My Bestfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now