Kabanata 1

1K 28 2
                                    

Sana nga


Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Anong oras na ba?

Adam:

Good morning, kain ka na. Have a nice day! Sabay na tayo pumasok.


Agad naman akong nagtipa ng sagot.


Ako:

Good morning din, Dame. Sige kain muna ako ng breakfast. Kain ka na din. Hintayin mo ko sa gate ah.

Di naman sya agad nagreply. Siguro kumakain na. O kaya naliligo. Pagkatapos kong kumain ay naligo na ko at nag ayos. Actually hindi naman talaga nag ayos. Nagbihis lang ako tas nagpulbos tapos onting suklay.

Habang naglalakad ako papasok ng school, di ko maiwasang isipin siya. Oo si Leo. Palagi ko siyang iniisip. Kung ano kaya'ng ginagawa nya. Kung kumakain ba siya at kung ano-ano pa. Basta palagi siyang nasa isip ko.

Napatingin ako sa wristwatch ko. Mahuhuli na ako sa klase! Kaya tumakbo na ko papasok ng school. Pagkapasok ko, hinanap ko agad si Adam.

"Samantha!" Nilingon lingon ko kung saan nanggaling ang boses niya at nakita ko siyang nakaupo sa may bench sa ilalim ng puno.

"Tara na. Baka malate pa tayo." Sabi ko nang makalapit ako sa kanya.

Tumango siya at agad naman siyang tumayo. At naglakad na kami papasok ng classroom.

Pagkapasok namin ng classroom agad ko namang nakita ko na naman yung taong kanina ko pa iniiisip.

"Samantha, baka matunaw yan." Panunukso ni Adam.

Di ko naman napansin na napahinto ako sa paglalakad at ngayon ay nakatapat sa upuan niya. Uminit ang pisngi ko nung magtama ang mga mata namin. At ngumisi naman siya. Agad akong naglakad papunta sa upuan ko.

Habang naglelecture ang professor namin, nakatingin lang ako kay Leo. Grabe kahit likod nya ay guwapo! Napakaperpekto talaga.

"Ms. Alcantara, are you listening?" Agad naman akong kinabahan ng biglang sinabi yun ng professor namin. Napansin niya siguro ang 'di ko pakikinig at pagtitig lang kay Leo! Ano ba yan, Samantha! Get a hold on yourself!

"Or you're just going to stare Mr. Aquino?" Pagpapatuloy niya, agad namang napatingin sakin si Leo pati narin ang buong klase. Para bang hinuhusgahan ako at sinasabing ang pangalawang sinabi ng professor ang tama.

"Sir, I am listening." Iyan lang ang tanging salitang lumabas sa bibig ko para pagtakpan ang kahihiyang ginawa ko kanina-kanina lamang. Kailan pa 'ko'ng natutong magsinungaling?

"So if you are listening, what is our lesson all about?" Tanong niya na nagpakaba sakin. Malamang, hindi ko alam! Ano ba naman kasi yan, Samantha! Titig pa more!

"I don't know, sir." Yumuko ako at napagtantong 'di ko na mapagtatakpan pa ang kahihiyan na iyon.

"Go to my office now! Ms. Alcantara! And stop your daydreaming!" Halos mabingi ako sa kakasigaw ni Mr. De Guzman sinabayan pa ng tawanan ng mga kaklase ko.

Pumunta nalang ako sa office niya dahil alam kong galit na nga siya.

Matapos niya akong pagalitan at sermonan, pinabalik naman niya din ako sa aming silid.

Habang naglalakad ako sa may corridor ay nakarinig ako ng sigaw, "Hoy Alcantara!" Boses pa lang, alam ko na kung sino 'yan.

Meet Beatrice and her allies. She's the one who always bullying me. Kesyo ang kapal daw ng mukha kong mangarap na mapapansin pa ako ni Leo.

Hinarap ko sila. "Bakit?" Tanong ko.

"Anong bakit?! Malandi ka! Bakit nagdadaydream ka kay Leo ha?!" Sagot ni Beatrice. Nagulat naman ako ng makita kong nanlilisik ang mga mata nya na para bang may ginawa akong napakalaking kasalanan.

"H-hindi ah. T-tinitignan ko lang naman s-sya." Medyo nanginginig kong sabi dala ng takot ko sa kanila. Alam ko na ang mga kaya nilang gawin. Dati, nilublob nila ang mukha ko sa putik dahil inabot ko kay Leo yung nalaglag niyang libro.

Tapos, isang beses naman nung nasa library ako at tinulungan ko si Leo sa paghahanap ng libro kahit hindi nya ko pinapansin, pinagbabato nila ako ng itlog at nilock ako sa isang classroom na hindi na ginagamit dito sa school.

At baka this time mas malala pa ang gawin nila sakin. Buti nalang talaga nandyan palagi si Adam na nagliligtas sakin pero ayaw ko namang palaging siya yung inaasahan ko kasi pakiramdam ko nagiging pabigat na ako minsan sa kanya.

"Sinungaling!" Pagkasabi 'non aybigla namang hinablot ni Beatrice ang buhok ko. Napapikit ako sa sakit na aking nadama.

Natigil lang si Beatrice ng may tumikhim sa may bandang likod niya, "Girls, pwede tigil muna kayo? Dadaan ako, tama na yan." Nagulat naman ako nung biglang may nagsalita. Teka? Pamilyar na boses yun. Pagkasabi naman 'non ng lalaki ay binitawan naman na ni Beatrice yung buhok ko.

"L-leo" Sabi ni Beatrice at nagsitabi naman silang lahat maliban sakin. Parang nagkaroon ng ugat ang paa ko sa sahig. Nakatitig lang ako sa mukha niya. Bahagyang nakakunot ang noo at diretso ang tingin sakin. Totoo ba ito? Niligtas niya ako?

"Samantha? Excuse me." Tsaka lang ako nabalik sa reyalidad nung magsalita siya. Agad akong tumabi para makadaan siya. Dire-diresto lang sya sa paglalakad habang ako'y nakatayo parin dun at di makapaniwala na niligtas niya ako sa kamay ng masamang si Beatrice.

"Hoy Alcantara! Nagdadaydreaming ka na naman. Di ka nya niligtas, nagkataon lang na dadaan sya! Kaya wag kang mag isip ng kung ano ano! Pasalamat ka dumating si Leo kundi nakalbo na kita! Dyan ka na nga! Tara na girls!" Sigaw sakin ni Beatrice, galit.

Ngiting-ngiti naman akong pumasok sa classroom pagkatapos ng eksenang iyon.

"Samantha, ang saya mo ata at nangingiti ka diyan. Parang hindi ka pinagalitan ni Mr. De Guzman." Sabi ni Adam kapag-upo ko sa tabi niya. Kinwento ko naman sa kanya lahat ng nangyari. As in lahat lahat. Bawat detalye ng nangyari kanina.

Pagkarinig ko ng bell ay tumayo na agad ako, senyales kasi ito na lunch na. Naglakad na kami ni Adam papunta ng cafeteria.

"Samantha, sigurado ka ba na niligtas ka niya? Oh baka naman umaasa ka na naman? Masasaktan ka na naman. Alam mo namang ayaw kong masaktan ka diba?" Seryoso nyang sabi habang kumakain kami.

"Alam mo, Dame, hindi ko rin alam kung niligtas na ba 'yun para sa kanya. Pero para sakin niligtas niya ako. Tsaka hayaan mo na ako, di naman ako umaasa, kinikilig lang." Bahagya akong pinamulahan ng mukha sa huling sinabi.

"Sige, sabi mo yan." Sagot ni Adam at tumango nalang, napagpasiyahan siguro na manahimik nalang tungkol doon at nagpatuloy kaming kumain.

"Dame, sa tingin mo mapapansin kaya ako ni Leo? Yung darating sa puntong magiging close kami?" Tanong ko sa kanya.

"Samantha, alam mo, 'di malabong mangyari yun kasi everything is possible naman," Di ko masyadong narinig yung huling sinabi nya pero binaliwala ko lang yun.

"Talaga? Kapag nangyari yun, siguro ipagmamayabang ko sa buong eskwelahan. Syempre, ikaw ba naman magiging kaclose ang nag-iisang Leo.

"Oo, pero wag ka parin sanang umasa bestfriend. Samantha, baka masaktan ka na naman. Malayo layo pa ang araw na yun." Sagot naman ni Adam.

Posible naman siguro iyon diba? Kahit na pagkakaibigan lang! Tatanggapin ko! Alam ko naman kasing hanggang dun nalang talaga. Malayo ang aming mga mundo at kahit kailan di ako makakapasok sa mundo niya.

At kung sakali man na makapasok ako, 'di naman ako nababagay roon. Maraming magagandang babaeng nakapaligid sa kanya. Maganda, sexy, matalino at mayaman, iyan panigurado ang mga tipo 'non.

Hindi gaya ko, na isang hamak na nerd lamang. Oo matalino ako pero yun lang naman ang lamang ko sa iba. Bukod doon, wala na akong ganda at hubog ng katawan.

Napabuntong hininga ako. "Sana nga mapansin na niya ako." Sana nga...

My Bestfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now