Kabanata 14

408 13 2
                                    

Kiss



Sumakay na kami sa kotse niya pagkatapos magligpit ng mga pinagkainan at nilisan na namin ang condo niya.

Habang nagmamaneho siya ay nakatingin lang ako sa kaniya, marami akong iniisip.

Kung siya kaya ang nagustuhan ko, tatanggapin niya ako? Magugustuhan niya parin ako kahit na nerd ako? Pero sino nga ba naman ako para mag assume. Si Adam na gwapo, matalino at mabait. A boyfriend material, samantalang ako... Nerd, pangit and out of style. 'Diba? Pero ngayon nagbago na ako. Maganda na ako. Wala na yung dating pangit na Samantha. Magugustuhan niya kaya ako?

"Stop staring." Medyo iritadong sabi niya. Err... Alam niya kaya ang nasa isip ko? Shit. Baka nga.

Nag-iwas nalang ako ng tingin at bumaling sa kalsada. Mabilis lang ang byahe namin patungo sa... bar? Hindi pa ako nakakarating dito. Never! Kahit kailan.

Hindi ako tanga para 'di malaman ang ginagawa dito pero bakit dito?

Mukhang nabasa ni Adam ang nasa isip ko at sinagot niya ang mga katanungan sa utak ko, "Naisip ko kasing dito na lang magcelebrate. Tutal marami naman tayong friends na inimbita. Tsaka don't worry, 'di ka naman iinom kung yun ang gusto mo. I just think na magustuhan mo ang unang pagpunta dito." Sabi niya ng nakangiti. Tumango ako at siya naman ay inakbayan ako.

Nang makarating kami dun ay nahagip agad ng mga mata ko sila Christine. May mga kasama silang lalaki sa mesa nila. And base sa mga mukha nila, kaibigan sila ni Adam. Yung tumulong mamimili ng damit ni Adam? Sila Draven and Anthony. Nakita kong nakikipag usap kay Krishna si Draven while Anthony and Kathryn is having a little childish fight. Hmmm? Is there something I didn't know?

Nang makarating kami sa may mga sofa ay may mga bumati samin. Inaya pa nga kaming sumayaw ngunit umayaw ako, di rin sumama si Adam.

"Hmm... Guys, I have an announcement." Putol ni Angel sa munting katahimikan sa table namin.

"BUNTIS KA?!" Napasigaw si Krishna.

"SHEEET. 'DI PA AKO READY'NG MAGING TITA!" Nanlaki naman ang mata ni Christine.

"SINONG AMA?!" Tanong ulit ni Krishna.

"HOY! WALA AKONG PERA. WAG MO AKONG GAWING NINANG NYAN." Kathryn said.

"Mga gaga! Hindi! May announcement lang, buntis agad?! Ni wala nga akong boyfriend!" Umirap siya.

"So, ano nga?" Sabay sabay naming sabi. Nakikinig lang ang mga lalaki samin at nanatiling nakaakbay sa akin si Adam.

"Kailangan ko kasing pumuntang China. You know? Papa wants me to go there for some reasons and I don't know kung kailan ang balik ko. I would probably study there...." Sagot ni Angel. Nalungkot naman ako dun. Syempre kahit hindi kami naging masyadong naging close mahal ko na rin siya bilang kaibigan, bilang bestfriend.

"Go! Layas na!" Ani Krishna na parang tinataboy siya.

"Shoo! Shoo! Alis na ngayon." Pang-second voice naman ni Christine.

"Okay. Ipromise mo lang na may pasalubong." Tumango tango si Kathryn.

"GRABE NAMAN KAYO!" sigaw ni Angel na mangiyak ngiyak na. Napatingin tuloy samin ang mga tao sa kabilang table.

"Ay bruha. Iyak iyak ka diyan joke lang yun gaga!" Singhal sa kaniya ni Christine.

"Oo nga!" Sabi pa ni Krishna at natawa ng kaunti.

"Best actress ka na bes." Umirap si Kathryn.

By that, nagtawanan kami. Inaya ako nila Christine na uminom pero tinanggihan ko. Mamaya na siguro. Hindi naman ito ang unang beses kong uminom ng alak. Actually, kung iinom ako ng alak ngayon ay pangatlong beses ko na yun. First time ko nung naglasing ako kasi namatay si mommy. I was blinded that time. Hindi ko alam ang mga ginagawa ko. Sobrang lungkot ko dahil sa pagkawala ni mama, kung ano ano na ang nagawa ko. I was thirteen years old that time. Yung sunod naman ay nahalo sa drinks ko yung alak. I didn't know that that was with alcohol. Medyo naparami ang inom ko kaya nalasing ako. Nagising nalang ako nasa condo na ako ni Dame. I don't know kung bakit niya nalaman or kung bakit ako nasa condo niya kasi lakad namin ng mga kaibigan ko yun.

My Bestfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now