CNW 7: Anonymous Group

10.7K 648 25
                                    

They said waking up with a hangover in the morning is worst than having a period cramps, but for me, feeling them both in a morning is the worst thing I've ever felt in my entire life.

Nagising akong sobrang sakit ng ulo at para bang ilang beses iyong pinukpok ng martilyo, habang ang buong katawan ko ay nananakit, walang partukular kung saan mismo, basta lahat. Para ring sobra akong nagwork out kahapon na dahilan upang sobrang sakit ng buong katawan ko.

I groaned as I tried to sit up. Nakaramdam ako ng pares ng kamay na umaalalay sa akin kaya't mabilis kong naidilat ang mata ko ngunit pinagsisihan rin kaagad nang matamaan ng liwanag. Heck, what time it is?

“Gising kana pala.” Nakarinig ako ng malamyos na boses na ikinadilat kong muli. Syempre, singkit pa ang mata ko noong una para mag adjust sa liwanag ngunit nang nagtagal ay umayos na rin ang aking paningin.

“Sino ka?” Tanong ko dito at pinasadahan ito ng tingin. She has a blonde hair, which suited her green eyes that beamed cheerfully as how wide her smile she's giving to me.

“I'm Yvonne, and I'm a healer in our town. I was assigned to take care of you and your group.” She said as she transferred her gaze from me to the other side of the room. Doon ko napansing nandoon din ang iba. Napaayos ako ng upo ngunit napaaray rin nang makaramdam ng sakit. “Ops, 'wag ka munang magalaw. How do you feel?”

Instead of answering her question, “Kamusta sila?” I asked instead.

Tumingin ito sa dulo (dahil nasa pinakauna ako) at napangiti bago ibinalik ang atensyon sa akin. “They're lucky to have you in their side. Well, they're fine. They're recovering fast but not as fast as you.” She said and chuckled. “Ano palang ginagawa nyo 'don?”

Biglang nanumbalik sa akin ang lahat. The ogre. The injured. My squad. And the guy with golden hair.

Napangiti ako. Hindi ba't kami ang nakapatay sa boss? Right, I saw it just with my own eyes.

Tumingin ako sa kanya at handa nang magkwento nang maunahan nya ako. “Thank god, that anonymous group saved you or else you and your group are dead by now.” Huminga ito ng malalim na animo'y nakaramdam ng relief habang ako'y natigilan.

“Anonymous group? Saved us?” Hindi ko namalayang nabigkas ko pala ng malakas dahil narinig ko ang sagot nya sa akin.

“Yeah? Didn't they save you and your group?” She asked me, confused, but not as confused as mine.

I saw it clearly, how the dagger shot straight into the ogre's eye that killed it. So paanong niligtas kami?

Instead of voicing it out… “How?”

“You mean, how? Ah, ayon. The town hall suddenly heard a notice that the boss was defeated, and that the medics will be needed because of the injured. Basta ang alam nila'y may nagligtas sa inyo dahil nang makarating sila ay ang pag alis ng mga ito. The knights saw their back before they disappeared. And if I heard it right, they are five members. Two boys and three girls.”

Tumaas ang kilay ko sa aking narinig. “And how did they assume that they are the one who killed the boss?” I couldn't hide the annoyance in my voice which I'm glad that she didn't notice it.

“Well, the weapon that killed the ogre wasn't founded, like it disappeared like them.” Napairap ako. Mabuti na lang at hindi sya nakatingin sa akin. “Anyway—”

Mabilis na nabaling ang atensyon ko sa pinakadulo nang makarinig ako ng daing, at doon, ay napansin ko si Kayne na unti-unting umuupo. Nakita rin iyon ni Yvonne kaya mabilis itong lumapit dito at inalalayan ito para makaupo ng maayos. “Where I am?” Kayne asked.

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon