Kabanata 2

762 24 5
                                    

Friends



Nagmamadali akong naglalakad sa may corridor. Paano ba naman kasi, late akong nagising kasi nga nakatulog ako tapos ang dami palang assignments. Mababaliw ka na lang talaga. Honor student naman ako pero, sobrang dami lang talaga ng assignments namin kahapon. Siguro nga nagalit sakin si Mr. De Guzman kahapon kase sya yung nagbigay ng pinakamaraming assignments.

Mabilis ang lakad ko ng may makabangga pa akong babae! Naku naman! Ngayon pa talaga?

"Sorry miss, okay ka lang?" Sabi nung babae nang makatayo na ako.

"Mukha ba akong okay? Nagmamadali na nga ako, tapos may makakabangga pa ako." Sabi ko, umiirap habang pinupulot yung mga librong nagbagsakan sa sahig. Pasensya naman kung masungit ako. Late na nga kasi ako tapos wala pa akong kain. Sa kakamadali ko kasi kanina, nakalimutan ko nang kumain.

Napatingin ako sa wristwatch ko at agad na nagpanic ng makitang nahuli na talaga ako sa unang ko sa araw na ito.

"Sorry talaga miss." Paghingi ulit ng tawad ng babae sabay yuko.

"Tama na yan, miss. Okay na yun. Huwag mo nang alalahanin." Sabi ko at tumakbo na papunta sa classroom ko.

Sapo-sapo ang aking dibdib sa sobrang hingal sa pagtakbo kanina, pumasok na ako sa silid. Natahimik sila ng mapansin ang presensya ko at sabay saby na tumingin sa akin. At sabay sabay ding tumawa ng malakas.

Tinagilid ko ang ulo ko, naguguluhan. Anong problema nila? Anong nakakatawa? Bakit pati si Sir ay tumatawa?

Nahagip ng mata ko si Leo, hawak hawak ang bibig na tili pinipigilang matawa kahit na namumula na ang kaniyanh mukha. Di lumipas ang isang saglit ay natawa na talaga siya.

"Sir, sorry I'm late." Sabi ko sabay yuko ng medyo humupa na ang tawanan. Baka pagalitan na naman ako.

"That's okay. At least napatawa mo kami." Sabi ni Sir na halatang pigil na pigil yung tawa.

"Sir, matanong ko lang po. Ano po bang nakakatawa?" Tinanong ko na. Curious kasi ako e. Ano ba talagang nakakatawa?

"Yung b-buhok m-mo." Halos 'di niya matapos ang sinasabi niya dahil sa mga tawa niya. Ano daw? Nababaliw na ata talaga sila? Magsasalita pa sana ako pero inunahan na niya ako.

"You may take your seat now, Ms. Alcantara. At paki ayos narin yang magulo mong buhok." Sabi niya at nagpakawala ng tawa, ulit.

"Sige po, sir." Tumango ako, umupo na ako sa upuan ko at inayos ang magulo kong buhok na siguro dahil sa pagtakbo ko kanina.

Napatingin si Sir sa amin na parang may iniisip na sasabihin, "May announcement nga pala ako. Today, may bago kayong magiging classmate. She's a transferee kaya maging mabait kayo sa kanya, okay?"

"Yes sir." Sabi naming lahat.

Tapos may pinapasok si Sir na babae galing sa labas. Nagulat ako nang makita ko yung babae kanina. Yung nakabungguan ko. Sya yung transferee.

"Hello, my name is Christine Angela Martin. I'm 16 years old." Pagpapakilala niya sa harapan. Sinabi niya iyon ng may ngiti sa labi. Ngayon ko lang napansin, ang ganda nya pala. Yung simpleng babae na maganda, sya yun. Maganda, maputi, slim at napakaganda ng ngiti. Siguro magiging sikat din ito. Maganda at mukhang mabait. Kadalasan kasi dito basta may itsura, sisikat na. Pero base sa itsura nya, parang hindi naman sya katulad nila Beatrice na porke sikat, nagmamayabang na.

Nakarinig ako ng bulung-bulungan tungkol sa kaniya. Kesyo daw ay maganda siya at may plano ang mga kaklase ko na ligawan siya.

Napabuntong hininga na lang ako. Iyan na agad iniisip nila? Porke ba maganda, liligawan na agad? 'Di pa nga nila alam kung pakitang tao lang yan.

My Bestfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now