Kabanata 31

413 17 1
                                    

Back again

I sighed as I went on my bed. It's really a fun day with Leo. He let me do the things that I want. And let me enjoy everything. I remembered earlier...

"Where are we going?" I asked as I looked at him. He licked his lips making it a lot redder than usual and looked at me for a second before looking back to the road. His lips curved. "Guess where?" He said.

Napasimangot naman ako doon. I have no idea where would we going. I bit my lips, thinking where. Maybe in the mall or something? Restaurant perhaps? In the end, I sighed. "I honestly don't have an idea, Leo. Saan nga ba tayo pupunta?" I asked him again. But instead of answering, he just continued to drive.

Minutes later, the car stopped. Tinanggal ko ang seatbelt ko and I was about to open the door when he opened it for me. Ngumiti siya sa akin as I look through our surrounding. Namilog ang mga mata ko. We're in an amusement park! Ang mga labi ko ay umangat sa saya. I feel like my eyes are shining right now! I feel very tired kasi these past few days and being in an amusement park makes me happy. I looked at him. He's biting his lips at nakalagay ang isang kamay sa likod ng kaniyang batok.

"I hope you'll enjoy here." He smiled. "I know lately na you've been so busy so I wanted to relieve your stress and bring you in an amusement park." He looked at me with adoration. Ngumiti ako. Pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko sa lakas ng pintig ng puso ko. I really appreciate this. Sa sobrang saya ko, it actually hurts.

Lumipas ang ilang segundo at nagpasiya na kaming sumakay sa mga rides. It was so fun! Grabe! Ang tagal ko na din palang hindi nakakapunta sa mga ganito. I feel like a kid now. Gusto kong sakyan ang lahat ng rides!

Matapos ang ilang oras ay nagutom din kami. So we decided to eat in the small stalls near the game stations.

I ordered a sandwich habang ang sa kaniya ay hamburger.

We ate quickly. Pagkatapos ay bumalik ulit sa paglalaro. I feel so damn tired, gosh!

Napangiti ako nang maalala iyon. He's never really that romantic. Madalas ay walang flowers tuwing monthsary at bihira kami kumain sa mga mamahaling restaurant. And every date feels like it's a friendly date. Masaya lang, puro tawa at walang drama. That's what I actually love about him. He makes me feel so independent kahit na kami. Hindi ako nasakal kailanman. He makes me do what I want and supports me in it. Now, I feel so lucky to have him.

Monday na naman. Kailangan ko na namang pumasok. I already told papa about this and he makes sure that the company is fine by letting Leo manage it for awhile since nasa break na naman siya ng trabaho niya. Now, I had to deal with my school problems. Hindi naman ako gaanong nahuhuli sa mga lessons because I read advance, kaya't ang mga projects lang talaga ang proproblemahin ko. Christine already told me about the projects and I've been working on it since yesterday. Nasimulan ko na yung dalawang project and I have three more to do. Medyo may kahirapan ang mga iyon pero kaya naman. It's more on researching and writing ideas for the market. Kung ano ang mas magandang products and kung papatok ba ang mga iyon.

Mahihirapan nga lang ako sa isang project namin about marketing and advertising. Kailangan kasing gumawa ng advertising video about a place and the food they offers, places to visit there and other things. It's a group project but since I'm absent for the past weeks, lahat sila'y nakapagsimula na at wala na akong kagrupo. Well, it sucks pero ano pa nga bang magagawa ko?

Nang makapasok sa silid ay agad akong pinagkaguluhan ng mga kaklase ko. Marami silang tanong like ano daw ba ang ang nangyari at absent ako for the past weeks, if I'm okay and marami pa. Honestly, I feel so tired answering them so I took my headphones and start listening to my favorite playlist of piano covers. I don't know, if I'm that rude or I'm just seeking for a peaceful mind. After all, the past weeks were so stressful.

Nagsimula na ang klase at ganun pa din naman. Same scenario as before. Halos walang nagbago except that the students really looked so stressed dahil magffinals na.

After having lunch with the girls, I proceeded to the library. I smiled to the librarian as I entered the library at dumiretso sa shelf na may librong kailangan ko. Matapos kunin ang mga iyon ay umupo ako sa table na nasa gitna nitong library. Kakaunti lang ang tao dahil malamang ay nasa cafeteria pa ang mga iyon. Nang makaupo ay agad kong binasa ang mga librong dala ko. Tungkol ang mga ito sa mga lugar na magandang ifeature sa advertising project ko. There are so many places na magaganda at malapit lang dito sa Manila but I was looking for something new and unique. Yung maganda ngunit hindi kapansin-pansin. Hmmm... Let's see.

Matapos ang ilang minuto ay hindi pa rin ako nakakahanap ng i-fe-feature ko sa project kaya't napagpasiyahan ko na hiramin na muna ang mga librong dala ko dahil pag-aaralan ko rin naman ang iba doon. Matapos kong i-check out ang mga libro ay agad ko silang dinala sa locker at doon ko na lang babalikan mamaya.

Sakto namang pagbalik ko sa klase ay nagring ang bell, senyales na tapos na ang break. Tumingin ako sa labas ng silid at nakita sa hallway ang mga estudyanteng pabalik na sa kani-kanilang mga silid. I tapped my fingers in my desk as I watched the whole room be filled with students. Isa isa silang nagpapasukan. Ang iba'y maingay dahil sa kasamang mga kaibigan ngunit may mangilan-ngilang tahimik lang pumasok. I sighed as I listened to the teacher that arrived just now. This is more tiring than being in the office. I internally groaned.

Naging mabilis ang oras kaya't 'di ko namalayang uwian na. Nang magring ang bell, nagtayuan na ang lahat at lumabas. Habang ako naman ay nagpahuli para maiwasan ang dami ng tao sa daan. Hinintay kong mangilan-ngilan na lang ang estudyanteng nanglalakad bago lumabas. Dumiretso ako sa locker upang puntahan ang mga librong iuuwi ko. Marami pa akong gagawin and I feel so tired now. I sighed as I entered our car. I smiled to the driver and apologize to him since I was kinda late. Ang tanging sagot niya lamang ay, "Wala ho yun, ma'am."

I was getting bored in the middle of the traffic so I decided to put my earphones on. Pinagpatuloy ko ang pakikinig sa mga paborito kong piano covers. I sighed again as I look through the busy city. Mga nagtataasang mga gusali ang bumungad sa mata ko. Ang mga ilaw ng sasakyan ay nangingibabaw sa halos papadilim nang paligid.

I must say that I never really love the city as much as I love provinces. Hindi naman kasi talaga ako mahilig sa matatao at magulong lugar. Ayaw ko rin sa mga maiingay at nakakabulabog na tunog. Siya lang ang nagparamdam sa akin ng kahalagahan ng syudad. He made me fell in love in the city as much as I love him. Pinakita niya sa akin na kapag nasa syudad ka, hindi mo mararamdamang mag-isa ka. Pinaramdaman niya na dito, palagi akong may kasama. Pinaramdam niya na dito, masaya ako. Pero kasabay ng paglisan niya ang pagkawasak ng pagmamahal ko sa syudad. Hindi sa hindi ko na ito pinahahalagahan pero wala na yung dating pagmamahal ko dito. Wala na yung ningning ng mga mata ko tuwing lumalabas ako. Wala na ang lahat.

Pero siguro nga kasalanan ko din ang lahat. Siguro nga sa akin lang din nagsimula ang lahat. Dinepende ko kasi ang buhay ko sa kaniya. Hindi ko natandaan na may buhay pa pala ako na labas siya. Umikot ang mundo ko sa kaniya kaya't nang lumisan siya ay gumuho ito. Lesson learned din siguro ito para sa akin. Na I shouldn't love someone as I love myself. Na dapat ang sarili ko muna bago ang iba.

Pinalis ko ang luhang lumandas sa pisngi ko. Tama na, Samantha. Enough of this drama.

My Bestfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now