CNW 78: Not Awake

6.2K 377 24
                                    

Alpha
Kyros Trevor Monaghan's POV

“Trev, sino bang— oh,” Bumaling ako sa nagsalita at umiling. Princeton is grinning from ear to ear. Ang sarap lang burahin. “Sinisilayan mo nanaman sya. Ano na nga ulit ang pangalan nya?” Hindi ko na lang sya sinagot at tinalikuran.

At one last glance, I look at the laughing girl surrounded with her girl friends. I mentally smirked. You'll be more happy if I am the one who's making you laugh.

Napag alaman kong mahilig pala syang maglaro, at halos lahat ng uso ngayon ay nilalaro nya. Mobile Legends, Rules of Survival, PlayerUnknown's Battlegrounds, name it. And all of it, the name she was using is Nightingale, while I use every name that comes in my mind so that she won't notice that she plays only with  one guy.

King: Nightingale, wanna play again?


Nightingale: Sorry, I'm kinda busy in our chemistry subject right now.
Why do it has to be groupings when I am the only one doing it?
Grrr 😠
Btw, well played! Even tho you aren't talking everytime we play hmp!

Hindi ko mapigilang mapangiti. Of course I don't talk. I'm just being paranoid that she'll know it's me when she heard my voice. Kahit na hindi pa kami nakakapag usap ng masyado… well, not really.

“Puyat ka nanaman Trevor.” Puna sa'kin ng isa naming kateam. Ngumisi na lang ako at hindi sinagot ang kanyang sinabi.

Lumagpas sa kanila ang aking paningin nang makita kong dumaan sila sa harap ng nakabukas naming gym. She's playing with her phone while her companions are looking in their cameras. Mabilis kong hinagilap ang phone ko na nasa bag na dala ko at mabilis na binuksan ang isang application doon. I heard these guys laughed.

“Whipped.” Wika nila at nagtawanan.

“Mind your business, jerks.” Balik kong sabi at tinignang nakaonline nga ito. I was about to invite her to play games with me when I heard our captain called our attentions. I grunted. Napilitan kong itago ang cellphone ko kahit na kating-kati akong umalis dito at makipaglaro na lang sa kanya buong maghapon.

“Trevor Monaghan!” I look at the owner who just called my name but my eyes stopped at the certain girl who just captured my attention since then. Biglang namula ang mukha nito at bago pa ako makabawi ay nabato na nito sa akin ang hawak nitong Gatorade. Shit!

“Pervert!”

Hinawakan ko ang noo ko habang napapangiwi, pilit na tinatago ng ngisi na pilit lumalabas sa aking labi. Mabilis na humarang dito ang kasamahan iton natataranta, iyon tumawag sa akin at nagpaliwanag. Noong nayari itong magpaliwanag ay bakas ng pagkahiya ang maganda nitong mukha, ngunit imbis na humingi ng tawad, at tinaasan lang ako nito ng kilay at humalukipkip.

“Not my fault if you were looking at me like that.” Umirap ito at tinalikuran kami bago naglakad paalis. Doon ay pinakawalan ko ang ngisi na kanina pa gustong lumabas sa aking labi.

“Not my fault for you're looking so beautiful, Nightingale.” Wika ko na sa sarili ko lang sana ngunit narinig yata ng kasamahan nya dahil napansin kong nanlaki ang mata nito sa kanyang narinig. Nangingiting umalis na lang ako doon.

Iyon ang huli naming pagkikita dahil kinailangan naming magmigrate sa America upang doon ko raw tapusin ang aking pag aaral. Hindi naman na 'ko nakatanggi dahil wala rin naman akong magagawa. Ngunit kahit gayon, kahit magkaiba ang oras naming dalawa, ay hindi ako magsasawang magpuyat makasama lamang sya.

Kahit sa pamamagitan lamang ng laro.

And it was like fate is playing with both of us because we met again, Levina. And this time, I'll make sure that you will be mine, my Queen.

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon