Kabanata 37

439 15 1
                                    

San Ildefonso De Toledo

"My mom and dad met here," banggit ni Adam sa tabi ko. Magkahawak ang kamay ay naglakad kami papunta sa harapan ng simbahan. Inikot ko ang paningin.

The church's pews were in a beautiful brown color. Hindi gaanong marami ang tao dahil weekdays ngunit may mangilan-ngilan ka pa ring makikitang nagdadasal. Sa malayong dako ay nakakita ako ng pamilyang nagsisimba.

Ang mga santo at santa ay magandang nakalagay sa gitna ng buong simbahan. Sa gilid ay may mga painting na hindi ko mawari kung ano. Mayroon ding grupo ng matatanda na nagsisimba. Nakaluhod ang isa at taimtim na nagdadasal habang ang mga kasama ay nakaupo lamang.

The nave is gorgeous. Ang pagkaukit sa ikinalalagyan ng mga santo ay halatang propesyunal ang gumawa. I almost wanted to have my hands on them. It makes the whole church complete and stunning.

I can also see the pulpit. Ngunit hindi tulad ng madalas makita, walang nagmimisang pari doon. Instead, there is a vase of flowers placed in the table.

Nilalaro ni Adam ang magkahawak naming kamay. His thumb is brushing against mine kaya napatingin ako sa kaniya. "Mama is wandering around here and Dad was with his family." Sumilip ang maliit na ngiti sa kaniyang mga labi. Binaling ko ang buong atensiyon sa kaniya.

"This place is really special for them." Tumango ako sa kaniya. They must've been happy that they met here.

"Remember when you told me you hate churches? Kasi sa simbahan ka iniwan ng papa mo?" Kumunot ang noo ko sa kaniya. Yes, that was long time ago, noong bata pa kami. I always despise churches because of him.

"Sabi mo puro masasakit na alaala ang bumabalik sayo kapag nasa simbahan ka," Tinignan niya ako sa mata. Inangat ko ang paningin sa kaniya at umiling.

"Matagal na 'yon, Adam. It's never okay to despise a holy place." Ngumiti ako kahit na nakikita na ang butil ng luha sa gilid ng aking mga mata. Naalala ko ang sarili. My old self, ang batang pag-iisip ay nabahiran na ng galit. Galit dahil hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung paano niya nagawa 'yon. Marami akong tanong, na hanggang ngayon hindi pa rin masagot-sagot.

"Yes, that's why we're here. To replace your bad memories with good ones." Iginaya niya ako malayong gilid ng simbahan. Sa malaking pintuan, ay lumabas kami. Sa tapat ng bukana ay huminto siya.

Hinarap niya ako at hinawakan ang aking nanginginig na mga kamay. "Gusto ko kapag pupunta ka ng simbahan, you'll never be sad again," Pinisil niya ang aking mga palad. "I want you to remember me everytime you'll went in a church. I don't want you to be sad."

Tumingala ako para pigilan ang mga luha sa pagbagsak. He is really thoughtful. Ang mga bagay na hindi ko maamin, kahit sa sarili ay alam niya.

May kinapa siya sa bulsa. Kinuha niya ito at inilagay sa aking palad. Bumaba ang tingin ko dito, isang puting papel. Kumalabog ang puso ko.

Iniangat ko ang tingin ko sa kaniya, tumango siya, may maliit na ngiti sa mga labi. Binalik ang mga mata sa papel ay binuklat ko ito.

'Will you be my mine?'

Nanghina ang tuhod ko. Pagkatingin sa kaniya ay inabot niya sa akin ang isang bouquet. White carnations. Ni hindi ko alam kung paano siya nagkaroon ng ganoon.

Nanginginig ko itong tinanggap. Hindi pa rin makapaniwala sa nabasa ay tinignan ko siya nang nakauwang ang mga labi.

Tumulo ang mga luhang kanina pa gusto lumabas sa aking mga mata. I can't believe this! Did he really asked me to be his girlfriend?

"See, I've known you for such a long time. We've been bestfriends since we were kids. But now, I don't think I can endure being just your friend." Seryoso niya akong tinignan.

My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon