Kabanata 4

660 23 2
                                    

Third Wheel



Sabado ngayon at wala akong magawa. Natapos ko na kasi ang mga assignments ko kahapon kaya't nandito ako at nabobored na sa bahay.

Usually, hindi naman talaga ganito ang ginagawa ko. Ngayong weekend kasi ay wala ang mga bata sa ampunan kaya't wala akong pasok sa part time job ko. May ginanap ata na team building, base sa sabi ni sister Teresa.

Pinag-iisipan ko ang mga maaari kong gawin para makalampas sa buong weekend ng bored nang tumunog ang cellphone ko. Agad agad ko itong kinuha dahil baka ito na nga ang solusyon sa problema ko! Nakita ko naman ang isang text message ni Adam sa inbox ko.

Adam:

May ginagawa ka ngayon?

Nagtipa agad ako ng sagot ko. Mukha ito an nga ang solusyon sa problema ko!

Ako:

Wala naman, bakit?

Hindi pa natatapos ang isang minuto ay agad siyang nagreply. Mukhang inaabangan ang sagot ko sa tanong niya.

Adam:

Gusto ko sana magtanong kung pwede mo 'kong samahan sa grocery. Magluluto kasi ako para sa birthday ni eomma.

Hindi ko pa natatapos ang pagbabasa ng text niya ay may tinext na naman siya ulit.

Adam:

Alam mo naman kasi, 'di talaga ako marunong magluto. Kaya humihingi ako ng tulong, please?

Naiimagine ko ang mukha niya na nagpu-puppy eyes habang sinisend ang text niya. Nakakatuwa! Ang cute niya siguro!

Papayag naman ako, s'yempre. Bukod sa gusto ko ring tumulong ay wala naman akong gagawin dito kaya tutulungan ko na lang siya!

Ako:

Sure, Dame. But, pwede ko bang isama si Christine? Ang alam ko kasi magaling siya magluto.

Adam:

Sure! Thank you, Sam! Gonna send the address where.

Agad kong tinext si Christine.

Ako:

Tine! Free ka ngayon?

Pagkatapos ng ilang minuto ay nagreply din naman siya.

Christine:

Yup, bakit?

Buti na lang, at maisasama ko siya.

Ako:

Maggo-grocery kasi ako, tutulungan ko si Adam. Papatulong sana kami sayo. If okay lang?

Medyo nakakahiya naman kasi. Baka isipin niya na akala ko okay lang na kaladkarin ko siya sa mga lakad ko whenever I want.

Christine:

Sure! Isend mo sa'kin kung saan.

At ginawa ko naman ang sinabi niya.

Christine:

Alright, be there in 30 minutes.

Pagkakita ko nung text niya ay nagbihis agad ako. Dali dali akong sumakay sa isang jeep para makapunta agad ako sa supermarket na tinutukoy ni Adam.

Kaso malas ata ako at traffic pa! Napailing ako. Siguro nandoon na sila Christine at Adam, anong oras na kasi! Bakit ba kasi traffic dito? Bakit ngayon pa naisipan ng mga taong magwalwal at lumabas ng bahay?

My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon