CNW 29: Birthday

8.6K 518 57
                                    

After a talk with Yvonne, I felt like myself is finally at ease. Maybe that's what I really need, right? They said a talk with women friends is always therapy. Siguro dahil pagkatapos kong makipag usap sa kanya ay tuluyang gumaan ang loob ko, na kahit na pangamba pa rin, alam kong may ibang poprotekta pa rin sa akin maliban kay Dustine.

At oo, aaminin ko. Kailangan ko ng protekta mula sa kanila.

Ngayo'y nandito na kami sa bahay at hinihintay nga ang mga boys. Red messaged me that they are on the way back at home. Dahil nga doon ay napagpasyahan namin ni Yvonne na ayusin na lang ang mga dapat naming ayusin para sa pagkain namin mamaya. Hindi ko rin alam kung anong mayroon pero parang on hands ang lahat sa gawain.

I heard the back door opened, as I also heard their laughters. Sabay kaming napalingon ni Yvonne na nasa kusina— kayayari lamang i-disinfect ang mga gagamitin namin. Of course it's Yvonne we are talking about. Being our medic, she's always saying that our health should come first before something else, and by which, disinfection is one of them.

“Welcome home!” Yvonne said aloud. Napangiti ako nang marinig ang bangayan ng mga lalaki maliban kay Weston, which is sanay na kami.

Sumilip ako at nakitang lahat sila ay may bitbit na kapapatay lamang na… what are those? Napangiwi ako. Stanley, who's grinning, look at my side and swear, even tho he's half naked (say hi to his six pack yummy abs), I was grimacing because of animal bloods on his body. Actually, lahat sila ay duguan dahil na rin buhat nila sa balikat nila ang mga napatay nilang hayop na sa tingin ko'y tinanggalan na nila ng laman-loob bago pa sila umuwi dito, and please, don't imagine the dead animals on their shoulder. Pasintabi po sa mga kumakain.

Lumaki ang ngisi ni Stan nang makita ang aking ekspresyon. “Hey, Princess! Give me a hug.” Sabi nito at pumorma pang yayakap. Kahit medyo malayo sya ay napaatras pa rin ako at nagtago sa likuran ni Yvonne.

“Don't you dare, Stanley! I swear!” Bigla kong hinagip ng mata ko ang kutsilyo na kalalapag ko lang kanina na mabilis inilayo ni Yvonne.

“Ops, no playing with knives.” Sabi nito at iniwan ako.

Nanlalaki ang mata sa takot na napatingin ako kay Stanley nang marinig ko itong tumawa. “Here I come— ouch!” Reklamo nito nang mabilis pingutin ni Dustine ang kanyang taynga.

“Go away and take a bath, asshole!” Sabi nito at hinila si Stanley. Nakahinga naman ako ng malalim ng makita silang paalis na. Finally. No blood—

“Levina, help me here!” Napatingin naman ako kay Yvonne na ngayo'y… what the heck is she doing? “Dali na! Tanggalin na natin yung mga balat!” Tumingin ako sa balat na tinutukoy nya. You mean… Heck… no!

***

“Have you ever peed in the pool?” Marky's voice, followed by Stanley's laugh.

“Everytime!” And he even proudly said that.

“Dugyot!” Kantyawan nila dito ngunit nangibabaw lamang ang boses ni Stanley.

“My turn! Weston, have you ever practiced kissing in a mirror?” Natatawa nitong sabi kasabay ng narinig ko ang paglagapak ng isang bagay.

“F—ck you!” At kasabay noon ay tawanan. Napailing na lang ako.

They are playing truth or truth while cooking and yes, truth or truth because none of them wants to do a dare. Nagpapasalamat rin ako sa kanila dahil tinulungan talaga nila kami sa pagluluto dahil kung hindi, sigurado akong matagal kaming matatapos at aabutin kami ng siyam-siyam sa dami ng kanilang dala.

Kanina pala ay mabuti na lang at dumating si Manong na hiningan ng tulong ni Dustine. Lahat kasi kami'y hindi talaga marunong magtanggal ng balat ng hayop at sa totoo lang, sobrang thankful ako at dumating sya dahil kung hindi, sigurado akong hindi maayos ang magagawa namin. As if gusto ko 'di ba?

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon