Epilogue

13.9K 685 246
                                    

Thankyou for supporting me in writing this story. Thank you for the patience and understanding! See you on my other books! ♡

It was an endless darkness. Pakiramdam ko'y nakapikit ako kahit na dilat na dilat ang aking mga mata. Kahit na mangapa ako sa kawalan, maglakad, ay pakiramdam ko'y hindi ako umaalis sa aking kinatatayuan.

Fear was slowly creeping through my whole body. Kanina ay wala akong maramdaman, ngunit ngayon ay unti-unti, nakakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na takot. Ang takot na pag iisa, ang takot na matrap sa walang hanggang kadiliman nito.

I don't want it. I don't want to be trapped in this endless darkness. I want to see my friends… my family… my Kyros… I don't want it.

Tears fell in my eyes. Hinayaan ko na lang ang mga itong tumulo mula sa aking mga mata sa kadahilanang wala akong magagawa kahit na gustong gusto kong makaalis dito. Paano? Ano ang dapat kong gawin? Kung—

A sudden pain was I felt in my head. Napapikit ako at biglang napaluhod habang hawak dito. Hindi ko mapigilang sumigaw sa sakit. It was like my head was being torn into pieces. Nakakaramdam ako ng pagkasunog sa aking utak. I tried… I tried to not feel it but it's just too much!

Nakaramdam akong may tumulong likido sa aking ilong, ngunit ang sakit ang siyang nangingibabaw. I shouted and shouted while crying. Hindi ko alam ang gagawin! Hindi ko alam ang nangyayari! Please make this pain stop!

Hapong-hapo ako nang mawala ang sakit na iyon. I felt like my whole body was drained, that all of my energy was drained by an unknown reason. Bakit… hindi pa rin yari? Bakit dito… wala akong magawa kundi hayaan silang bigyan ako ng sakit.

Hindi lamang iyon ang pagkakataong sumakit ng sobra ang aking ulo. I lost count of the times I felt that pain, ang sakit na habang tumatagal ay palala ng palala, na para bang pilit nitong sinasakop ang aking ulo.

Pagod na pagod akong nakaluhod habang ang mukha ko ay basang-basa sa pinagsamang dugo, pawis at luha. Suddenly, memories of my friend flashed on my mind… and in front of my like a hologram. Nakikita ko ang aking sarili kasama ang mga taong lubos kong pinahahalagahan. This are the memories that I will always keep on my mind. The memories that I will teasure the most.

“Be my queen.”

“We'll conquer this all together.”

“Are you okay?”

“Eww, PDA!”

“He's Alpha, the leader of—”

Bigla na lamang sumakit muli ang aking ulo na dahilan upang mapahawak ako dito. Nanghihinang napahiga ako sa hindi ko makitang lupa. I could still hear the sound coming from the hologram in front of me. Hindi nagtagal ang sakit, ngunit pagkayari noon ay pakiramdam ko'y may kulang na.

Inangat ko ang paningin sa aking harapan, at biglang nagtaka kung ano ang aking nakikita. It was like I knew them… I recognize them but… I can't pinpoint who are them.

Who is Dustine?

Who are the people in this hologram?

Who is Alpha?

And most importantly, who is Nightingale?

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatingala, nanunuod sa mga pangyayari. Hindi ko rin alam na tumutulo na pala ang luha ko habang nanunuod nang hindi ko alam ang dahilan. Why… why am I crying? Pinunasan ko ang luha ko at nanghihinang tumayo.

Who are you?

I want to know all of you.

As my heart saying I know you. All of you.

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon