Kabanata 29

398 16 1
                                    

Wrong

Gumising ako ng maaga at nag-ayos agad. Nagsuot ako ng simpleng itim na off shoulder at maroon skirt na pinaresan ko ng mahabang itim na thigh high boots.

Alam kong hindi ito ang nararapat na isuot lalo na't sa office ang punta ko ngunit ito  lang ang matino-tino kong damit na nakita ko sa cabinet. Bumuntong hininga ako at nagpasiya na akong lumabas ng kwarto. Dala-dala ang sling bag ko ay lumabas na ako ng bahay matapos kumain ng sandwich. Handa na sana akong tawagin ang driver namin sa garahe ng biglang may nagdoor bell. Napatingin ako kung sino yun at tumambad sa akin ang mukha ni Adam suot suot ang tuxedo niya. Napataas ako ng kilay, mukhang business man siya diyan ah. Lumapit ako sa pintuan at pinagbuksan siya.

"What are you doing here? Wala ka bang trabaho?" Humalukipkip ako. Ngumiti siya ng kaunti at umiling. "I'll drive you to your office." Matamang sabi niya. Kumunot ang noo ko. "At bakit naman?" Tanong ko. Kailangan pa ba siya doon? Nagkibit balikat siya. "Because I want to." Bumuntong hininga ako. I guess it's more convenient na sumakay ako sa kotse niya. Tumango ako sa kaniya at nagpaalam sa aming driver na sasabay na lang ako kay Adam. Wala naman sigurong masama kung sasama ako sa kaniya diba?

Nang makarating doon ay halos lahat ng empleyado ay binati ako. I remembered few of them since minsan bumibisita din ako sa company ni papa. I smiled and greeted them too. I guess papa's secretary already told them about me. Hindi nagtagal ay nakita ko na ang secretary ni papa. She said she'll escort me to papa's office at magkakaroon din ng conference mamaya with the department's leader and a few employees. Pagpapakilala lang daw iyon upang malaman ko at makilala ko kung sino ang mga employees ni papa, which is employees ko na din. She already give me some documents para pag-aralan last time we talked. Pinag-aralan ko na iyon ngunit hindi ko pa rin masyadong kabisado ang pasikot sikot ng business ni papa. I just know na I am the one who will sign the papers of partnerships and some projects. Nasabi niya rin sa akin na kung may tanong daw ako ay nandiyan naman siya at ang Vice President of the company. They'll be glad to answer my questions.

Bago pa makalapit sa amin ang secretary ni papa ay hinarap ko na si Adam. "You can go now. Salamat sa paghatid." Ngumiti ako sa kaniya ngunit umiling siya. "I'll escort you to your office." Matamang sabi niya. Napakunot naman ang noo ko doon ngunit tumango na lang. I know he's really insisting. Ayoko kasing makipagtalo pa. Nang makalapit sa amin si Ms. Leila ay sinamahan niya kami papunta sa taas. Pagkarating doon, lahat ay napapatingin sa amin. Binabati nila ako ngunit matapos noon ay titingin sa nasa likod ko, lalo na ang mga babae. Siguro nagtataka din sila kung bakit ang sikat na si Adam Gabriel Montenegro na CEO ng Montenegro Hotel Estates ay nasa likod ko. Kahit ako, nagtataka din kung bakit siya sumama dito.

Nang makarating sa loob ng office ay umupo na ako sa swivel chair ni papa at nagsimula ng basahin ang mga papeles doon nang may tumikhim sa harapan ko. Napatingin ako at nakita ko si Adam na nakahalukipkip at nakataas ang kilay. "Are you just gonna dump me like that?" Tanong niya. Bumuntong hininga ako at tumayo. "No one asked you to escort me here but thank you. You can go now." Ngumiti ako ng kaunti. Umiling ulit siya sa akin at lumapit. Napatingala ako ng kaunti dahil sa tangkad niya. He reached for the papers I was about to read and I gave it to him. Binasa niya ito saglit at tumingin ulit sa akin pagkatapos. "This is easy. Don't be so pressured, Samantha." Sabi niya sa akin. "Why would I be pressured? I'm not, Adam." Mataman kong sabi sa kaniya.

Tumaas ang gilid ng labi niya at napatingin ako doon. "I thought so. Mukha kasing pressured ka. Hindi ba ay conference lang naman ang schedule mo ngayon?" Tanong niya sa akin. Tumango ako kahit na nagtataka kung paano niya nalaman iyon. Tumango siya at tinawagan ang sekretarya ko. "Hello? Pakidalhan naman kami ng dalawang caramel latte." Nakakunot ang noo ko habang sinasabi niya iyon.

Ilang sandali pa ay dumating na ang sekretarya ko at nilapag ang dalawang caramel latte ng isang sikat na coffee shop. Sinenyasan niya akong maupo sa harapan niya at ginawa ko naman. Marahan kong ininom ang kape ko habang siya ay nakangiti habang nakatingin sa cellphone niya. Kumunot naman ang noo ko sa ginagawa niya. Ano bang akala niya? Na magrerelax lang ako dito at iinom ng kape kasama niya buong araw?

Tumayo siya at lumipat sa tabi ko. Bahagya akong umusog ngunit umusog din siya hanggang sa wala na akong mausugan. Kumunot ang noo ko sa ginagawa niya at napatingin sa kaniya ng tumambad sa mukha ko ang cellphone niya. Pagkatapos noon ay binaba na niya ito at umiling. "Sana pala dinala ko yung camera ko." Napailing ako sa pinaggagawa at sinasabi niya at sumipsip na lang sa kape ko. "Ano pa bang ginagawa mo dito? You should have leave kanina pa. Wala ka bang trabaho?" Tanong ko habang sumisimsim pa din sa paborito kong latte.

"Heads up here, Samantha." Sabi niya kaya napatingin naman ako sa kaniya. Nakita kong nagseselfie siya at sakto naman ang pagtingin ko sa cellphone niya ng pinindot niya ito. Magrereact na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko na nasa lamesa. Nang makitang si Leo yun ay sinagot ko ito at iniwanan siya doon na busy pa rin sa cellphone niya.

"Hello?" Sabi ko. "Hello." Sagot niya sa akin. "Kamusta ka na, Samantha? Is tito doing fine?" Tanong niya. Oo nga pala, hindi ko pa sinasabi sa kaniya na ako muna ang pumalit kay papa. Sa ibang araw na lang siguro. "Yes. He's doing fine. Okay lang din naman ako dito." Ngumiti ako. "May umaaligid ba sayo diyan? Baka pinagpalit mo na ako ah?" Sabi niya at napatigil naman ako doon. "Balita ko umuwi na daw ng Pilipinas si Adam." Dagdag niya pa. Doon na ako hindi makapagsalita. I felt guilty. I feel like I'm cheating to my boyfriend. Doon ko napagtanto na hindi nararapat na kausapin ko pa si Adam. He's my ex and I'm sure Leo would be hurt if he knew that I'm still talking to Adam at umiinom pa ng kape kasama ito nang parang walang nangyari. "Samantha?" Doon lang ako nakabawi. "Uh... Wala namang umaaligid sa akin. And about Adam? I don't want to know anything about him. Ano naman kung nandito siya? I don't care." Napapikit ako sa sinabi ko. Nagsinungaling ako! Nagsinungaling ako sa boyfriend ko! I pretended that I didn't see Adam simula pagkauwi niya dito.

"Ah ganun ba? I'm sorry I can't go home now. I promise I'll fix the issues here para makauwi agad ako diyan." Pag-iiba niya ng usapan. "Okay, and Leo? I need to hang up. Madami pa kasi akong gagawin. I'm sorry." Agad ko nang tinapos ang usapan namin bago ako magsinungaling pa. "Okay. Love you." Saad niya. "Bye, love you too." Sabi ko bago binaba ang tawag. Matapos yun ay pinuntahan ko na agad si Adam. Nakita ko siyang busy na ngayon sa pagsimsim ng kape niya. "Adam, please leave." Panimula ko. Napatingin naman siya sa akin ng kunot ang noo. "This is so wrong. Hindi 'to tama. Please leave. Ayaw na kitang makita pa." Sabi ko. I don't want to hurt Leo more. Ayaw ko na ding magsinungaling pa sa kaniya kaya't mas mabuti pang paalisin ko na si Adam ngayon. "Why so sudden?" Tanong niya nang nakakunot ang noo. "Hindi mo naiintindihan? You're my ex and I don't want my boyfriend to know na nakikipag-usap pa ako sayo so please leave." Nang matapos ko yung sabihin ay agad nagbago ang mukha niya. Nawalan na naman ito ng emosyon at tumango siya. "Okay." Matapos yon ay lumabas na siya ng opisina ko. Bumuntong hininga ako.

My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon