Kabanata 25

414 15 2
                                    

Naghihintay ako




Nanginginig kong nilabas ang cellphone ko at dinial ang number ng tanging taong makakatulong sa akin ngayon.

Sumagot ka, please. Please.

Nang marinig kong sumagot na siya ay nagpakawala ako ng mahinang buntong hininga.

"Leo, c-can you make me a f-favor?" Nanginginig ang labi ko at halos 'di ako magkanda-ugaga sa kakalakad sa sala ng condo ni Adam, tinitignan ang mga papel na nakalatag sa mesa niya.

"Yes? Hmm... What is it?" Sa tono ng boses niya ay parang may ginagawa siya at naabala ko pa siya sa tawag na ito kaya bahagya akong nagsisi, pero wala nang atrasan 'to. I have to know where he is!

"Please, l-locate where Adam w-was, wala siya sa c-condo niya at... at," biglang tumulo ang luha sa mga mata ko, "just c-check if he went out of the country, p-please." Ngayon, halatang halata na ang panginginig ng boses ko, napahikbi ako.

"Wait, what? Samantha, umiiyak ka ba? Where are you?" Nagmamadali niyang tanong, tila nagpapanic dahil sa biglaang paghikbi ko, "I'm at A-adam's condo, please! Leo, check if he went out of the country." 'Di ko na mapigilan ang mga luha sa mata ko.

"Okay, okay. I'll let my secretary do that. D'yan ka lang, pupuntahan kita." Pagkatapos no'n ay binaba niya na ang tawag. Napatingin ulit ako sa mga papel na nakalatag dito. He's obviously out of the country! He obviously leaved me! But... Maybe he wasn't? Siguro naman, may emergency lang... Oh, damn it! Don't fool yourself, Samantha!

At tumulo na naman ang lintek kong mga luha. Kalahati sa akin ay umaasa na hindi niya pa ako iniiwan, at peke lang ang lahat ng ito, kalahati naman ay nagdurusa at tinatanggap na na iniwanan niya nga talaga ako... Pero bakit naman?

After almost half an hour waiting, dumating na rin si Leo sa condo ni Adam. Agad kong inangat ang tingin ko, at 'di na napigilan ang sarili 'kong yakapin siya. Hindi ko alam, kung bakit ko ginawa 'yon pero gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano.

"Leo, a-anong balita? Did y-your secretary," hindi na natapos pa ang mga sasabihin ko ng tumango siya. Nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalinlangan pero agad siyang nagsalita, "Yes, Samantha. He's out of the country, kahapon pa. But their flight was private that they didn't want anyone to know where they went."

Biglang gumuho ang mundo ko, anong nangyayari? Parang nung nakaraan lang maayos naman kami. Nagbiruan pa kami at nagkwentuhan tungkol sa mga plano namin sa college pero bakit ganito? Bakit... iniwan niya ako?

Ang mga luha na kanina ay pumapatak lang ay para ng gripong nakabukas at patuloy sa pagpatak. Walang humpay, walang katapusan. Napahikbi ako. "Leo, hindi ito totoo diba? Binibiro mo lang ako diba? O baka nananaginip ako?!" Hindi pa ako natatapos sa sasabihin ay hinila niya ako papunta sa dibdib niya at niyakap. "Hush now please." Sabi niya.
Pero parang nabingi na ata ako. Wala na akong mapakinggan sa mga sinasabi niya. "Gisingin mo ako, Leo! Nananaginip lang ako diba?!" Sumigaw ako at kumawala sa yakap niya. Kinuha ko ang kamay niya at pilit na sinasaktan ang aking sarili gamit iyon. Pinipilit kong gisingin ang sarili ko sa bangungot na ito!

"Samantha, please tama na. Tama na, samantha." Pigil niya sa akin. Napaluha na lang ako. Nanghihina ako. Nanghihina ang buong katawan ko. Ang sakit ng ulo ko at nangangatog ang mga binti ko. Kung hindi niya pa siguro ako hinawakan ay bumagsak na ako dito.

Napahawak ako sa dibdib niya, "No, Leo. He can't do this to me." Nabasag ang puso ko. "He loves me, right? Mahal niya ako, bakit niya ako iiwan?" Tanong ko. Kasi honestly, hindi ko na alam. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Hindi ko na alam ang dapat kong isipin

My Bestfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now