Kabanata 23

387 14 3
                                    

Alaala

Lumangoy ako sa mababaw na parte ng dagat, hanggang dito naririnig ko pa rin yung boses ni Mina. Naririnig ko parin yung tawanan nila.

Ayoko nung ganito, I wanted my mind to be peaceful. I want it bad.

Nagtungo ako sa medyo malalim na parte ng dagat. I just stared at the sea. Ramdam ko ang lamig ng tubig na nakapagpagaan ng loob ko pero sa kabila nito, ramdam ko rin ang alat ng tubig na masakit balat. Maikukumpara ito sa pag-ibig. Sa kabila ng saya na naidudulot nito, darating parin sa punto na masakit na.

Pero bakit nga ba ang mga bagay kahit ang sakit sakit na? Bakit nga ba natin ipinaglalaban ang mga bagay na di naman pangmatagalan? Kasi nabibigyan nito tayo ng saya. Nakukuntento na tayo sa temporaryong ligaya. Pero gaya padin ng paglangoy mo sa dagat, di ka pwedeng magtagal. Kasi maaari kang malunod, maaari kang magkaroon ng mga sugat dahil sa labis na tubig alat. Kaya dapat yung mga nararamdaman natin na alam nating di karapat-dapat, itinitigil na bago pa lumaki at magdulot ng sakit at pagkalunod.

Sa labis na pag-iisip, naalala ko si Leo. I missed him. Gusto ko ng bumalik sa Manila. Gusto ko na siyang makita. Kasi di ko na alam ang mangyayari kapag di ko sya nakita. Baka mabaliw baliw nalang ako.

Sumisid ako. Sumisid ako hindi para takasan ang realidad kundi para sana, kung sakali, baka sakali lang na maalis kahit panandalian itong nararamdaman ko.

Namangha ako sa mga korales na nandito. Halatang priniserve talaga nila ang mga ito. Walang mga isda sa ilalim pero mabubusog naman ang mga mata mo sa mga korales na nadidito. Marami sila, iba't-iba ng kulay, may maliliit at malalaki din.

Tumapak ako sa isang korales, para sana tignan kung matibay ba ito pero bigla akong nadulas at nawala ang balanse ko. Naramdaman ko nalang na tumama ang ulo ko sa isang matigas na bagay at ngayon ay may tumutulong likido mula rito. Ramdam ko rin ang hapdi nito lalo na't nasa tubig dagat ako.

Ginalaw ko ang mga kamay at paa ko, para sana lumangoy ngunit di sila gumagalaw. Anong gagawin ko?!

Inulit ulit ko pa ang pagsubok ng paggalaw ng aking kamay at paa pero di talaga sila gumagalaw. Pakiramdam ko namanhid ang buong katawan ko sa pagtama ng ulo ko kanina. Sinusubukan ko pa rin itong igalaw ng maramdaman kong nawawalan na ako ng hininga. Unti unting bumabagal ang paghinga ko.

Ito na ba talaga? Mawawala na ba ako? Katapusan ko na ba talaga?

Dahan dahan nang pumipikit ang mata ko, pero may isang alaalang pumasok sa isipan ko. Yung alaala naming dalawa ni Adam...

Nandito ako sa playground ng subdivision namin. Maraming mga batang naglalaro pero ni isa sa kanila, hindi ko kaibigan. Isa kasi akong loner. Wala akong mga kaibigan sa school pati na rin sa bahay dahil bihira lang naman ako lumabas.

Pinagmasdan ko ang mga bata, masaya silang naglalaro ng sama-sama. Samantalang ako dito, mag-isa lang. Nakakalungkot pero wala namang gustong makipagkaibigan sa akin. Siguro dahil sa itsura ko, bata pa lang kasi ako, may salamin na ako sa mata.

Natural kasing malabo ang mga ito gaya ng kay mama. Hindi rin naman ako mayaman katulad nila, nakikitira lang ako sa tita ko dito dahil nga sa problema ko sa pamilya.

"Hi Snow!" Biglang sabi sa akin ng lalaking batang nasa harap ko. Nagulat ako syempre at napalingon lingon sa tabi at likod ko. Sino ba si Snow?

Nakatingin lang sa akin yung bata at nakangiti. Napaturo tuloy ako sa sarili ko kung ako ba yung kinakausap nya. Alam mo na, baka kasi may nakikita siya na hindi ko nakikita, hihi!

Tumango siya at tumabi sa tabi ko. "Hello sayo! Anong pangalan mo?" Tanong niya.

"Samantha Isabella." Sagot ko naman. Siyempre, baka pagkakataon ko na ito para magkaroon ng kaibigan! "Eh ikaw? Sino ka?" Tanong ko sa kaniya.

"Adam Gabriel." Sabi niya sabay pakita ng mukhang bunny niyang ngiti. Ang cute niya!

Nagkatinginan lang kami pagkatapos ay biglang natahimik. Napabalik ang tibgin namin sa mga batang masayang naglalaro dito sa playground.

Bigla niyang pinutol ang katahimikan. "Bakit ang puti puti mo?" Tanong niya.

"Bakit mukha kang bunny?" Tanong ko pabalik. "Ewan ko eh." Sabay naming sagot. Bahagya kaming natawa.

"Bakit hindi ka nakikipaglaro sa kanila Snow?" Tanong niya ulit. Ang dami niyang tanong, a? At hindi ko alam kung bakit niya ako tinatawag na ganon. Snow? Siguro dahil sa sinabi niyang maputi ako.

"Hindi ko naman kasi sila friends. Tsaka wala namang nag-aaya sa akin na maglaro." Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at napatingin na lang sa mga kamay ko na nakapatong sa aking hita. Nakakalungkot. Nakakalungkot pa lang mag-isa.

Parang ngayon ko lang naramdaman ang sobrang kalungkutan dahil mag-isa ako. Wala akong kaibigan. Wala ng pamilya at halos wala na ring matirhan. Siguro totoo nga ang sinasabi ng mga bata sa akin sa school, isa na akong ulila.

Pero okay lang naman. Siguro magiging masaya din ako. Hindi man ngayon ay balang araw, sasaya din ako. Magiging okay din sa akin ang maging mag-isa. At hindi na ako masasaktan kapag mag-isa ako. Iyan ang tinuro sa akin ni mama bago siya mamatay. Sabi niya sa akin, darating din daw ang panahon na sasaya ako ng todo.

Na makakalimutan ko din ang mga problema ko. Na may magpapasaya din sa akin ng lubos at may mamahalin din ako ng lubos. Sabi ni mama, darating din daw ang kasiyahan kahit anong mangyari. Kahit na puro problema na lang ang nararanasan mo, maghintay ka lang at darating din ang kaligayahan mo.

Sabi rin sa akin ni mama, na huwag mawawalan ng pag-asa. Sabi niya, balang araw, kapag sobrang dami ko daw problema at hindi ko na kaya, huwag na huwag ko daw iisipin na saktan ang sarili ko o magpakamatay.

Dahil mahal ang buhay. Dahil ipinagkaloob lang sa atin ng Diyos ang buhay natin at isang malaking kasalanan na kunin ito sa sarili natin.

Marami pang itinuro sa akin si mama. Gaya ng pagpapahalaga sa sarili at mas lalo na ang pagpapahalaga sa mararamdaman ng iba. Mas maganda na daw na magsakripisyo ka kaysa masaktan ang iba para lang sa'yo.

Bigla akong nagising sa lalim ng iniisip ng magsalita itong katabi ko. "Kawawa ka naman. Wala kang friends? Ngayon friends na tayo! May mag-aaya na sayong maglaro." Ngumiti siya sakin.

"Tara! Laro na tayo, Snow!" Masaya niyang sabi. Napangiti naman ako dun. Siguro ito na yung sinasabi ni mama. Na may darating na taong magpapasaya sa akin. Siguro dumating na talaga ang kasiyahan ko. "Sige, bunny!" Sagot ko sa kaniya.

Kahit sa huling alaala, siya parin ang naalala ko. Ang dami na rin pala naming napagsamahan. It's been eleven years since our first meeting. Eleven years na kaming magkasama, eleven years na magkaibigan.

Napangiti ako bago tuluyang nagdilim ang paningin ko. Hindi ka mawawala sa puso ko, Adam...

My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon