Kabanata 9

468 19 5
                                    

Insecurities




Heto ako ngayon, naglalakad pauwi na parang zombie. Parang nawala lahat ng lakas ko.


Dahil ba sa itsura ko? Dahil ba nerd ako kaya 'di ako kayang magustuhan?


Bakit ba ganito ang reaksyon ko?! Inlove na ba ako?

Kasi sobrang sakit. Ilang taon ko na rin siyang gusto. Ilang taon ko nang hinahangaan ang gwapo niyang mukha, masungit na ugali at lahat lahat sa kanya.


Alam mo yun? Yung parang gumuho yung mundo ko? Kasi nung mga nakaraang araw lang kinakausap na niya ako. Umasa ako! Umasa ako na pwede kami kahit ganto ako.

Yung ilang taon na pagkagusto ko sa kanyia ay sa wakas ay nagbunga rin. Yan ang nasa isip ko. Kasi napansin na niya ako, kinausap. Pero tanga ako at umasa pa ako!


Umasa ako na mas lalalim pa yun... na magugustuhan niya ako... na mamahalin niya ako...

Langit sya, lupa ako. Kahit kailan di magtatagpo. Pag-iibiga'y malabo.

Ako lang naman kasi yung may gusto sa kanya, ako lang yung umaasa.


Hindi ko na napigilan ang sarili ko ng maiyak ako. Ganito ba talaga kapag nagmamahal? Kailangan masaktan ng lubusan? Oo, baguhan pa lamang ako pero hindi naman batayan yun sa lubos na pagmamahal diba?


Ngayon ko lang napagtanto. Na mahal ko sya... mahal na mahal.

Hindi ko alam kung kailan saan, bakit basta ang alam ko lang ay mahal ko sya. At di nya ako kayang mahalin pabalik.


Magustuhan nga malabo paano pa kayang mahalin, diba?

Sino nga ba naman ako? Ano nga ba naman ako, diba?


Isang nerd na nagmamahal ng heartthrob. Maraming mas magaganda, sexy, matatalino sakin at mas bagay sakanya. Dun lang siya magkakagusto.


Si Zhyra? Yun yung mga type niya. Maganda, sexy, HINDI NERD.

Hindi ko siya masisisi. Ang pangit pangit ko, ni hindi uso sakin ang make up, ang payat payat ko, ni walang hubog yung katawan ko. Matalino lang ako! Yun lang!


Wala na akong ginawa buong buhay ko kundi mag-aral, 'di ko na iniinda yung mga sasabihin nila, nagkukunwaring walang pakialam pero meron, kasi napapabayaan ko na yung sarili ko, yung katawan ko.


Okay lang naman sakin na tumandang dalaga kaso di ko talaga alam kung bakit gusto ko pa rin na mahalin nya ako.



Ang tanga ko ba? Oo, tanga siguro ako masyado pero mahal ko e'.



Kapag ba maganda ako kaya na niya akong mahalin? Kapag ba naging kaparehas ko na yung mga type niya e pwede na kami?



Desperada na kung desperada pero gagawin ko ang lahat mahalin niya lang ako. Magt-try lang naman ako, malay natin gumana, hindi ba?




Ang natatanging naisip ko lang is to improve my appearance. Yun muna ang gagawin ko sa ngayon.



Teka, matawagan nga muna si Christine, makatutulong siya sakin.


Nang makarating ako sa bahay ay tinawagan ko si Christine, sinabi ko na kailangan ko siya, pumayag naman siya at ngayon ay papunta na siya rito. Babawasan ko muna ang ipon ko ng kaunti para makabili ako ng iilang pampaganda.


Kung saan ako nakakakuha ng pera para panggastos? May sinalihan akong organization. Proyekto yun ng gobyerno para makatulong sa mga kabataang ulila na tulad ko. At isa ako sa mapapalad na nakasali dun.


Tumutulong kami at inaalagaan namin ang mga bata sa ampunan at doon ay sinuswelduhan kami ng gobyerno. Madali lang diba? Dalawang araw ang shift ko, Sabado at Linggo, Kaya sa mga araw na yon ako bumibisita sa ampunan. Ginagawa ko ito hindi dahil lang sa pera ngunit dahil gusto ko ring alagaan ang mga katulad kong ulila na.





Malaki at kasya naman sa pang-araw-araw ko ang binibigay na sahod ng gobyerno ngunit dati'y tinangka ko ring magtrabaho. Yung trabaho na sigurado ang sweldo, at pangmatagalan.




Kapag kasi nakapagtapos na kami sa aming pag-aaral ay tatanggalin na kami sa trabahong ito. Para ang iba naman ang makinabang.


Nandito na si Christine sa bahay. Inuupahan ko lang ito kasi wala pa akong pera pambili ng bahay ko. Maliit lang ito ngunit kumpleto naman. Minsan nga ay si Adam pa ang nagbabayad dito, hiyang hiya na nga ako dun.


Nasabi ko na sa kaniya ang plano at agad naman siyang pumayag. Tinawagan niya ang Ximmies para daw samahan kami at para maging legal na daw akong myembro nito. Pumayag naman ako tutal ay mga kaibigan ko naman na sila. I was hesitant at first, yes. But I think I was really desperate that time.




Pagkarating sa mall, ay agad akong hinila ni Christine patungo sa salon. Noong una ay hindi pa nga ako pumayag lalo pa't mamahalin yung salon na yun at ako ay nagtitipid lang ngunit kalaunan ay napapayag niya ako ng sabihin niya sila ng Ximmies ang magbabayad.




Sinabi nya pa na ito yung kabayaran dun sa inako kong kasalanan daw nila. Ayaw ko talaga ngunit 'di sya nagpatalo kaya sa huli ay siya pa rin ang nasunod.




Kung ano-ano ang ginawa sakin nung baklang nag-aayos sakin, todo pa siya kung mangbola. Kesyo ang ganda ganda ko daw at kaunti na lang daw ang gagawin ay magiging dyosa na daw ako. Asus, ginagawa nya lang naman yan para sa tip. Wag ako.




Pero syempre 'di ko pinahalata na ganun ang reaksyon ko, todo thank you naman ang ginawa ko para sa pambobola niya.




Kinalaunan ay dumating ang Ximmies, tinulungan nila ako sa pagpili ng ayos ng buhok ko, sa kulay ng nail polish ko, sa damit na susuotin at bibilhin ko, at sa make up na bibilhin ko. Tinuruan din nila ako kung paano lumakad ng maayos at elegante.



Pati na rin sa pamimili ko sa contact lens na gagamitin ko. Noong una ay pinilit pa nila ako na bumili ng may matingkad at pangmayaman na kulay ngunit napagdesisyunan ko na clear lang ang bibilhin ko. Ayaw ko pa nga bumili neto dahil talagang mahalaga sakin ang salamin ko. Bigay kasi yun ni Adam noong 14th birthday ko at mahal na mahal ko at pinapahalagahan ko yun.



Magt-three years na rin sakin yun, siguro susuotin ko nalang kapag ayaw ko'ng mag contact lens.


And speaking of Adam, ipapaliwanag ko nalang sa kanya kung bakit 'di ko siya pinansin kanina at magsosorry na din ako. Sigurado naman ako na maiintindihan niya ako.




Pagkatapos ng "transformation" kuno ko ay kumain kami sa restaurant. Ang saya nila kasama. Pinilit pa nga nila akong maglibot pa sa mall ngunit mas gusto kong umuwi, pagod na rin kasi ako. Kaya ayan, napilitan silang ihatid ako pauwi.




Humingi ako ng pasensya dahil mukhang nakaabala ako sa kanila dahil halatang gusto pa nila maglibot at gusto ko nang umuwi. Nagpasalamat ako sa paghatid nila at bumaba na ng kotse. Kumaway muna ako bago naglakad patungo sa bahay. Halos di ako makilala ng mga tambay sa kanto namin.






Pati na rin ng mga kapitbahay, nagpasalamat ako sa pumuri na ang ganda ko daw. At inirapan ko ang isang tambay na mukhang manyak. Bago ito dito kasi kilala ko lahat ng tambay sa lugar namin at mababait naman sila. Kamukha nya ang kapitbahay kong si Draven kaya siguro ay bisita nya ito o kamag-anak. Matapos ang ilang minuto ng papuri ay naglakad na ako patungo sa bahay.





Napabuntong hininga ako. Isang nakakapagod na araw na naman ang dumating. Nawiwindang na ako sa mga pangyayari sa buhay ko at sa mga pinaggagawa ko. Ano na naman kayang mangyayari bukas?



Itutulog ko nalang 'to!

My Bestfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now