Kabanata 39

406 9 5
                                    

Night Out


"Nurse na ako!" Rinig kong sigaw ni Kathryn sa telepono. Napuno ng sigawan ang video call. Nilabas na kasi ang resulta ng exams nung finals.

"Oh my gosh! Did you see your results na?" Excited na sabi ni Christine sa tawag. "I passed guys! I'm crying!"

"I'm a fucking lawyer now, baby! Did y'all hear that? I'm a fucking lawyer!" Sigaw pa ni Krishna. Umiling ako sa kanila. They are so happy, well I am too. We all passed pero iba ata ang paraan nila ng pamamahayag ng kasiyahan. I chuckled.

I heard Angel squealed in the background. She's so happy too. Ngumiti ako para sa kanila.

"This should call on for a celebration! Right?" Kathryn suggested. Agad namang nanlaki ang mata ni Krishna doon. "Oh! Yes! Yes! We should celebrate!" Tumalon talon pa siya sa kama niya.

"Yes, we should! Girl's night out? Sa BGC!" Mungkahi pa ni Angel. Natuwa ako doon. Matagal tagal na rin kaming hindi nagbabar, siguro dahil busy nga sa school. This should be fun!

"Oh! I know a place!" Christine said. Hindi ko tuloy matukoy kung sino sa aming lahat ang pinakaexcited doon. Nakita ko pang naghahanap na ng damit si Angel sa kaniyang cam.

Naging mabilis ang oras lalo na dahil matagal ang pagpili ko ng damit. Mukhang ganoon din ata sila dahil hindi na sila tumawag pang muli matapos mag-end ang call namin kaninang alas kuwatro.

I settled for a pink satin spaghetti strap dress at dala ang black clutch ko, I decided to use my beige colored stilletos at pagpatak ng alas sais imedya ay handa na akong umalis.

"Jillian, nahanda na ba ni kuya Archie yung kotse?" Tinanong ko si Jillian na naglilinis ngayon sa kusina.

Pagkapasok ko doon ay naglilinis pala siya ng lamesa. Agad siyang napatingin sa akin. At bumilog ang mga mata.

"Naku miss! Ang gara natin ah? Saan ang punta?" She jokingly said. Lumipas ang mga araw at natutuwa naman akong kasama siya. She seems nice and she always joke around me. Plus the fact that we're around the same age, para tuloy akong may kapatid dito.

Tumawa ako doon. Ang sarap sanang sabihing bibili lang ako ng toyo sa kanto pero wala palang tindahan dito.

"Ah, sa BGC lang. Girl's night out, sama ka?" Anyaya ko pa sa kaniya pero umiling siya. "Naku! 'Di ko tipo 'yang mga ganyan, inom ba yan miss?" she made a disgusted face. I chuckled at her reaction.

"Yeah, some drinks lang. I won't be drunk, don't worry." I assured her. Mababa ang alcohol tolerance ko noon ngunit parang habang nasasanay ako ay tumataas 'yon. I barely get drunk now, maybe a little tipsy?

Nang mapatingin sa orasan ay mabilis akong nagpaalam sa kaniya. She waved at me, "Sige ma'am ingat ka! Huwag kang papakalasing ah?" I scoffed at that. I know!

Nang makalabas ay nandoon na si kuya Archie at handa na ang Honda Civic ko. Good.

Papasok na sana siya sa kotse kung hindi ko lang inilahad ang palad ko. Nginuso ko ang susi na nasa kamay niya. Napatingin siya sa akin. "Sigurado ka ma'am? Saan ba punta niyo?" He asked.

"Sa BGC, kuya. I can manage na, promise!" I pleaded. He doesn't seem pleased with that pero alam ko namang hindi rin siya makakaayaw, after all I am his boss.

He sighed, "Sige ma'am, nagpaalam na ho ba kayo sa papa niyo?"

Yes! Tahimik akong nagdiwang. "Yes, natext ko na siya kanina. Thank you, kuya!" Dali dali kong kinuha ang susi ng kotse, tumabi naman siya para makalabas ito. Pinaandar ko ito habang kumakaway sa kaniya.

My Bestfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now