CNW 23: Success

9.9K 596 42
                                    

“I will distract them, once they've already give way, go inside and hide. Wait for me.”

I remember what Alpha said once we saw the Boss, together with hundreds of his minions. Hundreds, more that those bandits that are on the way to the town we're defending. And hundreds, versus the eighteens of us.

Kaya ba namin 'to?

Pinanuod ko si Alpha gamit lamang ang aking mga mata. Kaaalis lang nya at ngayo'y palapit na sya sa mga bandits at mga pirata na nagbabantay sa pinto. Kahit ayoko ay pumayag na lang ako sa plano nya. Bakit, may magagawa ba 'ko?

I hitched my breath while watching him. I don't know what he did but I saw three bandits fell and vanished with just a simple move he made. Masyadong mabilis syang gumalaw na kahit ako'y hindi makapaniwala sa aking nakikita, hindi makapaniwala ang kakayahan ng top one sa buong mundo.

I saw him secretly look at my place. Mabilis nya rin iyong iniwas dahil nakikipaglaban sya sa mga bandits ngayon. Hindi ko alam pero sya, laban sa mga iyon, ay kitang kita ang advantages nya kahit napakarami ng mga iyon. Then Alpha started to ran with bandits running after him.

Now is my turn.

Tahimik at maingat akong bumaba sa puno at tinignan ang daang aking tatahakin. There's no other way aside of this door, in which, I know, some bandits already took the place of those who are trying to capture Alpha.

Ngayo'y umaasa ako sa aking bilis. Thanks to Alpha's stealth coat, which made my agility increased more than it was, I can move faster that they won't even notice that I'm already inside.

Bilang lamang ang nakapansin sa akin na tahimik kong pinatulog, at kapag sinabi kong pinatulog, ibig sabihin n'on ay naglalaho ang mga ito sa hangin. Tahimik akong pumasok sa isang pinto, iniiwasan ang pagtunog ng kahit na anong ingay. Ang tanging sandata na aking gamit ay ang isang simpleng dagger lang, habang ang iba nama'y nakasiksik sa scabbard na nakasabit sa aking binti.

Sumilip ako sa isang pinto at mabilis na napatago nang makakita ng aninong palapit sa akin. I heard their footsteps, even the sounds of their breathing because of my skin. Nang makalagpas ang mga ito ay sya namang paglabas ko at paglipat sa panibagong kwarto, gan'on lamang ang patuloy kong ginagawa hanggang sa makarating ako sa itaas.

Nakuha na daw ba nila? Nagpapahinga lang saglit si Boss pero mamaya'y susugod na rin tayo.”

“Sa pagkakaalam ko'y hindi pa, wala pang balita kay Estave.”

“Balita ko'y susunod daw sila Iñigo ngayon rin.” Oh, madadagdagan pa pala ang kalaban nila.

Muli ay ako'y sumilip at tahimik na tumakbo sa kabilang pintuan. Nang muli'y sumilip ako ay mabilis akong napatago dahil sa biglaang pagharap ng isa, hanggang sa narinig ko ang papalapit na yapak nito sa aking gawi.

“Anong ginagawa mo?”

“Sandali, may nakikinig.”

Wow, ang lakas naman ng pakiramdam n'on.

Umatras ako sa pinakadulo ng kuwarto. Sa aking gilid ay isang napakalaking bintana na sa tingin ko'y kasya ako, na katabi nito ang puno na hindi kalayuan sa amin. I saw the shadow of the man— or bandit— or whatever, just in front of my sight. Dahan-dahan ko iyong inangat at lumabas ngunit kasabay n'on ay ang pagbukas ng pinto.

At ang paghila sa akin ng isang tao mula sa puno.

Mabuti na lang at takip nito ang bibig ko kung hindi ay napasigaw na ako. I don't know him at first, but when I smell his scent, my nerves calmed but my heart did otherwise. Sa takot okay? Mabuti na lang rin at nakatago kami ngayon sa likod ng napakalaking puno kaya't natatakpan kami nito.

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon