Kabanata 5

595 25 2
                                    

Manhid


Nandito na kami sa condo ni Adam. Tinatanong niyo kung bakit siya may condo? Aba'y malay ko. 'Di, biro lang. Bata pa lang daw kasi siya, pinag-iipunan na ito ng mga magulang niya.




Kaya noong nag-high school na siya, nabili nila ito. Nang mga panahong iniwan ako ni papa, pansamantala akong tumira dito.



Nag-part time job ako para makatulong din sa kaniya hanggang sa nakapagipon ako at nakarenta ako ng isang maliit na room. Tinulungan din niya ako sa pag iipon noon, sabi ko babayaran ko siya kapag nakuha ko na yung sweldo ko, pero dahil mapilit sya at ayaw nya akong magbayad, sinunod ko na lang siya para matapos na.





Naku! Wala akong laban sa kaniya e, binlack mail ba naman ako?




"Dame, anong uunahin natin?, " napatingin ako sa mga ingredients ng lulutuin namin, may fruit cocktail, creams, cake mix at mga kailangan para makapagluto ng cake para kay tita, "Yung fruit salad o yung cake?"


"Mas maganda kung unahin muna natin yung fruit salad. Para mapalamig na sa ref." Sabi ni Christine. Tumango ako bilang pagsang-ayon, siya naman kasi ang may mas nakakaalam sa mga ganitong bagay sa aming tatlo kaya makikinig na lang ako sa kaniya.

"Tama, siguro unahin muna natin yung fruit salad. Ikaw, Dame ang taga-bukas nung cans ng fruit cocktail tapos ako naman sa paghahalo. At ikaw naman Tine," napaisip ako.





"Simulan mo na yung mixture ng cake, okay ba?" tanong ko sa kanila. Yun kasi ang nabuo kong plano sa utak ko para mas mapabilis ang trabaho.




"Yes, ma'am!" Sabi ni Adam at nagsalute pa talaga. Loko loko talaga ang isang ito, natawa na lang ako.



"Dame, paabot nga nung cream mixture para mahalo ko na sa fruit cocktail." Sabi ko, hindi ko kasi maabot iyon, nasa may dulo kasi itong banda ng lamesa at nastuck naman ako dito sa kabilang dulo dahil hawak hawak ko ang isang lata ng fruit cocktail at nagsasalin sa malaking bowl.



"Eto na po, ma'am." Tawa niya habang inaabot ang sinabi kong mixture.



Akala ko iaabot niya sa akin yung bowl ng cream mixture pero 'di ko inaasahan ang ginawa nya...



Humagalapak siya sa tawa pagkatapos niya akong pahiran ng cream mixture!



"Lagot ka sakin!" Sigaw ko at hindi nagpatalo, binato ko siya ng isang kutsara nung fruit cocktail! Ako naman ang humagalapak ngayon.



Ang epic ng itsura niya! Mukha siyang Christmas tree! Hindi ko mapigilan ang tawa ko. Paano ba naman kasi, nakasuot na siya ngayon ng green t-shirt na napapalibutan ng iba't-ibang kulay noong mga prutas.



"Christmas Tree Man!" Humagalapak ulit ako habang masama at matiim niya akong tinititigan. Tawang tawa ako sa itsura niya. May cherry pa siya sa may buhok. Para siyang Christmas tree na ice cream. At ang loko, nagpout pa! Buti na lang at cute ka!



"Ah. Ganon?" Ngumisi siya at naramdaman ko na lang ang malapot na likido sa mukha ko. What the? Pinahiran niya ako noong icing! Agad akong nainis sa ginawa niya ngunit 'di ako magpapadala sa galit ko. Hindi ako makakapayag na matalo at siya'y maging masaya 'no!



"The heck?" Sigaw niya ng maramdaman niya ang likidong ibinuhos ko sa kaniya. Pinaliguan ko lang naman kasi siya ng pineapple juice. Natawa ulit ako.



My Bestfriend (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ