Kabanata 19

418 16 6
                                    

It will never forget you





Matapos kong maligo ay napagdisyonan namin ni Adam na magbar. Though we're under age pinayagan naman kami because of the magic card. Haha!

Nag-order kami ng juice at umupo sa sofa. Hindi naman talaga kasi kami nandito para uminom. Nandito kami para magliwaliw lang at makinig sa mga kumakanta dito. Sabi kasi magagaling daw ang bandang tumutugtog dito. Kaya naisipan naming tignan kung totoo nga ang sabi-sabi.

"Representing, Slayers!" Saad noong parang emcee sa harapan. Nakatayo siya sa gitnang parte ng bar kung nasaan ang stage at pagkatapos magsalita ay agad ng bumaba.

Bigla namang nag-akyatan ang apat na matatangkad na lalaki. Parang nasa early twenties ang edad nila base sa kanilang mga itsura. May taga-gitara, taga-piano, bokalista at may nagvaviolin!

"I want you to stay, never go away from me. Stay forever~

But now, now that you're gone, all I can do was pray for you, to be here beside me again.

Why did you have to leave me? When you said that love will conquer all.

Why did you have to leave me when you said that dreamin' was as good as reality~"

Nang matapos ang kanta ay nagpalakpakan kami. Grabe! Ang galing nung vocalist nila! Sobrang lalim at lamig ng boses! Lalaking lalaki!

Nagulat na lang ako, biglang tumayo si Adam at pumunta sa stage.

"Hoy! Anong ginagawa mo? Baliw ka?" Sigaw ko sa kaniya. Inilingan niya lang ako at nagsimulang maggitara. Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ang gagawin niya.

"No limit in the sky that I won't fly for 'ya. No amount of tears in my eyes that I won't cry for 'ya."

Kung malalim yung boses nung vocalist kanina. Mas malalim ang boses ni Adam. Yung boses nya yung parang... malalim na sobrang ganda? Yung feeling na habang nakikinig ka sakanya, para kang lumulutang? Para kang hinihele, ganun.

"With every breath that I take, I want you to share that air with me.

There's no promise that I won't keep. I'll climb a mountain, there's none too steep."

"When it comes to you, there's no crime. Let's take both of our souls and intertwine.

When it comes to you, don't be blind.

Watch me speak from my heart when it comes to you, comes to you~ hmmm~"

Buong pagkanta niya ay nakatingin lang siya sa akin na parang ako lang ang taong nandito na nakikinig sa kaniya.

I was in love with his voice. Grabe, tinalo niya pa yung vocalist ng Slayers. He's too perfect. Too perfect to be my bestfriend.

Habang kumakanta sya nakangiti lang ako. I'm proud of him. Dati-dati inaasar ko lang yan, nakikipaglaro lang ako sa kaniya, but now? He's too high to reach. Para siyang bituing kahit kailan ay hindi mo maaabot.

Nang makabalik siya sa upuan niya ay napangisi siya.

"Sino mas magaling? Ako o yung vocalist ng Slayers?" Sabi niya dahilan ng pagkatawa ko.

"Sino pa ba? Edi ikaw!" I chuckled. He just smirked. He seemed proud of himself.

Umorder lang kami ng chips at umalis na.

I was eating chips the whole time we're walking. Napuno kami ng katahimikan simula nung napagdesisyunan namin munang maupo sa tabing dagat at tumingin sa mga bituin.

Ang ganda ng tanawin dito. Kahit na madilim na at hindi mo na makikita ang dagat, bumabawi naman ito sa pandinig mo. Ang lagaslas ng dahon, ang tunog ng mga alon at ang nagniningning na mga bituin ang pupuno sa paningin at pandinig mo. Napakaraming bituin sa gabing ito. Ngunit isa lang ang bituin na umaangat. Ang ningning niya ay iba sa lahat. Masyado siyang malaki tignan kaya kung ikukumpara mo siya ay panalong panalo talaga siya.

Ngunit sa kabila ng mgandang tanawing ito, hindi pa rin mapigil ang isip ko. Napatingin ako kay Adam.

Ang daming tumatakbo sa isip ko. Paano kaya kapag 'di niya ako nakilala?, Paano kapag 'di niya ako naging bestfriend? Or paano kapag nagkaamnesia siya at nakalimutan niya na ako? Makakayanan ko kaya?

Hindi ko alam ngunit iyan lang talaga ang umiikot sa utak ko sa mga oras na ito. Masyado ata akong nagooverthink na dumating sa puntong kung ano ano na lang ang naiisip ko. Nababaliw na yata ako.

"Anong iniisip mo?" Bigla niyang tanong habang nakatitig sa akin. Tinignan ko din ang maganda at nagniningning niyang mga mata. Naalala ko tuloy ang nag-iisang bituin na angat sa lahat ng bituin ngayong gabi. Katulad niya iyon. Nag-iisa lang at walang kapalit.

"Kung paano kapag nagkaamnesia ka tapos 'di mo na 'ko makilala o maalala man lang." Mapait na sabi ko. Napatingin ulit ako sa bituin na sinisimbolo niya.

"That's not gonna happen. Oo, nakakalimot ang utak. But my heart? It will never forget you." Napatingin ako sa kaniya.

"Kasi diba? Bestfriends tayo?" He smiled.

"Yeah." Sabi ko. At natahimik ulit kami.

"Samantha, paano kapag may isa kang bagay na kahit anong gawin mo, di mo parin maabot? Kahit na ginawa mo na ang lahat? Ngunit may nagmamay-ari pala sa bagay na yon?" Tanong niya, pinuputol ang nakakabinging katahimikan.

Napaisip ako. Ano nga ba?

"Kung sa tingin ko, nagawa ko na ang lahat. Kung sa tingin ko, tama na ang paghihintay na ginugol ko, susuko na 'ko. Di dahil di ko na gusto, kundi dahil pagod na 'ko. Tsaka may nagmamay-ari na pala sa bagay na yon, edi don't fight. Give up." Ganoon naman talaga. Minsan hindi porket gusto mo ang isang bagay, lalaban ka na lang ng lalaban. Minsan isipin mo din ang sarili mo, kung nasobrahan ka na ba. Kung nabigay mo na ba ang lahat na wala nang natira sayo. At minsan kailangan mo din ikunsidera ang sitwasyon. Kung talaga bang para sa iyo ang bagay na yon o pinipilit mo lang kasi gusto mo.

Hindi kasi sa lahat ng oras dapat lumalaban tayo, lalo na kapag nabigay mo na ang lahat ng makakaya mo pero wala pa ding nangyayari. Minsan, kailangan din nating sumuko. Tao rin naman tayo, kaya huwag kang magpakasuper hero diyan na kahit nasasaktan na ay okay lang, imortal naman. Tao tayo, nasasaktan din. Kaya huwag kang magpakamartyr diyan kasi hindi naman titigil ang mundo mo kapag hindi mo nakuha ang bagay na iyon, hindi ba?

"You won't wait?" Nakakunot noo niyang sabi.

"I won't. Waiting is nothing if that thing is not worth waiting for." Totoo naman, walang kwenta ang paghihintay kung alam mo naman sa sarili mo na walang patutunguhan ang lahat ng ito.

"Sorry but I won't stop. I won't give up. I'll wait. Even if I'm tired of everything, I'll still fight for that. Because you're wrong. That thing is worth waiting and fighting for." Sabi niya at iniwan akong nakatulala doon.

My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon