Kabanata 3

673 26 1
                                    

Problem



Pagkauwi ay agad akong nagtext kay Adam.

Ako:

Dame! Bakit 'di ka pumasok?

Nakatulugan ko na at lahat lahat ang paghihintay sa reply niya pero wala pa ring dumating.

Nasaan na ba kasi yun? Ni hindi man lang magreply sa text ko. Nag-aalala na ako sa kaniya.

Isinantabi ko muna iyon at nagpasiya na lang na pumasok na, baka mahuli pa 'ko.

Ilang minuto bago magsimula ang klase ay tsaka siya nagpakita. Dala niya sa likod ang bag niya at naglakad na papaunta sa tabi ko ng nakayuko. Nang makaupo siya sa tabi ko ay hinuli ko ang mga mata niya.

"Dame." Tawag ko, ngunit nag-iwas lang siya ng tingin. "Dame, tumingin ka sa 'kin." Sabi ko, nararamdaman ko kasi na may problema siya. Ano kayang nangyari dito?

Nang di ko na mapigilan ang sarili ay hinuli ko ang baba niya at pilit na pinaharap sa 'kin. Sa ilalim ng mga mata niya ay medyo namamaga na parang 'di siya nakatulog o umiyak siya. Halata sa kaniya na malungkot siya. Kahit sa aura niya ay may nagbago, mula sa masaya ay parang naging malungkot.

"Dame, anong nangyari?" Tanong ko, nakatitig sa mga mata niya. Umiling lang siya.

Nang nakita ko ang mga luhang nagbabagyang tumulo sa gilid ng mga mata niya ay nanlaki ang mga mata ko. "Dame, anong nangyari?" Bahagyang tumaas ang boses ko sa nerbyos kung ano mang nangyari sa kaniya. Imbis na sumagot ay niyakap niya lang ako.

"Ayoko, Sam. Ayokong mawala ka..." Bulong niya. "Ano bang sinasabi mo? Hindi ako mawawala, Dame. Ano bang problema?" Imbis na sumagot ay kumalas siya sa yakap at pinunasan ang mga luhang bumagsak sa mga mata niya. Magtatanong pa sana ako nang dumating na ang professor namin. Siguro, tatanungin ko na lang siya mamaya, o sasabihin kong pag-usapan namin mamaya.

Imbis na makapagfocus ako sa lesson ay gumagapang ang utak ko sa kung ano mang problema niya. Hindi naman kasi siya madalas umiiyak. Bilang na bilang lang ang mga beses na umiyak siya kaya sigurado ako na malaki iyong problema niya.

Nang matapos ang klase ay kakausapin ko sana siya ng maunahan niya ako, "Mamaya na lang Samantha, sa cafeteria." Sabi niya, tumango naman ako pagkatapos ay tumalikod na siya para pumunta sa susunod niyang klase.

"So ano namang problema natin ngayon, babae?" Tanong ni Christine ng mapansin ang pagiging tahimik ko masyado.

Ayaw ko sanang sumagot dahil nasa gitna kami ng pagdidiscuss ng teacher kaso mapilit siya. "Si Adam, may problema," napatingin ako sa mga daliri ko, naiisip ulit ang pangyayari kanina, "umiyak siya kanina habang niyayakap ako." pagpapatuloy ko.

Bumilog ang bibig niya at huminga ng malalim bago magkumento sa sinabi ko, "So ano daw problema ni papi—este Adam?"

"Yun nga, hindi niya sinabi, mamaya na lang daw sa cafeteria." Ani ko at tumingin na sa harapan, sa professor naming nagdidiscuss ng lesson'g alam ko na din naman.

"Ay gusto ko yan! Sama ako mamaya, ah? Para na din makilala ko na si Adam." Ngumiti siya. Tumango na lang ako. Naikwento ko na kasi sa kaniya si Adam kagabi habang magkausap kami sa cellphone kaya alam na niya.

Sa kabila ng mga gumugulo sa utak ko ay nalampasan ko pa rin naman ang pagkahaba habang discussion ng professor namin.

Nang dumating ang lunch ay halos hindi na ako mapakali dahil gusto ko na talagang malaman kung ano bang bumabagabag sa kaniya. Dali-dali akong naglakad papunta sa cafeteria kasama si Christine.

Pagkarating doon ay agad ko siyang nakita sa usual table namin, malayo sa ibang mga estudyante at nasa gilid lang ng cafeteria.

Pagkaupo ko ay napagpasiyahan kong ipakilala na sila sa isa't-isa.

Napatingin ako kay Christine at nakita kong nanlaki ang  mga mata niya, lumilat naman ang tingin ko kay Adam ngunit seryoso lang itong nakatingin sa kasama ko. Para silang nag-uusap gamit ang kanilang mga mata. Napagtanto ko ito ng tumango si Christine at ngumiti na sa kaniya.

"Christine, this is Adam Gabriel, my bestfriend," pagpapakilala ko, nagpatuloy ako, "Dame, si Christine Angela, bagong kaibigan ko." Ngumiti ako.

"Oh, yes. I knew him." Sabi ni Christine at nakipagkamay kay Adam.

"Paano?" Tanong ko naman, siguro nga tama yung naisip ko kanina na nag-uusap sila gamit ang kanilang mga mata.

"I was the one who gave her passing certificate. Napag-utusan lang ni Ma'am Lyra." Dame shrugged. Tumango ako.

Nagkausap din naman sila, nagtawanan sa sari-sariling kwento at iba pa. Masaya ako at nabigyan ko ng pagkakataon si Adam na makipagkaibigan sa ibang babae, ako lang kasi ang kaibigan niyan na babae, he doesn't like girls and their attitude kaya ewan ko ba kung bakit niya ako naging kaibigan. Siguro tingin niya sa 'kin, tomboy, ganun.

Nang napadako kami sa kwento ng problema ni Adam ay nagseryoso na kaming tatlo. He just explained to me na may emergency kahapon kaya hindi niya ako naitext, nag-aagaw buhay na pala kasi yung tita niya tapos sa kasamaang palad, his Tita died yesterday kaya nalulungkot siya.

Bahagya akong napaluha doon. Kaya naman pala siya hindi nakapagsabi sa akin kahapon. And I'm so sorry that his Tita died. Nakakapanghinayaang na mabilis na nakuha ni Lord ang buhay niya.

Gusto ko pa sanang magtanong sa kaniya at kung bakit sinabi niyang ayaw niya akong mawala ngunit isinantabi ko na lang iyon. Siguro para na rin sa respeto ko sa privacy niya. I don't want to push him to say it to me. Ayaw kong pilitin siyang sabihin sa akin ang lahat ng nangyayari sa kaniya kasi hindi naman kailangan. Hindi naman ako ganoon ka-paimportante para gawin 'yon.

Siguro kailangan lang talaga nating tanggapin na may kaniya kaniyang buhay tayo, magkakaiba tayo at kahit kailan ay hindi magkakapareho kaya dapat ay marunong tayong runespeto at makihalubilo sa ibang tao.

Tayo na dapat ang mag-adjust kasi pinili nating mapalapit sa taong ito. Tayo ang nagdesisyon nito kaya dapat 'di tayo magreklamo.

Tulad na lang sa pag-ibig, minsan reklamo tayo ng reklamo at minsan naninisi pa tayo ng iba dahil nasaktan tayo. Pero sa tingin ko, tayo lang din ang nananakit sa mga sarili natin. Tayo ang gumagawa ng desisyon sa buhay natin. Kasi yung ibang bagay, nagtutulak lang naman sayo yan para gawin ang isang bagay, sa huli, ikaw parin ang magdedesisyon para sa sarili mo. Kung pipiliin mo bang magpakasaya sandali at masaktan sa huli o maisalba ang sarili sa sakit at hapdi.

Pasalamat nga tayo at may choices tayo sa buhay, sa paraang iyon, binibigyan tayo ng pagkakataon kung gusto ba nating masaktan sa huli o hindi. Kaya ka nga binigyan ng Diyos ng puso at utak para tulungan ka sa mga desisyon mo pero minsan mas pinipili mo pa ring magpakatanga kahit na alam mong masasaktan ka. Tapos isisisi mo pa sa iba, ibig-sabihin lang noon, tanga ka.

My Bestfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now