Kabanata 15

430 17 2
                                    

Flight




Why the hell did I do that?!Dahil ba sa epekto ng alak? o talagang baliw na ako?!


Nang makaraos na ako sa pagkagulat at pagkatanga ko, bumangon na agad ako at naligo. Sayang yung premyo noh! Nang matapos maligo ay agad agad akong nagbihis na dumating sa puntong nadapa pa ako. Ang sakit ah!

Madali akong naglagay ng onting make up dahil malalate na ako sa flight namin! Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang pink kong maleta na nakahanda na sa gilid ng aking kama. Mukhang pinag-impakihan nga talaga ako nila Christine.

Nang matapos sa pag aayos ay pinasadaan ko ng tingin ang aking katawan. Nakawhite t-shirt lang ako at maong na ripped jeans. Nakawhite rubber shoes din ako dahil yun ang unang nadampot ko sa mga sapatos ko. Okay na kaya ito? Aish. Malalate na ako! Kinuha ko na ang aking maleta at agad na kumaripas ng takbo sa pintuan.

Ngunit pagbukas ko nito ay tumambad sa akin ang isang matipunong lalaki. Nakablack v-neck t-shirt siya, black jeans at aviators. Matangkad at maputi ang lalaki at masasabi kong may napakagwapo nitong mukha. Napasadaan ko din ng tingin ang rubber shoes nyang white.

"Psst!" Pagpitik ng kamay ni Adam sa harap ko ay agad akong natauhan. Oo tama, siya yung sinasabi kong matipunong lalaki.

"Tara na! Alis na tayo!" Sabi niya at kinuha ang maletang dala ko. Madali niya lang itong sinabit sa balikat niya na para bang isa itong shoulder bag at naglakad na papunta sa kotse niya.

Nang makaahon sa pagkakatulala ay sinarado ko na ang pintuan. Nilock ko ang lahat ng mga daanan papasok ng bahay. Mahirap na, baka manakawan ako habang nasa bakasyon.

Nang matapos dun ay naglakad na rin ako papunta sa kotse niya. Nang makaupo sa front seat ay agad kong nilagay ang seatbelt ko at pinaandar niya naman ang sasakyan. Hindi mabagal, hindi mabilis ang pagpapatakbo niya. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Ang awkward lang kasi! 'Diba?! Nagkiss kami kagabi! At ako pa ang nagsimula! My Gosh!

Napansin niya siguro ang awkwardness sa pagitan namin dalawa kaya nagpatugtog siya. At sanhi naman ito ng pagkaestatwa ko.

Do you remember when I said I'll always be there, ever since we were ten, baby...

"I pray for all your love, your love is so unreal, I just wanna reach and touch you, squeeze you, somebody pinch me~

This is something like a movie and I don't know how it ends girl, but I fell with my bestfriend~"

Nang-aasar ka ba talaga, radio ha? I fell inlove with my bestfriend ka dyan! Walang ganon! Teka? Bakit nga ba ako naaapektuhan? Wala namang pake si Dame kaya okay lang yan!

At dahil na nga siguro sa hang over, 'di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako na parang lumulutang ako.

Iminulat ko ang isang mata, pagkatapos ay ang isa pa. At nanlaki ang mga mata ko ng tumambad sa akin ang mukha ni Adam! Buhat buhat niya ako sa mga bisig niya!

Sa sobrang pagkagulat ko, natulak ko si Adama. At napalakas ata yun kaya ako nahulog!

Aray ha! Ang sakit sa pwet!

Napatili ako ng kaunti, "Ang sakit!" Sabi ko at tinulungan niya akong tumayo.

"Ikaw naman kasi. Sa susunod, huwag ka basta basta manunulak. Binuhat na nga kita." Sabi niya habang pinapagpapagan ang damit ko.

"Kasalanan ko pa ganon? 'Di ko naman sinabi sayo na buhatin mo 'ko!" Medyo inis kong saad. Totoo naman! Sino ba kasing nangsabi na buhatin niya ako?

My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon